Kabanata 11

542 5 0
                                    

Napasabak agad si Julie sa trabaho ng makapag tapos na siya ng college. Siya ang ginawang assistant ni Marisol sa bagong pagmamay-aring bangko nito. Ginawa naman ni Julie ang lahat upang hindi masira ang pagtitiwala ng mga ito sakanya. Halos subsob sa trabaho si Julie dahil alam niyang dumating na ang sandali upang tahakin niya ang landas ng kanyang kapalaran.

Hindi pa rin nakakalimutan ni Julie kung saan siya nanggaling. Ang kanyang naging kabiguan sa mga kamay ng mga Magalona. Pinangako nya noon sa kanyang sarili na hinding hindi saya titigil hangga't hindi niya napapantayan ang mga Magalona, At mukang dumating na ang panahon upang makaganti sa mga Magalona. Lalo na si Elmo... ANG LALAKING NANLOKO SAKANYA!

"Akala ko'y nakalimutan mo na ang bagay na yan Julie?" Untag ni Marisol habang nasa sala sila. "Akala ko ipinaubaya mo na sila sa Diyos?"

"Hindi ko sila makakalimutan Tita. Hindi ko makakalimutan kung paano nila sinira ang buhay ko! Kung panu namatay ang tatay ko dahil sa pagiging matapobre nila Tita! Isinilang ko ang aking anak na wala man lang kinilalang ama! Dahil sa hayup na Elmo na yun!"

"I know Julie. Alam ko rin na darating ang pagkakataong ito na muli mong iisipin ang paghihiganti sakanila. Hindi kita masisisi Julie. Ako man ang nasa kalagayan mo ay ganun din ang gagawin ko. Dahil kapag dangal na ang sinira, mahirap kalimutan!"

"Kaya po kahit na sentimo na binibigay nyo sakin ay tinatabi ko Tita, dahil ayaw kong masayang ang panahon!" Pagdidiin ni Julie.

Napangiti naman si Marisol. "Sadyang nagbago ka na nga Julie. Nabago na kita. Naging matapang ka na ngayon. Hindi tulad noon na may mga luhang umaagos sa yong mukha."

"Opo Tita, dahil noon hindi pa ako marunong na harapin ang buhay. Kaya tinanim ko saaking isip ang iyong mga sinabi noon na.. BUMANGON AKO AT LUMABAN! KAYA HINANGAD KO NA NGAYON AY MAPASAAKINK KAMAY ANG LANGIT! Ibig kong sabihin ay kaginhawaan upang magkaroon ng katuparan ang aking paghihiganti!"

Naputol ang kanilang pag uusap nang dumating si Leandro. Narinig nito ang pinaguudapan nang dalawa.

"Julie... Siguro ay panahon na rin para malaman mong isa ka na ring milyonarya!" Panimula ng lalaki ng makaupo sa sofa.

Natigilan si Julie. "A-Ano pong ibig nyong sabihin Tito?" Takang tanong ni Julie.

"Ang ibig sabihin ng Tito Leandro mo Julie, ang kalahati ng multi-milyong kayamanan namin ay inilagay namin sa pangalan mo. Upang mabigyan mo ng magandang kinabukasan ang iyong anak Julie." Paliwag ni Marisol.

"Handa la na Julie. Ganap ka na naming nabago. Marami ka ng alam. Matalino ka! Napakabait! Ikaw at ang iyong anak ang nagbigay ng ligaya samin, nagpuno sa lahat ng pangungulila namin."

"T-Tito... Bakit saakin po?"

"Matanda na kami Julie. Hindi na kami magtatagal sa mundong ito. Ikaw, mahaba pa ang tatahakin mong buhay. Bata ka pa. Wala naman kaming ibang mapagbibigyan ng aming kayaman, hindi namin madadala iyon sa kamatayan... Ikaw na nagbigay saamin ng kaligayahan ay ipinamamana ko saiyo ang kalhati ng aming yaman, ang ang kalahati ay sa bahay ampunan." Mahabang paliwanag ni Leandro.

"Tito . Huwag ka naman pong magsalita ng ganyan.." Wika ni Julie na nagbabadya ng lumuha ang mga mata. "Mahaba pa po ang buhay ninyo. Makakasama ka pa po namin ni Tita Marisol ng matagal." Garalgal na boses ni Julie.

"Marami na akong nararamdaman saaking katawan Julie. Matanda na ako... Lahat naman ng tao ay dun ang tungo. Nararamdaman ko na rin ang unti-unting paghina ng aking katawan. Tanggap ko na mawawala na ako dito sa mundong ibabaw Julie. Hindi na ako natatakot na harapin ang ating Lumikha dahil nakagawa na ako ng mabuti." Kibit-balikat na paliwang ni Leandro.

Langit Sa Aking Kamay (JE-FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon