Kabanata 16

533 8 1
                                    

PATAWAAAAAAAD !!!

-----------------------

"AHHHHHHHHH!!!!" Isang malakas na sigaw ni Donya Pia ang gumising sa buong kabahayn ng mga Young. Nakatingin lang ito sa asawang isa ng malamig na bangkay. Kinitil ni Don Francis ang sariling buhay gamit ang pag-inum ng maraming sleeping pills.

"Papa!" Sigaw ni Elmo nang makapasok na sya sa kwarto ng kanyang magulang.

"Wala na ang papa mo Elmo. Iniwan na niya tayo." Patuloy sa pag-iyak si Donya Pia.

"Papa, bakit ka sumuko? Bakit magpadaig ka sa problema? Bakit?" Umiiyak na sabi ni Elmo habang yakap ang ama.

Hindi natiis ni Lauren ang asawa. "Tama na Elmo. Hindi na natin maibabalik pa ang buhay ni Papa. Isa lang ang dapat nating sisihin. Si Julie ang may kasalanan kung bakit nagpakamatay si Papa!" Sabi ng babae.

Hindi kumibo si Elmo at niyakap ng mahigpit ang kanyang asawa. Lihim naman na napangiti si Lauren. Sinadya naman niyang sabihin iyon upang magalit si Elmo kay Julie.

Nabigla man ang lahat ay hindi na sila nagaksaya pa ng oras. Nagtulong-tulong ang mga ito upang mabigyan ng maayos na libing ang ama ni Elmo.

Patuloy pa rin ang pag iyak ni Donya Pia habang nasa tabi ng kabaong ng asawa. Hindi nito matanggap na wala na ang kanyang asawa. Si Elmo naman ay nakatulala lang sa isang tabi, malalim ang iniisip. Di nagtagal ay labas na ito mg mansion at nagpunta sa upuang nasa ilalim ng puno.

"Ano? Hindi ka pa ba gagawa ng way para sugurin ang babaeng yun?" Tanong ni Lauren nang ng makalapit sa asawa.

"Lo!" Napalingon si Elmo sa gawi ng kanyang asawa.

"Si Julie ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Papa. Siya ang nagbigay ng problema sainyo!" Ulit ni Lauren.

"Kung tutuusin ay kami ang may kasalanan kung bakit nangyayari ito. Kubg bakit naging ganun si Julie. Siguro nga pinagbabayaran na namin ang mga kasalanang nagawa namin sakanya. Lalo na ako!"

"Ang sabihin mo, mahal mo pa sya Elmo! Kaya kahit siya ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang papa mo, wala ka pa ring ginagawa!"

"Lauren... Please!"

"Bakit? Mahal mo pa rin ang ipokritang babaeng yun! Hinda ba Elmo?"

Hindi kumibo si Elmo ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Lauren. Gulat na gulat naman si Elmo sa ginawa niya sa asawa. Nagpanting ang tenga niya dahil sa sinabi niya tungkol kay Julie.

"Sinampal mo ako? Sinaktan mo ko Elmo! How dare you!" Umiiyak na sabi ni Lauren habang hawak ang namumulang pisngi.

"S-Sorry Lo... I-Im sorry... Nabigla lang ako.." Natauhan naman si Elmo sa ginawa niya sa asawa.

Hindi iyon pinakinggan ni Lauren at patakbo itong lumayo kay Elmo. Hindi naman na alam ang gagawin ni Elmo ngayon. Naguguluhan na siya.

Ipinasya ni Elmo na umalis at mag punta sa bahay nila Julie. He is eager to see his son. Ito na lang ang gusto niya sa ngayon. Ang bata nalang ang makakapgpasaya sakanya ngayon.

Pagdating nito sa hacienda ay agad niyang nakita ang anak. Naglalaro ito kasama ang yaya niya. Dahan-dahang lumapit si Elmo sa bata. Nakita naman siya agad ni Moses.

"Yaya! Who is he?" Tanong ng bata.

Nagulat naman si Alex. "Sir Elmo!"

"Alex, please.. Gusto ko lang makita ang anak ko." Agad na sabi ni Elmo.

"P-Pero Sir..."

Wala nang nagawa pa si Alex dahil nakalapit na si Elmo sa bata. Nagtataka naman ang bata.

"Sino po kayo?" Nagtatakang tanong ng bata.

"Ah-ah... A-ako ang tito Elmo mo. Friend ako ng daddy mo." Pagsisinungalng ni Elmo. Niyakap noya ang bata.

"Friend ka ng daddy ko?" Ulit ng bata.

Tumango lang si Elmo. Hindi nito namalayan na lumabas ng bahay si Julie at ngayon ay palapit na sa kanila. Natigilan si Elmo nang makita niya si Julie. Agad naman kinuha ni Alex ang bata at pinasok sa bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Julie nang makalapit na kay Elmo.

"Julie, gusto ko lang makita ang anak natin. Anak ko. Huwag mo naman akong pagbawalan."

"Pinabayaan mo kami Elmo."

"I-I know Julie... Marami akong pagkukulang sainyo. Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sayo. Sainyo ng anak natin. Naging duwag ako noon. At pinagsisisihan ko yun."

"Hindi pa rin naghihiom ang sugat na nilikha mo Elmo. Hanggang ngayon naalala ko pa rin kung pano mo ako pinabayaan. Kung pano ako minaliit ng magulang mo!"

"Hanggagn kelan Julie? Hanggang kelab matatapos ang paghihiganti mong ito? Pinagbayaran na namin ang nagawa naming kasalanan sayo." Napayuko si Elmo. "At si Papa. Kinitil niya ang sarili niyang buhay dahil di na niya nakayanan ang mga problema. Alam ko na nagsisisi sya sa mga nagawa niya saiyo. Hanggang kelan matatapos ito Julie?"

Hindi nakakibo si Julie. Lumambot ang kanyang puso dahil sa kanyang narinig. Nakita nya ang paghihirap ng kalooban ni Elmo.

"Julie, bakit di mo ko bigyan ng paglakataong mapunan ang lahat ng pagkukulang ko sainyong mag-ina. Mahal na maha kita, kahit noon pa man Juls. Wala lang akong nagawa noon kundi sundin ang gusto ng magulang ko. Ayaw kong sirain yung pagtitiwala mo sakin noon pero naging mahina ako noon... Naduwag akong ipaglaban ang pagmamahal ko sayo." Puno ng pagsisisi ang tinig ni Elmo. Hiyang-hiya itong nagpapaliwang sa kanya. "Ang hinihiling ko lang sayo ngayon Juls sana wag mong ipagdamot ang anak natin. Sya nalang ang nagpapasaya saakin ngayon."

Napayuko nalang si Julie. "Papasok na ako sa loob. Binibigyan kita ng karapatang makita ang anak mo Elmo." Wika ni Julie bago tumalikod at bumalik sa loob ng bahay. Hindi rin niya kayang tiisin si Elmo.

Pagpasok niya sa loob ay sunod-sunod na pumatak ang kanyang luha. Hindi pa rin niya maipagkakaila na mahal pa talaga niya si Elmo sa kabila ng mg nangyari sa pagitan nilang dalawa.

-----

#LateUpdate

Itutuloy ko pa ba? Hahaha :D ang tragic e! Sorry po talaga! huhuhubels!

-----

Please do follow @TropangJEforevs and @JE_UBERsidad Thankssss :)))

Langit Sa Aking Kamay (JE-FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon