"Nasan ako?" tanong niya sa matandang babae na katabi niya. "Sino po kayo?"
"Natagpuan ka naming walang malay sa kalsada. Di namin alam kung saan ka ihahatid kaya isinakay ka na muna namin." Nakangiting wika ng babae. Tipong mayaman ang potura. "Ano ba ang nangyari sayo? Bakit ka nawalan ng malay?"
"Iniwanan po ako ng sinasakyan kong bus patungong Manila. Nadukutan kasi ako kaya di ako nakabayad sakanila." Nahihiyang paliwanag ni Julie.
"Kung ganun ay sa Manila rin pala ang tuloy mo. May kamag-anak ka ba roon?" Tanong muli ng matanda.
Umiling si Julie.
"Kung ganoon ay saan ka tutuloy kapag dumating ka roon?" Muling tanong ng babae at pagluwa'y napansin nito ang tiyan ni Julie. "Ang hirap pa naman ng kalagayan mo."
"Bahala na po kung ano po ang kasapitan ko sa pagdating sa Manila."
"Kung gusto mo'y sumama ka na muna sa akin. Doon ka na muna sa aming bahay pansamantala. Sa Manila ako nakatira. Ako nga pala si Marisol Zamora." Pakilala ng matandang babae.
"J-Julie Anne San Jose naman po ang pangalan ko."
Napangiti si Marisol. "Julie, bakit nga pala nagpasya kang lumuwas gayong mayroon ka na palang Pamilya?"
Natigilan si Julie at humugot ng isang malalim na buntong hininga. "Mahaba pong kwento.. Masakit at malungkot ang nangyari saakin."
Bahagyang umayos ng upo si Marisol at matamang nakikinig kay Julie.
Habang nasa daan ay isinalaysay ni Julie ang naging karanasan niya kung bakit mas pinili nya munang lumayo. Lahat ng sakit na dinulot nya nung NATUTO SIYANG MAGMAHAL..
"Tama ang naging desisyon mo Julie. Mas mabuting lumayo ka muna upang hanapin ang iyong kapalaran. At pag ikaw ay nagtagumpay, balikan mo sila. Lalo na ang pamilya mo. Ipakita mo sakanila na nag sikap ka para sakanila. At pagbayarin mo ang mga taong umapo sayo!" Tila nadala ang matanda sa kwento ni Julie. "BUMANGON KA'T LUMABAN JULIE!"
"Yun po ang pinangako ko sa harap ng puntod ng tatay ko. Kaya pagdating ko sa Maynila ay gagwin ko ang lahat magtagumpay lang ako."
Matapos ang mahaba at nakakapagod na byahe ay pumasok ang sasakyan nila sa isang malawak na bakuran. Nanlaki ang mga mata ni Julie dahil sa nakakalula na malawak na bakuran at sa gitna niyon ay nakatirik ang isang maganda at malaking mansion.
Matapos maigarahe ang sasakyan ay bumaba ang driver ni Marisol. Binuksan ang pintuan ang sasakyan. Naunang bumaba si Marisol.
"Come Julie. Ito ang bahay namin. Halika at ipapakilala kita sa aking asawa."
Kiming bumaba si ng sasakyan si Julie. Naglilibot ang kanyang mata sa lawak ng bakuran. Naramdaman niya ang malamig na aircon nang pumasok sila sa bulwagan ng mansion.
"Honey!" Marahang tawag ni Marisol sa kanyang asawa na nakaupo sa sofa.
"Honey!" Napangiti ito at lumapit kay Marisol. "Akala ko'y bukas ka pa darating?"
"Naiinip na ako roob kaya naisip kong umuwi na." Tugon naman ni Marisol. "Sya nga pala Julie... Si Leandro, ang asawa ko."
"K-Kamusta po?" Kiming bati ni Julie sa matandang lalaki.
"Mabuti naman Iha."
"Oo nga pala Hon, dito na muna si Julie pansamantala. Wala syang ibang matutuluyan dito sa. Wala syang kamag-anak dito sa Manila." Singit ni Marisol.
"No problem Hon. Maganda nga yon eh, magkakaroon tayo ng kasama dito sa bahay." Tuwirang sagot ni Leandro. "Alam mo Julie, walang kaming anak ni Mirasol, dahil ako ang may diperensya. Matagal na naming gutong magkaroon ng anak pero di kami sinwerte."
Napayuko si Julie. Waring nahiya.
"Bakit nga ba hindi ko agad naisip? Julie, kung papayag ka, dito ka nalang sa amin Ituturing ka namin na parang isang tunay na anak. At ang magiging anak mo ay aalagaan namin."
"Ang bait nyo po saakin.. Pero hindi ko po magagawang ipamigay ang anak ko." Sabi no Julie.
"Hindi Julie.. Hindi namin sya kukunin sayo. Kayong mag-ina ang hihilingin namin na tumira dito. Pumayag ka na Julie." Muling kumbinsi ni Marisol.
"Ahhh... ehhh.." Wari nag-iisip si Julie.
"Walan kaming anak Julie. Ang hangad namin ay magkaroon ng bata dito sa aming bahay. Aampunin ka namin.. At kung gusto mo ay bibigyan ka namin ng trabaho." Saad naman ni Leandro.
"S-Sige na nga po.. Kung hindi nakakaabala sa inyo." Kiming pag-payag ni Julie.
Labis na natuwa ang mag-asawa sa pagpayag ni Julie na tumira sa kanila. Tila nakadama si Julie ng kapanatagan sa lugar na iyon.
"Halika Julie ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo." Nakangiting yaya ni Marisol kah Julie.
Sumunod naman si Julie sa matanda. Tunungo nila ang isang malaki at magandang kwarto. Kumpleto iyon sa gamit.
"Ngayon palang po ay nagpapasalamat na ako sainyo. Sa lahat ng kabutihan ninyo sakin." Nahihiyang sabi niya ng makapasok na sila sa silid.
"Kulang pa yan Julie. Ang susunod mong gagawin ay mag-sikap. Tuturuan kita sa pag-papatakbo ng aming negosyo."
"Bakit parang napakalaki agad ng tiwala nyo saakin? Napakabait nyo agad saakin?" Tanong ni Julie.
Nagkobit balikat si Marisol. "Siguro dahil ramdam namin na kailangan mo ng isanv kalinga at pag-mamahal. At kami naman ay nangangailangan ng isang anak na mag-aalaga at tutulong saamin. Siguro ang Diyos ang may gusto na magkita tayo." Paliwanag ni Marisol. "Ituring mo kaming pangalawang magulang mo Julie."
"T-Tita Marisol.." Nasabi nalng ni Julie.
Niyakap ni Julie ang matanda ganun din naman si ang matanda.
Ang sumunod na araw ay parang kaligayahan ang naramdaman ni Julie sa pamilya Zamora. Pinamili na nila ang kanyang anak ng mga damit at kanyang mga gamit. Nalalapit na rin ang kanyang panganganak.
Abot-abot ang pasasalamat ni Julie sa Diyos dahil binigay Niya ito sa mga taong mabubuti at malayong malayo sa ugali ng mga MAGALONA!
---
PATAWAD sa late update! Maulan eh, lam nyo na tinamaan ng katam! Hahaha :D