Kabanata 18

808 19 5
                                    

Nagulat sina Elmo at Julie ng marinig ang sigaw ni Lauren kaya nagbitiw silang dalawa sa pagkakayakap.

"Lo... mali ang iniisip mo..." Sambit ni Elmo.

"Tama na ang nakita ko Elmo! Alam kong nagkabalikan na kayong dalawa! Iiwanan mo na ako!"

"No Lo! Nakakamali ka!" Tangkang yayakapin ni Elmo si Lauren para awatin.

"Liar!!!" Itinulak nito si Elmo. "Kung iiwan mo ko ay papatayin ko muna ang babaeng ito!" Inilabas ni Lauren ang trenta'y otsong baril sa kanyang bag at tinutok kay Julie.

Naging maagap si Elmo, nahawakan niya agad ito at saktong paglihis ng baril kay Julie ay saka pumutok. Nakaligtas si Julie ngunit.....

"M-Mam Julie!! Si Moses po!!" Tarantang sigaw ni Alex.

"God! Ang anak ko!!" Sigaw ni Julie nang makitang duguan ang anak.

Natulala naman si Lauren. Nabitawan ang baril nang makitang duguan ang bata. Patakbo itong lumabas ng kwarto at parang baliw na sumisigaw ng "Nakapatay ako! Nakapatay ako!" Tuloy-tuloy itong lumabas ng ospital at tumamawid ng kalasada. Hindi niya namalayan na may sasakyan na parating at huli na para siya makaiwas. Tumilapon si Lauren nang mabangga ng sasakyan. Noon din ay binawian ng buhay ang babae.

Isinugod naman na ang anak ni Julie sa OR para sa operation. Hindi naman malaman ni Julie kung anu pa ang gagawin. Hindi pa nga natatapos ang problema nila ay nadagdagan pa ng dalawa. Ang anak niya at ang nangyari kay Lauren.

"Ang baby ko...!" Umiiyak na sabi ni Julie. "Pati siya nadadamay sa gulong 'to!"

"Don't worry.. Makakaligtas siya Juls..." Pinalalakas ni Elmo ang loob ni Julie.

"Pagod na ako Elmo! Di pa nga natin natatapos ang problema sa mama ay ito na naman! Ayoko na! Tapusin na natin ang gulong to!"

"Tahan na Julie... Everything will be alright..." Niyakap ni Elmo si Julie.

Maya-maya ay lumabas na ang doktor. "Naalis na namin ang bala. Kaso maraming dugo ang nawala sakanya. Kailangang masalinan agad siya."

"Please dok! Gawin niyo po ang lahat para sa anak ko..." Luhaang wika ni Julie.

"Pero kailangan natin ng donor dahil wala kaming stock ng dugo na katype sa anak mo. Type B!"

"Dok! Type B po ako. Ako po magdodonate para sa anak ko."

Agad na isinagawa ng doktor ang pagsalin ng dugo sa bata dahil magkatype sila ng dugo, malamang anak niya yon.

Tuluyan ng napalagay ang loob ni Julie ng sabihin ng doktor na ligtas na ang kanyang anak.

Nang matapos iyon ay tinulungan ni Julie si Elmo na mabigyan ng maayos ng burol ang kanyang ina. Dinala nila sa Hacienda ni Julie ang mga labi ng donya upang doon na iburol.

Sa mga araw na nag daan ay hindi iniiwan ni Julie si Elmo kahit pagod na siya. Halos wala na siyang pahinga dahil pagkagaling sa ospital ay haharapin naman niya ang mga bisita ni Elmo. Sa araw na nag daan ay laging ganoon.

"Julie... Salamat sa lahat ng tulong mo. Maraming salamat talaga..." Nahihiyang sabi ni Elmo.

"Tapos na ang problema Elmo. Tapusin na natin to. Masyado nang maraming nangyari sa pagitan natin. Pagod na rin ako. Isa pa'y nag kapatawaran na kami ng mama mo. Masaya na siya ngayon."

"Sana ay matahimik na sila ni Papa at Mama kung nasaan man sila." Sabi ni Elmo.

"Masaya na sila Elmo. Alam ko..." Tinapik niya ang balikat ng malungkot na lalaki.

ILANG linggo matapos ang libing ni Donya Pia ay nailabas na ang anak ni Julie sa ospital. Nakabawi agad ang bata at nanumbalik ang lakas at sigla nito.

Sa Hacienda ay nagkaroon ng kaunting salo-salo para sa pagdiriwang sa pagkakaligtas kay Moses at tuloy na rin sa kanyang ikatlong taong kaawaran. Walang ibang inimbita si Julie kundi sila-silang pamilya lang.

Dumating naman ni Elmo sa Hacienda nila Julie. Sinalubong naman agag ni Julie ang lalaki.

"Julie.... isang bagay lang ang ipinarito ko! Gusto kong malaman kung mahal mo pa rin ba ako... Kung bibigyan mo pa ako ng chance para makabawi ako sayo, sainyong mag-ina..." Wika ni Elmo.

"Elmo... Huwag na muna nating pag-usapan ang bagay na yan. Magulo pa ang isip ko. Masyado pang sariwa ang mga nangyari... Marami ang nasaktan lahat tayo nagdusa... Bigyan muna natin ang sarili nating makapag-isip kung kailangan pa ba natin ang isa't-isa..."

Napayuko si Elmo.

"Naiintindihan ko Julie... Alam kong hindi madaling kalimutan ang lahat ng nangyari... Pero maghihintay ako Julie. Hihintayin ko na tanggapin mo ulit ako sa buhay mo." Sang-ayon ni Elmo.

"Ahmm, oo nga pala.. Bakit hindi ka muna pumasok? Nag handa kami ng kunting salo-salo..." Wika ni Julie nang maalala ang anak.

"Bakit? Anung meron Julie?"

"Birthday ng anak mo Elmo. Halika, pumasok ka muna... Siguro ito na rin ang right tima para makilala ka niya." Yaya niya at hinila ni Julie si Elmo papasok ng mansyon.

Pagpasok naman nila sa loob ay agad siyang nakita ng bata at napangiti.

"T-Tito Elmo..." Sabi ng bata. Patakbong sinalubong ang lalaki at niyakap. "May gift po ba ako Tito?"

"Ha! Ah.. Eh...." Napakamot si Elmo sa ulo niya. Hindi alam ang isasagot sa bata, paano'y hindi naman niya alam ng birthday nito.

"Meron siyang gift anak..." Sabat naman ni Julie. Nilapitan niyang anak. "Hindi ba't lagi mong tinatanong sakin kung nasaan ang papa mo?"

"Opo..." Sagot ng bata.

"Anak... Si Tito Elmo mo... Siya ang daddy mo..." Tuwirang sagot ni Julie

Natigilan ang bata sandali at pagkuway ngumiti ito. Inilahad naman ni Elmo ang kayang kamay. Patakbong niyakap ni Moses si Elmo.

"Papa ko..."

"Anak ko...."

Napakagat labi nalang si Julie nang makota ang tagpo na yun. Naisip niyang wala na rin siyang dapat pang itanggi. Mahal pa rin niya ang ama ng kanyang anak. Kailangan ng kanyang anak ng isang ama at kailangan din niya ng isang lalaki na magmamahal sa kanya.

"Elmo.... Wala na sigurong dahilan pa para dayain ko ang sarili ko... I still love you Moe... Mahal na mahal pa rin kita." Naluluhang wika ni Julie.

"Julie.... Salamat! Maraming salamat da pagtanggap ml sakit ulit..." Niyakap niya ang babae. "Mahal na mahal na mahala din kota Juls!"

-------

Sorry po sa late update. Busy po kami ngayon sa School e. Sorry kung kunti lang ang update! last chapter na po tayo. :)) Maybe next week makapag update kami. Salamat :)))

-------

Follow us on twitter @TropangJEforevs and @JE_UBERsidad thanks much! :)))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Langit Sa Aking Kamay (JE-FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon