ILANG ARAW ang matuling lumipas ay ihahatid na ang labi ni Don Francis sa huling hantungan. Hindi matanggap ni Donya Pia ang pagkawala ng asawa kaya unti-unti itong nanghina hanggang sa ma-ospital ito.
"Elmo..."
"Mama, huwag na kayong mag-salita pa. Magpahinga na po kayo." Wika ni Elmo sa ina.
"Hindi na anak. Nararamdaman ko ng malapit ko ng makita ang iyong ama. Makakasama ko na sya ulit Elmo... Pero ayokong umalis na may dinadala saaking kalooban." Nahihirapang wika ng kanyang ina. "Gusto kong makita si Julie anak... Gusto kong humingi ng tawad sakanya bago man lang ako mawala." Hiling nito sa anak.
"Ma..."
"Dalhin mo siya dito Elmo. I want to see her and your son Elmo. Gusto kong umalis sa mundong ito na masaya at magaan ang pakiramdam. Kahit sandali ay mayakap ko man lang ang apo ko..." Naluluhang wika ni Donya Pia.
"Hindi ko po alam mama. I can't promise na madadala ko siya rito."
"Pilitin mo anak. Ngayon lang. Iyong lang ang kahilingan ko sayo. Alam kong hindi na ako magtatagal..."
"Oo mama... Isasama ko siya rito... Pililitin ko..."
"Thank you son." Ngiting pilit ni Donya Pia.
Hindi nila namalayan na kanina pa nakatayo sa pintuan si Lauren. Narinig nito ang kanilang pag-uusap.
"Aalis na po ako mama..." Pamamaalam ni Elmo. Sinulyapan naman niya si Lauren. Nakangiti ito ngunit halata ang pagkainis kay Elmo.
"Lumakaf ka na anak..."
Bago tuluyang lumabas ng kwarto si Elmo ay hingakan muna niya ang kanyang ina. Nang lumabas na si Elmo ay agad namang sumunod si Lauren.
"Elmo! Saan ka pupunta?" Galit na tanong ni Lauren. "Kay Julie na naman?!"
"Yes Lo... Kailangan kong makausap si Julie. Isasama ko siya dito para kaya mama. Yun ang hiling ni mama sakin at ayaw ko syang biguin."
"Unti-unti mo akong pinapatay sa selos Elmo! Alam kong tuwing aalis ka sa mansion ay doon ka sa babaeng yun nagpupunta! Hindi ko na kaya Elmo!" Sumbat ni Lauren. Akmang sasampalin niya si Elmo ngunit napigilab agad niya ito.
"Alam mo naman na noon pa ay Julie ang mahal ko... pero dahil ikaw ang gusto ng magulang ko, pibakasalan kita at pinabayaan ko ang mag-ina ko. Ngayon kung hindi mo na kaya, its better na maghiwalay na tayo Lo. Masyado na rin akong nasasakal! Ang hirap makisama sayo!" Galit na sumbat nk Elmo.
"No! Hindi ako papayag Elmo! Bago mangyari yun papatayin muna kita Elmo! Tandaan mo yan!" Tuluyan ng napaiyak si Lauren ng tinalikuran siya ni Elmo para magpunta kila Julie.
Agad na nagtungo si Elmo sa Hacienda ni Julie. Pagpasok niya sa gate at tanaw niya agad ito. Nakita din ni Julie si Elmo kaya sinalubong din niya ang lalaki.
"Julie... Naparito ako ngayon, hindi para sa bata. Kundi tuparan ang hiling ni mama na makita ka bago man lang sya mawala..." Napayukong wika ni Elmo.
"Napagbigyan na kita Elmo na pwede mong makita ang anak mo kahit na anong oras. Pero itong hiling mo na ito... Hindi ko na maibibigay pa."
"Please Julie... Kahit sa huling pagkakataon ay gusto kang makausap ng mama ko. Gusto niyang.... Gusto niyang humingi ng tawad sayo, sa lahat ng nagawa niya noon. Please Julie.. Yun lang ang huling hiling ng aking ina..."
Tumalikod si Julie. "Im sorry Elmo.. Pero hindi na kita mapagbibigyan pa... Sorry..."
"J-Julie..." Yun lang nasabi ni Elmo at nanlulumong umalis na sa mansion. Nakayuko siyang pumasok sa kwarto ng kanyang ina. Hindi nya alam kung paano sasabihin na bigo siyang maisama si Julie sa ospital.
"A-anak... Kasama mo na ba si Julie?" Nakangiting tanong ng Donya.
Napayuko si Elmo. Hindi niya masabing bigo siya.
"Kasama mo na sya anak?" Muling tanong ng matanda. "Nasaan si Julie, Elmo?"
"Mama... Si Julie...." Hindi naituloy ni Elmo ang sasabihin dahil biglang nagbukas ang pinto.
"Elmo... Donya Pia..." Mahinag tawag ni Julie.
Napalingon si Elmo. "J-Julie... Akala ko..."
"Hindi ko pala kayang tiisin ang mama mo Elmo. Ayaw kong umalis sya sa mundong ito na mau dinadalang mabigat sa kalooban." Maagap na tugon ni Julie.
"Julie... Halika..." Inilahad ni Donya Pia ang kanyang kamay. Lumapit naman si Julie. "Patawarin mo ako Julie... Sa lahat ng nagawa naming kasalanan sa iyo. Hinusgahan ka namin..."
"Donya Pia..."
"Nagsisisi ako ngayo kung bakit naging maramot ako sainyo ni Elmo. Kung bakit pinaghiwalag ko kayo." Napaiyak ang Donya. "Alam kong nagdusa ka ng sobra Julie. Patawad! Patawarin mo ako..."
"Tapos na po yun.. Kalimutan na po natin yun ngayon. Ang mahalaga po ay magpalakas kayo para kay Elmo at sainyong apo." Wika ni Julie habang umiiyak.
"Salamat Julie... Totoo ngang napakabait mo...Ngayon ay aalis akong masaya..."
"Huwag pi kayong magsalita mg ganyan... Mabubuhay pa po kayo!" Napisil ni Julie ang kamay ng matanda. "Kasama ko ang inyong apo... Ang anak ni Elmo."
Kasunod niyon ay pumasok sa loob si Alex kasama ang bata. Kinuha ni Julie ang anak saka muling lumapit sa matanda.
"Moses... Siya ang lola mo..." Pagpapakilala ni Julie kay Donya Pia sa anak. "A-anak po namin ni Elmo..."
"A-Apo ko..." Nayakap ng matanda ang bata. Lalong napiyak si Donya Pia. Ganun din si Julie. Pati si Elmo na kanina pa sila pinapanood.
Kasunod niyon ay nahirapan ng magsalita ang donya. Nanginig na ang kalamnan niyon at unti-unting lumuluwag ang pagkakayakap sa bata. Ipinikit na ang mga mata.
"E-elmo, ang mama mo!" Sigaw ni Julie.
"Mama... Mama!" Sigaw naman ni Elmo.
Tumawag naman ng doktor si Julie. Pero nang dumating ito ay huli na ang lahat. Pinulsuhan nila ito at umiling na sakanila. Ibig sabihin ay wala na patay na ito.
"Mama! Mama!" Niyakap ni Elmo ang ina.
Impit ding umiyak si Julie. Tumalikod siya sa may pinto at doon umiyak. Maya-maya ay di na niya natiis si Elmo at nilapitan ito.
"Elmo.. Tama na... Masaya na siya ngayon..." Luhaang sabi ni Julie.
"Julie..."
"Tutulungan kita Elmo. Bibigyan natin ng maayos na libing ang mama mo.
Niyakap naman ni Elmo si Julie. Sa pagkakataong yun ay hindi tumutol si Julie. Ramdam niya ang paghihirap ng kalooban ng binata. Niyakap pa niya ito ng mahigpit. Ramdam din niya sakanyang sarili na mahal pa niya ang binata.
Iyon ang tagpong nadatnan ni Lauren. Pagkakita sakanila y agad na bamahid sa mukana nito ang galit at matinding selos.
"Mga walang hiya!!! Manloloko!!!"
-----
Hello readers... Kaya pa? Ano kaya ang mangyayari sakanilang tatlo? Magkakatuluyan kaya sila Julie and Elmo or hindi? Awww! Papayag ba kayo nun? Hahaha :D
Basta kapit lang tayo ha? Kahit walang show ang dalawa ipakita natin ang pagmamahal natin sakanila. Sabi nga nila PATIENCE is a VIRTUE! ;)
Thank to all readers. Last 3 chpaters nalang po. :))
Please do follow our tumblr JEUbersidad and twitter also @JE_UBERsidad @TropangJEForevs
#SpreadTheLove
#OneLove
#JEForevs ♥
GOD BLESS everyone! :))