"Kamusta ka na Elmo?" Pilit ang ngiting tanong ni Julie nang makalapit na sya sa mga ito na nasa sala.
"J-Julie? Ikaw ba yan?" Nagtatakang tanong ni Elmo.
"Ako nga Elmo! Ang babaeng pinasaasa at pinaniwala mo sa matatamis mong pangako!"
"Paanong...." Nagkamot ng ulo si Elmo. Hindi nito maituloy ang kanyang sasabihin.
Tila nabasa ni Julie ang gustong itanong ni Elmo. "Na paano akong yumaman? Yun ba ang gusto mong itanong? Ha Elmo?"
Hindi na rin nakatiis sina Francis at Pia nang makilala ng mga ito si Julie. Lumapit ang nakupo sa wheel chair na si Pia.
"Elmo, anong ginagawa sa pamamahay ko ng basura na yan?!" Pang iinsultong tanong ni Pia.
"Dating basura Donya Pia! Pero hindi na ngayon. Dahil kayo ang malapit ng maging basura!!" Galit na sigaw ni Julie.
"What do you mean Julie?" Sabay na tanong ni Francis.
Hindi sinagot ni Julie ang tanong na iyon. Sa halip ay tinawag niya si Richard. "Richard, ikaw na ang magpaliwag sakanila." Utos ni Julie.
"Ang ibig pong niyang sabihin... Na ang nakasanla ninyong ari-arian sa banko ay paso na. Kailangan nyo ng tubusin. Kailangan niyo ng ibalik sa banko ang limang milyong piso." Paliwanag ni Richard.
"O, e ano ang kinalaman ng basurang yan? Bakit sya narito?" Naguguluhan at nagtataray na tanong ni Pia.
"Siya po ang may-ari ng bankong pinagsanlaan ninyo ng inyong ari-arian." Pagpapakilala ni Richard sakanya.
"I-Ikaw? Ikaw ang pinagkakautangan namin?" Nanlulumong wika ni Pia. Napayuko ito dahil sa pagkapahiya.
"Oo ako nga! At paso na ang kasunduang pinirmahan mo Don Francis! I'll give 2 days para ibalik ang pera ko! Kung hindi nyo magagawa yun.. Makakaalis na kayo sa bahay na ito."
Natahimik ang tatlo. Nagkatinginan sila. Tila nawalan ng pag-asa ang sakanilang mukha. Paano nila mababayaran ang limang milyon sa loob ng dalawang araw? Saan sila kukuha ng ganung kalaki? Paano nila maiiwan ang bahay na yun gayong yun nalang ang natitira nilang ari-arian?
"Its your fault Francis! Dahil sa pagiging sugalero mo! Anu na? Anu na ang napala natin Francis?" Sumbat ni Pia.
"Hindi ko naman akalain na sya ang nagmamay-ari ng bankong pinagkakautangan natin!" Pakli naman ni Francis.
"Wag na kayong magsisihan pa! ahuli na ang lahat! Dahil dumating na ang araw ng inyong karma dahil sa ginawa nyo sakin at sa aking anak!"
Nagulat si Elmo. "Anak? Nagkaroon tayo ng anak Julie?"
"Oo! Nakalimutan mo na ba ha Elmo? Nagkaroon tayo ng anak! Pero ni kahit kailan ay hindi ka naging ama sakanya! Kaya hindi ka nya makikilala!"
Napahiya si Elmo sa sinabi ni Julie. Tama sya! Kung naging matapang lang sana sya noon na ipaglaban ang pqgmamahalan nila.. Sana ngayon ay may anak na sya. At sana maligaya na sila ngayon ni Julie.
"Dalawang araw! Dalawang araw lang ang palugit ko sainyo!" Pagtatapos ni Julie bago ito tuluyang tunalikod at umalis. Sumunod naman agad si Richard sakanya.
Nanatiling tahimik si Elmo at ang magulang nito. Hindi sila makapaniwala sa nalaman nila, na ang dating basura ngayon ay as mataas pa sakanila.
Sa bahay na nagtuloy si Julie. Nasa hardin ang kanyang anak at ina. Napangiti sya ng salubungin sya nito.
"Mommy! Mommy!" Patakbong wika ng bata at yumakap sa ina.
"Baby Mosey... How are you?" Tanong ni Julie sa kanyang anak.
"Saan ka galing Julie?" Tanong ng kanyang ina.
"Sa hacienda po ng mga Magalona inay. Dahil malapit nang maging atin ang kanilang hacienda kapag hindi nila nila binalik ang pera saakin."
"Julie.. Anak.. Hindi ka pa nakuntento na naghihirap na sila ngayon? Kailanan pa ba?"
"Opo inay! Kulang pa ang paghihirap nila sa dinanas ko noon! Yung sakit at hirap na naranasan ko dahil sa kagagawan nila inay! Lalo na ng mamatay si itay! Kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikitang gumapang sa hirap ang mga Magalona!" Mariing sabi ni Julie. Kita mo sa kanyang mata ang galit at poot.
Hindi nalang kumibo ang kanyang ina, dahil alam nitong hindi niya mapipigilan si Julie sa nais nitobg paghihiganti.
Nang sumunod na araw ay nagpunta si Elmo kila Julie. Matamlay ito na humarap kay Julie. Kita sa mata nito ang kawalang pag-asa.
"Oh Elmo. Dala mo na ba ang pera?" Bungad na tanong agad ni Julie.
"Julie... Wala akong dalang pera. Naparito ako para makiusap na bigyan pa kami ng kunting panahon."
Natawa ng pagak si Julie. " Marunong palang makiusap ang isang Magalona." Pang-aasar na sambit ni Julie.
"Julie..."
"No! No Elmo! Bukas lang ng maghapon ang palugit niyo! Kapag hindi niyo naibalik ang pera ko, saakin na ang Hacienda niyo!" Mariing sabi ni Julie. "You may leaved now!"
Napayuko nalng si Elmo. Naisip niyang wala ng pag-asa pa. Walang mangyayari wa pakiusap niya. Iba na si Julie. Hindi na ito ang Julie na minahal niya noon. Naging matigas na si Julie dahil sa kanyang kagagawan.
Muling binalingan ni Elmo si Julie. May naalala. "Julie... Pwede ko bang makita ang anak natin?"
"No! You cant Elmo! Umalis ka na!"
"Julie! Anak ko rin siya..."
"Anak?" She smirk. "Kailan ka naging ama sakanya Elmo? Nang kailangan kita? Nandun ka ba? Wala Elmo! Pinabayaan mo ako! Mag-isa kong hinarap ang kahihiyan!"
"Mahal kita Julie.. pero..." Di nya maituloy ang sasabihin. Napayuko nalang sya.
"Pero takot ka Elmo. Takot ka na itakwil ng iyong mga magulang! Sinunod mo ang kagustuhan nilang magpakasal sa iba! At ako? Pinabayaan mo ako Elmo!"
"At ngayon ay naghihiganti ka? Ganun ba Julie?"
"Oo Elmo! Gusto kong maramdaman ninyo ang naramdaman kong sakit noon! Gusto kong gumapang kayo sa hirap!" Galit na sambit ni Julie.
"Ang lupit mo Julie..."
"Wala nang mas lulupit la sa dinanas ko sainyo Elmo. Dahil sayo namatay ang tatay ko na may galit saakin. Dahil sa kahihiyang ibinigay mo saakin!"
Walang masabi si Elmo.
"Makakaalis ka na Elmo! Hanggang bukas na lang ang palugit ko sainyo!"
Tinalikuran na ni Julie si Elmo at pumasok na sa loob ng bahay. Naiwan namang mag-isa si Elmo.
----
Hello Readers... Magkakaroon po nv pagbabago. I need to transfer our works to other acct. :) please do follow @TropangJEForevs yan po ang group na gumagawa ng FF na ito. May next FF na po kami. Pakihanda po ang inyong puso sa sakit. Hehehe.. Hindi ko muna kayo pakikiligin ha? Kasi lage naman tayong kinikilig sa JE e. :) Thanks!
Salamat again. :)
#SpreadTheLove #OneLove
#JEForevs