Kabanata 9

538 7 1
                                    

Mabilis ang pag lipas ng panahon.. Malaki na ang tyan ni Julie. Alam niya na malusog ang kanyang baby dahil malakas ang pag-galaw nito sakanyang tyan.

Natutuwa naman ang mag asawang umampon sakanya. Kabuwanan na ni Julie at araw nalang ang inaantay nila.

"Naku! Gumagalaw na naman ang apo ako." Masayang wika ni Marisol at himas-himas ang malaking tyan ni Julie.

"Oo nga Tita eh. Kung minsan nasasaktan na ako sa mga sipa niya." Biglang nakaramdam ng sakit ng tiyan si Julie at napasapo ito sa kanyang tyan.

"A-Ahh!" Sambit ni Julie.

"Julie? Bakit? Anung nangyayari?" Tanong ni Marisol. Agad namang dumalo si Leandro sa kanila dahil nakikita nyang nasasaktan si Julie

"Julie???!!" Nagaalalang tanong ni Leandro.

"T-Tita... Manganganak na po ata ako!!" Hiyaw ni Julie sa huling salita nito. "Ahhhh-ahhhrgghhh!! Masakit Tita!!" Hiyaw ni Julie.

"Leandro... Dalhin na natin sya sa Ospital." Sabi ni Marisol sakanyang asawa.

Agad namang inakay ni Leandro si Julie sa sasakyan at tinulungan sila ng driver nito upang maipasok si Julie sa kotse.

Kinuha naman agad ni Marisol ang mga gamit ni Julie na noon pa ma'y nakahanda na para sa araw na sya ay manganak, at ngayon nga ang araw na iyon.

Habang nasa sasakyan..

"Kontiis nalang Julie. Malapit na tayo sa Ospital." Wika ni Marisol.

"Ang sakitttt!!!" Ani ni Julie. (a/n ginusto mo yan ee. haha :D lol)

"Kanor! Bilisan mo!" Baling naman ni Leandro sakanilang driver.

"O-Opo!" Sagot ng driver na tila ay pati siya natataranta.

Nakarating na sila sa pinakamalapit na Ospital ang New Era General Hospital. Agad namang kumilos ang mga attendant at doktor nang makitang emergency na ang lagay ni Julie.

Nagdala agad ang mga ito ng stretcher at sinakay si Julie doon. Sa emergency room sya agad dinala. Naiwan naman ang dalawang mag-asawa sa labas ng ER.

Habang nagle-labor si Julie ay muling nanumbalik ang mga sakit na naranasan nya sa pamilya Magalona. Lalong lalo na ang ama nang kanyang ipapanganak ngayon. Kung anu ang sakit na nararamdaman niya ngayon ay mas masakit pa rin ang naranasan nya noon nang mawala ang kanyang ama dahil sa kagagawan ng mga Magalona. Mas masakit na mas pinili ni Elmo ang kagustuhan ng mga magulang nya kaysa sa pangako nitong kasal sakanya.

Pero hindi nakakalimutan ni Julie ang ipinangako nya sa harap mg puntod ng kanyang ama. Magsisikap sya at balang araw, sakanyang pag babalik ay makakaharap na siya sa mga magulang ni Elmo na may maipagmamalaki na.

Di nagtagal ay sumenyas na ang doktor na ibigay ma nya lahat ng lakas niya upanv lumabas na ang bata.

"Konti nalang Misis. Ire pa!" Sabi ng doktor at nakikita na nya ang ulo ng bata. "Isang malakas na ire nalang Misis!."

"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!" Halos kapusan ng hininga si Julie sa kanyang pag ire.

"ungaaa-ungaaa! ungaaa!" iyak ng bata. Tuluyan ng lumabas ang kanyang baby. Kahit nanlalabo ang mata at pinilit nyang inaninag ang kanyang anak. At tila parang isang bula na nawala lahat ng pait at sakit sa kanyang nakaraan.

"Baby boy!" Wika ng doktor. "Nakalusog niya iha."

Tuluyan ng pumikit ang mga mata ni Julie.

NANG MAGISING SI Julie ay nasa isang kwarto na siya ng Ospital nasa tabi nya sila Marisol at Leandro.

"T-Tita." Ngiting wika ni Julie nang makira niya ito sakanyang tabi.

"Julie!! Boy ang baby mo. At mapakalusog nya. Kakakita lang namin sakanya sa Nursery room." Nakangiting wika ni Marisol.

"Salamat sainyo Tito, tita.. Kung hindi ko po kayo nakilala, ay di ko po alam kung anu ang aking gagawin." Maluhaluhang wika ni Julie bagamat nakangiti ito.

Hinawakan ni Marisol ang kamay ni Julie. " Wala yon Julie. Ang mahalaga ay nakaraos ka na ngayon sa iyong panganganak."

"Tutulong kami para sa magandang kinabukasan mo saiyong anak Julie." Wika naman ni Leandro.

"Hindi ko po alam kung pano ako makakabayad sainyo. Napakabuti nyo po talaga" May luhang pumatak sa mata ni Julie.

"Tama na ang kaligayang dala mo samin Julie at ng iyong anak. Nang mapulot kita at ng pumayag kang tumira sa amin ay napakasaya na namin. Kahit papaano'y napunan mo yung kakulangan naming mag-asawa." Nakangiting wika ni Marisol. "Oh wag ka ng umiyak." At pinusan ang mga luha na sa mga mata ni Julie.

"Hayaab nyo po tita.. Paglabas ko ng Osapital, tutulungan ko kayo sa inyong trabaho." Niyakap naman ni Julie si Marisol habang si Leandro ay nakangiting nakatingin lang sa kanilang dalawa na animo'y mag-ina.

Ilang araw lang ay nilabas na rin si Julie sa Ospital. Isang sorpresa ang bumungad sakanya. Mayroon ng sariling kwarto ang kanyang anak.

"Ito ang magiging kwarto ni Baby..." Masayang wika ni Leandro kay Julie.

"Tito... Sobra sobra na po ito." Nahihiyang wika ni Julie.

"Hindi Julie... Dahil tinuring na kitang isang tunau na anak at ang batang yan ay ang aking apo." Wika ni Leandro at kinuha ang bata kay Julie at dinala sa kuna. "Oh.. Baby para sayo yan.." Nakiangiting wika ni Leandro.

"Tito.. Salamat po.. Masayang masaya ako." Sambit ni Julie at yumakap sa matanda.

"Julie... Ngayon ka pa ba iiyak? Kung kelan unti-unti ng nagkakaroon ng liwanag ang buhay mo?" Wika ni Leandro habang hinihimas ang likod ni Julie.

Kumalas sa pagkakayakap si Julie. "Tito.. Tita.. Hindi ko lang po kasi alam kung anung swerte ko na dumating kayo sa buhay ko." Ani ni Julie at may luha pang umagos sa mukha nito.

"Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kapalaran Julie. At ang kapalaran mo ay ang mapunta ka samin. At ganun ka din samin. Ang nasa itaas lang ang nakakaalam ng lahat Julie. Noon ay ipinagdarasal ko na sana ay bigyan ako ng magiging anak na aampunin kahit na anung paraan at dumating ka nga samin Julie. Saaming mag-asawa." Mahabang paliwang ni Marisol.

----

Itutuloy... :))

Langit Sa Aking Kamay (JE-FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon