She blurted it out

100 9 0
                                    


---6

"We'll wipe off your tears away. Stop crying and hurting youself, smile today"

"Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako sa demonyo sa utak ko! NAIINIS AKO TO THE POINT NA KAILANGAN KONG SAKTAN ANG SARILI KO PARA LANG LUMAYAS SIYA!" malakas na sigaw ni Carrie sa kawalan. Nanatili lang na tahimik ang lalaking kasama, habang pinagmamasdan siyang ilabas ang lahat ng hinanakit niya.

"HINDI KO NA KAYA! I'M SO TIRED OF LIVING! I'M TIRED OF EVERYTHING! TAKE ME AWAY, PLEASE!" dugtong nito habang tumutulo ang luha sa pisngi.

"No, take the demon away from her, please,"bulong ng lalaki na ikinatigil ni Carrie. Napatingin siya rito, tsaka yumuko.

"Uulitin ko, hindi mo gustong mamatay. Ang gusto mong mamatay ay iyong demonyo sa utak mo. Nalilito ka at naguguluhan, Carrie."

"Paano kung gusto ko na talagang mamatay?" sagot ni Carrie na tila ba naghahamon, ngunit mababasa ang lungkot sa mga mata nito.

"It will never happen," malakas na loob na sagot nito, tsaka ngumiti. "Ang babaeng kaharap ko ngayon ay malakas, kaya bakit gusto na niyang mamatay?"

Napailing na lamang dito si Carrie, tsaka ibinalik ang tingin sa bukirin. "Masakit pala talagang magmahal. All my life, napapalibutan ako ng hindi totoong bagay. Fictionzoned, I guess?"

"What do you mean by that?"

"I fell in love with someone na alam kong sasaktan lang ako. But hey, nag-take risk naman ako at hindi nagpakatanga, hindi ba?"

"Nag take risk ka nga pero alam mo naman palang walang mangyayari, sumugod ka parin. Minsan, hindi na katapangan ang pagtake risk," naiiling na sagot ng lalaki rito. "If you know what I mean."

Tumango si Carrie, tsaka bumuntong-hininga. "Iniwan din niya ako and sumama sa bestfriend ko. I don't know what to do by that time. Sinisi ko ang sarili ko dahil sabi niya ako raw ang nagku--

"At naniwala ka?!" putol ng lalaki rito --ramdam ang gulat at inis sa boses. "Alam mong wala kang pagkukulang, pero pinilit mong maniwala sa sinabi niya!"

"Yes, my fault. Who wouldn't e, pinilit niya akong maniwala sa mga imaginary pagkukulang ko. And as a girl, mahina kami, hindi namin matatanggap ang break-up na ang sarili namin ang ituturo naming may kulang. As for my ex, tinulungan pa niya akong sisihin ang sarili ko lalo."

Lalong napailing ang lalaki sa kuwento ni Carrie. Naiisip niyang tatanga-tanga ito pagdating sa pag-ibig. Napansin niya na mahina ito pagdating sa mga bagay na mahal na mahal niya.

Mayamaya pa'y tumulo na ang luha ni Carrie, ngunit nanatiling nakangiti. "Sobrang gulat ako sa mga pangyayari. Na-nakita ko si bestfriend na kayakap iyong boyfriend ko na para bang sinasagot na niya ito. Afte no'n, he broke up with me. Ilang ulit akong nagmakaawa na pupunan ko lahat ng nagawa kong kulang. Ilang linggo ko siyang ulit-ulit na tinetext. Kahit sa kaibigan ko, nagmakaawa akong ibigay na lamang sa akin ang ex ko. Mukha akong tangang nakaluhod sa harap ng mansion nila. Inisip kong sana, hindi na lang namin sinikreto iyong relationship namin sa parents ko para kami pa. Lahat, ginawa ko pero walang nangyari."

"I was so blinded by the thought of him, coming back to me. Araw-araw kong iniisip na b-baka. . . baka isang araw, babalikan niya ako para magsorry. I al-always check my phone para umasang may text mula sa kaniya. Kahit mukha na akong t-tanga. . . okay lang. Kasi iniisip ko, babalik naman siya. . . okay lang kahit na mawalan na ako ng dangal."

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon