KABANATA 2
Mabilis ang pag lipas ng buwan. Nagiging pihikan si Julie sa pagkain, laging nahihilo, laging naiinis kahit kanino. Nagiging suplada na rin siya. Nangangasim ang sikmura at naduduwal tuwing umaga... Napansin ito ng kanyang Ina.
"Julie! Anong nangyayari sayo? Bakit ka naduduwal?" Pansin ni Aling Marivic isang umaga.
"Wala ito Inay. Masama lang siguro ang nakain ko kagabi." Tugon niya at pilit ang ngiti.
"Baka kung anu na yan." Wala sa loob na sambit ng kanyang ina.
Biglang kinabahan si Julie ng may pumasok sakanyang isipan. Lahat ng sintomas na nangyayari sakanya ay tugma sa naisip niya. Sintomas na nagdadalang tao. Kinabahan siya. Ilang araw o buwan nLang ay malalaman ng magulang niya kung anu ang nangyayari sakanya. Pero pilit niyang nilalabanan ang maling iniisip niya. Gusto muna nyang makatiyak. Nagtungo sya sa Doktor sa kabayanan at magpatingin.
"Congrats Julie. You're 3 months pregnant." Nakangiting wika ng Doktor kay Julie.
"Dok, b-baka nagkamali lang kayo!"
"No! Talagang ito ang lumabas sa findings ko." Sagot ng doktora sakanya. "You should be happy coz you will become a mommy soon hija."
Pilit ang ngiti ni Julie. "Magpapaalam na po ako Dok. Salamat po."
"Mag-iingat ka Julie, palagi mong iinumin ang mga ibinigay kong gamut sayo."
Tumango lang ai Julie at lumabas na ng clinic. Iisa lang ang nasa isip niya ngayon, at yun ay kailangan niyang makausap si Elmo, kailangan niyang malaman ang kalagayan nito. Kailangan siyang pakasalan ni Elmo, kung hindi mapapatay siya ng kanyang ama.
Madali naman niyang napuntahan si Elmo sa eskwelehan nito.
"Julie, bakit nandito ka? May problema ba? Na miss mo ko? O yung anu?" Malambing na tanong nito kay Julie na may halong pilyong ngiti.
"M-May problema tayo Elmo." Seryosong sagot ni Julie.
Nagtaka naman si Elmo. "A-Anong problema?" Tanong nito.
"Buntis ako Elmo!" Diretsong sagot ni Julie. "Ikaw ang ama!" Dagdag pa nito. Namumuo na ang luha sa mata ni Julie.
Natigilan si Elmo.
"Three months na akong buntis Moe, malapit na itong mahalata. Anong gagawin ko?" At tuloy-tuloy ang agos ng luha ni Julie.
"Magpapakasal tayo Julie. Tulad ng pangako ko. Hindi kita pababayaan!" Niyakap niya si Julie. "Bibigyan ko ng pangalan ang ating anak. Don't worry." Hinaplos niya ang buhok niyo at hinagod ang likod. "Shhhh.. Stop crying ok? I love you." Pagpapatahan nito kay Julie.
"Thank you Elmo. I love you too." Sagot ni Julie at binigyan niya ng isang mabilis at matamis na halik si Elmo sa labi. They hugged again.
"Let's go Juls, uuwi tayo sa bahay. Ipapakilala kita kila Mama at Papa. Ipagtatapat na natin ang sakanila ang tungkol saatin at sa kalagayan mo." Wika ni Elmo nang maghiwalay sila sa pagkakayakap.
Matamis ang ngiti ni Julie. Kung kanina ay takot at pangamba ang makikita mo sakanyang mata, ngayon ay punong puno na ng kasiyahan.
Mahaba ang byahe nila pauwi sa bahay nila Elmo. Habang papalapit sila ng papalapit ay nakaramadam na si Julie ng kaba. Nakapasok na ang sasakyan ni Elmo sa malawak na bakuran ng Hacienda nila Elmo. Lalong nakaramdam ng matinding kaba si Julie ng tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng malaking mansyon.
"Lets go Julie." Sabi ni Elmo at hinawakan ang kamay ni Julie. "Dont worry, Im here." Nakangiting wika mi Elmo.
Tumango lang si Julie at tuluyan na silang bumaba sa sasakyan ni Elmo.
![](https://img.wattpad.com/cover/7431099-288-k761471.jpg)