Kabanata 12

507 5 1
                                    

Nang sumunod na araw ay ipinasya na ni Julie na bumalik na sila sa kanilang probinsya. Kasama niya sila Alex at ang kanyang anak. Ngunit hindi talaga nito napilit si Marisol na sumama sa kanila.

Dala na rin ni Julie ang lahat ng testamento galing kay Marisol at Leandro na nagsaad ng mga ari-arian nito sa probinsya. Nakalipat na ito sa pangalan ni Julie.

Nagtuloy si Julie sa isang malawak na lupain na may malaking bahay na nakatirik sa malawak na hacienda. Kilala ni Julie ang mga inabutan nilang tauhan sa Hacienda at alam nila na sya na rin ang nagmamay-ari nito.

"Maligayang pagdating Mam Julie..." Sabay-sabay na bati ng mga katiwala at mga katulong sa hacienda.

Napangiti si Julie. "Mang Berting, kamusta po ang Hacienda?"

"Mabuti naman po Mam Julie."

"Mabuti naman po. Mula ngayon ay dito na ako titira at si Alex. Para lalo kong mapaunlad ang Haciendang ito!" Sabi niya.

"Tiyak na mawiwili kayo rito Mam Julie.! Singit naman ng isang matabang katulong.

"Oo Nina. Dahil dito ako isinilang. Marami akong bagay na hindi makakalimutan dito!" Wika ni Julie. "Tulad ng mga Magalona!" Sigaw niua sa isip niya.

Kinaumagahan ay sakay si Julie nang sasakyan nang libutin niya ang malawak na Hacienda. Pati na rin ang malawak na lupain na malapit sa Hacienda ng mga Magalona.

Nadaanan pa niya ang mansion ng mga Magalona nang puntahan niya ang malawak na lupaing ipinamana sa kanya nina Leandro at Marisol.

Natigilan si Julie nang mapatingin sa gate ng mansion ng mga Magaloba. Kita niya ang papalabas na sasakyan doon. Sina Elmo at Lauren. "Nagkatuluyan din pala sila." Sabi nito sa isip niya.

Nakita rin siya ni Elmo, pero walang reaksyon ang rumehistro sa mukha nito. Hindi na nakilala ni Elmo si Julie dahil magara ang sasakyan. Ni sa hinagap hindi ay di nito naisip na yayaman ng gano'n si Julie.

"Ganyan nga Elmo, mas magandang huwag mo muna ako makilala para masurpresa ka sa ating pag-haharap!" Sabi ni Julie sa isip niya.

Hindi nagtagal ay umalis na rin Julie nang makalayo na ang sasakyan nila Elmo. Napangiti sya ng makahulugan, dahil kita niya ang malaking pagbabago ng Mansion ng mga Magalona.

"Hindi kaya naghihirap na ang mga Magalona? Kung gayon ay umaayon sa akin ang mga pangyayari." Muli ay naisip ni Julie.

----

Pasensya na sa sabaw ang update! hehehe #Patawad

Langit Sa Aking Kamay (JE-FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon