KABANATA 3

583 6 0
                                    

Nang makalabas na si Julie sa Hacienda, lalong bumhos ang luha niya dahil sa sama ng loob. Muli syang lumingon sa Hacienda nag baka sakaling sumunod si Elmo sakanya. Ngunit hindi niya ito nakita, hindi siya nito hinabol. Sinunod nito ang magulang.

            Lalong syang napaiyak. Paano na siya gayon. Bakadi na siya pakasalan ni Elmo? Paano niya ipapaliwanag sa mga magulang ang kanyang kalagayan? Paano niya aamining ang ama ng kanyang dinadala ay si Elmo?

            Naguguluhan na si Julie, hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Namumugto na ang kanyang mata sa kakaiyak. Tuluyan na nyang nilisan ang Hacienda, hindi na nya alam kung gaano na kalayo ang kanyang nilakad palayo sa Hacienda ng mga MAGALONA, hindi niya alintana ang tirik ng araw. Nang makaramdam siya ng pagod at pagod sa kaiiyak ay sumilong muna siya sa malaking puno sa tabi ng kalasada. Umupo sya roon at patuloy na umiyak.

            Napilingon siya ng may marinig na ugong ng sasakyan. Tinanaw niya ito at lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil kilala niya ang sasakyan ng iyon… SI ELMO! HINABOL NIYA AKO. Sigaw ni Julie sa kanyang isip. Napatayo siya nang pumarada ang sasakyan sa harap niya.

            “ Julie!”

            “Elmo… Akala ko’y matitis mo na ako..” Napangiti si Julie kahit na lumuluha pa rin ito. Patakbo niynag niyakap si Elmo. “Ibig sabihin ba nito’y ako ang pinili mo? Kami ng magiging baby natin ang pinili mo?”

            “Julie… Please understand! Hindi ko pwedeng suwayin ang mga parents ko. Sorry! Mahal kiya, pero mahal ko rin sila.”

            Nagulat si Julie sa narinig. At kumalas sa pagkakayakap kay Elmo. “You mean, hindi mo na ako pakakasalan?! Ha Elmo? Paano na ako? Paano na ang anak natin?”

            “Susuportahan kit, kayo! Susustentuhan kita. Lahat ng kailangan mo sa pagbubuntis mo ibibiay ko Julie. Pero yung kasal na hinihingi mo hindi ko pa maibibigay yun sayo ngayon.” Paliwang ni Elmo. “Sorry Julie. Mahal kita, pero hindi ko sila pwedeng suwayin.” Napayuko nalang si Elmo.

            Naningkit ang mga mata ni Julie, at isang napakalakas na samapal ang binigay ni sa mukha ni Elmo. “Sayang lang ang pagtitiwala ko sayo Elmo. Sayang ang pagkakilala ko sayo! Nag-sisisi ako ngayon kung bakit kita minahal, kung bakit ko ibinigay ang sarili ko sayo!Niloko mo lang ako! Duwag ka Elmo! Duwag!!” Muling umiyak si Julie. Hindi na niya kayang pigilan ang sakit nararamdaman niya.

            “Sorry Jules…” tanging nasabi ni Elmo. “Tulad ng sinabi ko, sustento lang ang kayang kong maibigay sayo.”

            “Kung ganun… kalimutan mo na rin ako Elmo! Bubuhayin ko ang batang ito kahit wala ka.. Pero it lang ang sasabihin ko sayo at tatandaan mo! Hinding-hindi ka makikilala ng batang ito! Hindi niya makikilala ang tatay niyang duwag!” At tuluyan na niyang tinalikuran si Elmo.

            Wala ng nagawa si Elmo. Hindi na niya hinabol pa si Julie at bumalik na sa Hacienda.

            Sising-sisi si Julie dahil sinuway niya ang kanyang mga magulang. Naging tanga siya sa pagmamahal niya kay Elmo. Naniwala siya sa mga matatamis na pangako nito sakanya.

            Nang makarating siya sa bahay nila. Wala roon ang kanyang mga magulang, nasa bukid anng mga ito.

            “Ate! Saan ka ba galing? Saka bakit namumugto yang mata mo? Umiyak ka ba Ate?” Tanogn ni Joanna sakanya.

            “Wala ito Joanna. Ok lang ako. Napuwing lang ako.” Pgdadahilan niya. “Wala akong problema.”

            Tuloy-tuloy na syang pumasok sa kwarto niya. Pero pansin ni Joanna na may nililihim ang kanyang Ate at sumunod ito sa loob ng kawato ni Julie.

            “Ate, kilala kita… Alam kong may problema ka. Bakit di mo sabihin saakin? Ano ba yon?”

            “Wala ito Joanna, ok lang talaga ako.”

            “Ate, mas mabuting ishare mo yan kesa sarilinin mo. Ikaw rin nag mahihirapan.”

            Natahimik lang si Julie. Napayuko. Kaya lanlong nag hinala si Joanna na may problema ang kanyang Ate.

            “Anong problema mo Ate?”

            “B-Buntis ako Joanna. Sinuway ko sila Inay!” Lakas-loob na sabi ni Julie.

            “B-Buntis ka?” Gulat na tanong ni Joanna.

            “Oo… Si Elmo ang ama.” Muling umagos ang luha ni Julie sa kanyang pisngi.

            “Kailangan panagutan ka niya ate. Kailangan makasal kayo!” Nag-aalalang sabi ni Joanna.

            “Hindi na mangyayari yon Joanna, dahil ayaw ng mga magulang ni Elmo saakin. Ang kahirapang ito ang dahilan Joanna. Hindi kayang ipaglaban ni Elmo ang pag-mamahalan namin. Duwag siya Joanna.”

            “Ate Julie.. Paano ka na nyan Ate? Siguradong magagalit ang Itay pag nalaman niya at baka mapatay ka pa nun.”

            “Joanna, pakiusap! Ilihim muna natin ito. Huwag mong sasabihin kila Inay ang problema ko. Please Joanna. Atin muna ito.” Pakiusap nito sa kapatid.

            Hindi a napigilan ni Julie ang muling mapaluha.Pakiramdam niya nakatagpo siya nng kakampi na dadamay sakanya. Niyakap niya nag kapatid niya, umiyak sa mga balikat niyon.

            “Lakasan mo ang loob mo ate. Makakraos ka rin sa problema mo.”

            “Joanna, ngayon ako nagi-sisi kung bakit nagpadala ako sa mga pangako ni Elmo. Kung bakit sinuway ko sila Itay. Ngayon ko lang naisip na tama sila, na ako ang higit na masasaktan sa di ko pag layo kay Elmo.

            “Bata pa ako Ate… Pero ngayon ko naiintindihan ang pag-ibig. Na hindi lahat ay nagiging masaya.”

            Tumango lang si Julie at tumayo papunta sa bintana. “Babalik ako sa pamilya Magalona at makikiusap ako sa mga magulang ni Elmo.Kahit lumuhod ako gagawin ko, pakasalan lang ako ni Elmo! Kaysa itakwil ako ni Itay.”

            “Ate!”

            “Oo Joanna, gagawin ko yun… dahil mas mahalaga sa sakin nila Itay. Maysakit siya ayokong bigyan siya ng sama ng loob.”

            “I-Ikaw ang bahala ate. Gawin mo kung anu sa tingin mo ang tama.”

Langit Sa Aking Kamay (JE-FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon