She's hiding, stop finding her

113 7 0
                                    

---9

"She needs time to rest her mind and think properly. Don't pressure her, she might explode like a bomb."

"So. .. hija, saan kayo nagkakilala nitong baby boy ko?" masiglang tanong ng mama ng lalaki. Lihim siyang napakagat nang maalala ang pangyayari sa simbahan at hindi nito alam ang pangalan ng laging sumasagip sa kaniya sa oras ng pangangailangan.

Humugot muna siya ng malalim na hininga. Hindi naman siguro mahahalata ng mama nito na hindi niya alam ang pangalan ng lalaking katabi. Ngumiti ito ng pilit. "Simbahan po. Hindi ko nga po in-expect na masusundan pa iyon ng hanggang dito po!"

Tumango ang ginang tsaka naman tumingin sa lalaki. "Baby boy--

"Mama, drop the'baby boy'. Pinagtatawanan ako ni Carrie!" sita ng lalaki, dahilan upang mapatingin ang ginang kay Carrie na biglang nagpigil ng tawa.

"Atleast, I made her laugh." Ngumiti itong muli kay Carrie.

Napatango na lamang ang lalaki, tsaka tumingin kay Carrie na biglang napatahimik sa pagkain. Mukhang malalim na naman ang iniisip nito.

"Carrie, bawal mag-tira ng pagkain dito, ha? Magagalit si mama, hindi ka niya papauwiin!"

"Sira." tumigil ito sa pag-inom ng juice at nilingon ang lalaki. "Hindi ako magtitira. Hindi rin iyon pwede sa... bahay," nag-aalangang sagot nito, tsaka yumuko. Tila nawalan na siya ng gana na ubusin ang nasa harap na pagkain.

Napakagat sa labi ang lalaki, tsaka tumingin sa mama niya. "Mama, si Carrie, oh! Hindi raw uubusin ang inihain mo!"

Ngumiti na lamang ang ginang sa pilit na pagpapagaan ng hangin ng kaniyang anak. Naisipan nitong pagkatapos kumain ay kausapin si Carrie. Alam niyang may pinagdaraanan ang dalaga, dahil hindi nila iyon matatagpuan sa simbahan nang umiiyak kung walang problema.

Samantalang si Carrie naman ay pinilit na ubusin ang nakahain sapagkat nahihiya rin naman siya sa mama ng lalaki.

**

Ilang beses nang humuhugot ng malalalim na hininga si Carrie habang nakatanaw lang sa hardin. Hindi niya alam kung uuwi na ba siya o hindi. Siguro'y nag-aalala na ang kaniyang mga magulang dahil kahapon pa ito wala at wala man lamang pasabi kung nasaan na siya. Kinapa niya ang bulsa at nanlumo nang maalalang wala nga pala siyang nadala na kahit ano nang lumayas sa bahay.

"Naiwan ko, kainis!" naiiling na bulong nito sa sarili.

"Ako na, Dev," pigil ng kaniyang mama na nakahawak pa sa kaniyang balikat. Lumingon si Dev sa kaniya, tsaka tumango at hinayaan ang mama niya na lumapit kay Carrie na nag-iisa. Panonoorin na lamang niya ang mangyayari.

"Carrie," malambing na tawag ng ginang sa kaniya na ikinalingon ng dalaga. Agad na nawala ang kunot sa noo ni Carrie nang makitang ang mama pala ng lalaki ang tumawag sa kaniya.

"Kayo po pala. . ."

"How are you? Malalim yata ang iniisip mo? Mind sharing that one to me para hindi lang ikaw ang nahihirapan? You know, less bigat." Napatahimik si Carrie. Naisip bigla nito ang anak ng ginang na kagaya niya ay napakabait. Wala silang pinagkaiba na maiisip niyang tunay itong anak.

"I-I'm not. . . happy," tila naubusan ng hinga si Carrie sa huling salitang binitawan. Hindi niya matanggap na hindi siya masaya;hindi niya matanggap na ganito na talaga ang naging buhay niya at hindi na mababago pa.

"And you're not okay, too," dugtong ng ginang,tsaka tinap ang balikat ni Carrie. Napangiti ito ng malungkot, tsaka yumuko.

Ilang beses na siyang humihinga ng malalim, ngunit hindi maibsan ang nadarama niyang sakit. Walang katapusan ang sakit. "I miss my old life --my old self."

Leaving Carrie WinsletteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon