Hello readers. Sorry sa late update ko. Walang time ee. Hehehe :))
Ahmmm.. Tito Jo #Patawad! Mawawala po kayo sa kwento. Hihihi :)
Ok! Magupdate na ako! Mag-a-update na talaga ako! Totoo na to! Hihihi :""""">
GAMEEEE!!!
------------------
(a/n) Sabi nga nila, walang lihim na hindi nabubunyag!!
Hindi nag tagal ay nqpansin na nila Mang Jonathan ang unti-unting pag laki ng tyan ni Julie. Ang kutob nilang yun ay pinagtibay dahil sa pag-amin ni Joanna sa mga magulang nila.
"Suwail kang anak!!" Sigaw ni Mang Jonathan. "Walang hiya ka!" At sunod-sunod na sampal ang pinadapo nito sa mukha ni Julie.
"I-itay! Patawarin nyo po ako!" Pag-mamakaawa niya, habang hawak-hawak ang namumulang pisngi.
"Wala kang kahihiyan! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan ng inay mo! Matagal kong inalagaan ang pangalan natin, na kahit salat man tayo sa yaman ay may dignidad naman tayong pinapangalagaan! Pero anu? Anung ginawa mo Julie?! Nilagyan mo ng batik ang aking pangalan!" Nanlilisik ang mga mata ni Mang Jonathan sa galit. Sinabunutan nya ang anak.
"Itay! Tama na po!" Pagmamakaawa muli ni Julie.
Ngunit dahil sa galit nito ay nabingi ang kanyang ama. Balot ang buong pqgkatao nito sa galit. Kinaladkad niya si Julie palabas at itinulak siya nito. Pasubsob na bumagsak si Julie sa lupa.
"Simula ngayon, pinuputol ko na ang kaugnayan ko sayo Julie! Wala akong anak na suwail!! Lumayas ka!"
"Itay! Nagkamali po ako. Para nyo na pong awa itay, patawarin nyo po ako!" Umiiyak na sabi ni Julie.
"Matagal ka naming pinagsabihan ng inay mo Julie, ilang beses naming sinabi na layuan mo ng lalaking yun. Layuan mo ang pamilya niya! Pero anung ginawa mo? Sinuway mo kami ng inqy mo!" Sigaw muli ni Mang Jonathan. "Lumayas ka!! Hindi ko kailangan ang anak na suwail! Wala akong anak na haliparot!"
"Inay! Inay?!" Tanging nausal ni Julie.
Hindi naman makakilos ang kanyang ina. Naawa man sya sa anak pero wala syang magawa, kilala nito ang asawa. Baka pati siya ay masaktan.
"Lu...ma...yas ka... Ju...lie..!" Nahihirapang sabi ni Mang Jonathan. Hawak-hawak nito ang dibdib dahil kinakapusan ng paghinga. Napabagsak ito sa sahig.
"Itay! Itay!" Sigaw ni Julie. Dinalihan ang ama.
"Luma...yas ka..!!" Ulit ni Mang Jonathan.
Litong lumapit sila Aling Marivic at Joanna. Ramdam nila ang panginginig ng buong kalamnan nito, ang pagtirik ng mga mata, ang pahina na pahina ang paghinga nito hanggang sa tuluyan ng humina ang pagtibok ng puso nito.
"Jonathan!" Ani ni Aling Marivic.
"I-itay!" Sigaw ni Julie. "Itay!!"
"Mga kapit-bahay! Tulungan nyo kami." Sigaw ni Joanna. "Ang Itay ko!"
Dinaluhan naman sila ng mga kapit-bahay nila at sinugod si Mang Jonathan sa Ospital. Naiwan si Julie natulala sa harap ng kanilang bahay at patuloy ang pag agos ng luha. Naglakad-lakad na si Julie dahil sa mga taong nakatingin sakanya. Alam niyang sya ang pinaguusapan ng mga ito. Nagpunta si Julie sa bahay nila Maqui, ang matalik nitong kaibigan. Alam niya na makakaramdam siya kahit papano ng kapanatagan sa bahay nila Maqui.
"Julie... Julie?" Tawag ni Maqui sakanya. "Umiiyak ka? Bakit?" Tanong nito sa kaibigan.
"Maqui, maaari bang dito na muna ako sainyo?" Marahang sabi ni Julie.
"Oo naman. Halika pasok ka." Niluwangan naman ni Maqui ang pagbukas ng pinto.
"Salamat Maqui."
Pagpasok ni Julie ay nagkwento na siya sa kung anu ba ang nangyari sakanya. Lahat-lahat! ang tungkol kay Elmo, kung panu sya nanliit sa mga magulang ni Elmo. At ang nangyari sakanyang ama.
Dalangin ni Julie na nawa ay walang masamang nangyari sa kanyang ama, dahil kung merun, alam niyang sya ang sisisihin ng inay nito. At magkaganun man, hinding hindi niya mapapatawad si Elmo.
Di nagtagal ay nakatulog na sya dahil na rin sa pagod sa pag iyak. Mahimbing na ang tulog ni Julie, kaya ipanasya ni Maqui na iwan muna ang kaibigan.
Matagal ang oras na nakalipas. Nagising na si Julie at marahang iminulat ang mga mata, tumingin sa paligid at tinignan ang orasa kaya nalaman niyang gabi na pala. Marahan siyang umupo at nagpalinga-linga, hinahanap niya ang kaibigan. Dumungaw siya sa bintana at nakita niya ang kaibigan ng paparating pa lang.
"Julie... May masamang balita." Pigil ang hiningang sabi ni Maqui nang makapasok na ng bahay.
"Anung balita?" Kabadong tanong ni Julie.
"Ang Itay mo! Wala na Julie. Patay na siya!" Sagot ni Maqui.
"No!!!" Sigaw ni Julie at ang kaninang namamahingang luha ay umagos muli sakanyang mata.
"Nakikiramay ako sayo Julie. Lakasan mo lang ang loob mo." Pag-aalo ni Maqui sa kaibigan.
Nanlulumong patuloy parin ang pagpatak ng luha ni Julie sakanyang pisngi. Ramdam niya ang kirot nang pagkawala ng kanyang ama. Mas lalo syang nasaktan dahil alam niyang siya ang dahilan sa maagang pag-panaw ng kanynang ama.
"Julie..." Untag ni Maqui.
"Maqui, ang sakit-sakit! Bakit si itay pa? Bakit ako pa ang naging dahilan ng kanyang maagang pagpanaw!" Umiiyak na sabi ni Julie sa kaibigan.
"Julie, ang inay mo. Abot din ang kanyang iyak dahil sa pagpanaw ng iyong itay. Pati si Joanna. Hindi rin nala matanggap ang nangyari"
"Uuwi ako Maqui! Gusto kong makita si itay! Gusto kong humingi ng tawad sakanya."
"Julie, sandali." Pigil ni Maqui. Hindi na niya nasabi na ayaw ng makita makita si Julie ng kanyang ina. Tuloy-tuloy si Julie sa pag alis.
-----
Sosososososorry po sa late updet! :"">