Kabanata 13

547 8 3
                                    

Ilang taon na rin ang lumipas mula ng iwan niya ang kanyang ina at kapatid. Ipinasya na ni Julie na muling magbalik at magpakita sa kanila upang makahingi sya ng tawad sa lahat ng kamalian niyang nagawa.

Inihinto ni Julie ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Wala itong pinag-bago. Ganun pa rin mula ng umalis sya.

Marahang bumaba si Julie ng sasakyan at nagtungo sa pinto ng kanilang bahay. Hindi iyon sarado kaya maingat syang pumasok. Nadatnan niyang nakaupo sa upuang kawayan ang kanyang ina at nananahi ng damit.

"I-Inay?" Mahinang tawag ni Julie.

"J-Julie? Anak? Ikaw nga?!" Sabi nito.

"Inay, patawad po... Patawarin nyo po ako.." Tumulo agad ang luha ni Julie. Patakbong niyakap niya ang kanyang ina.

"Anak ko! Nagbalik ka na..." Umiiyak na wika ni Aling Marivic. "Kahit nagalit ako sayo noon, nang umalis ka.. Nag-alala ako! Saka ko na naisip na may mali rin kami. Kami na pamilya mo pa nagtaboy sayo palayo.. Imbis na suportahan at alagaan ka namin.. Patawad anak..." Wika ni Aling Marivic habang patuloy ang pag iyak.

"Inay... Patawad po..."

"Hawak ko na sa aking mga kamay ang langit inay! Nagbalik ako para gumanti sa mga MAGALONA! Sila ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya natin! Kung bakit namatay si Itay ng may galit saakin!" Mariing sabi ni Julie sa kanyang ina. "Si ELMO MAGALONA! Dahil sa panloloko niya saakin!" Galit na dugtong pa ni Julie. "Gaganti ako inay! Gagantihan ko sila!"

"Julie... Huwag na..."

"Bakit 'nay? Hindi ba kayo nagagalit sakanila?" Paniniyak ni Julie.

"Galit ako Julie. Galit ako sakanila dahil sa ginawa nila sayo lalo na sa Elmo na yun! Dahil niloko ka nya! Pero hinatulan na sila ng langit anak... Dumating sa kanila ang karma!"

Natigilan si Julie. "A-Ano ho ang ibig nyong sabihin 'nay?"

"Hindi na sila katulad ng dati Julie. Naghihirap na sila. Nalusaw ang kayamanan nila dahil nalulong sa sugal ang ama ni Elmo. Ang ina naman niya ay isa ng lumpo dahil sa isang aksidente." Paliwang ni Aling Marivic. (a/n whooo! Mudang PATAWAD po! Huhubels!)

"Si Elmo at Lauren po? Nagkatuluyan ba sila?" Muling usisa ni Julie.

Tumango si Aling Marivic. Oo... Pero hindi sila nagkaroon ng anak. Dahil sa pagkakaalam ko si Lauren ata ang may diperensya."

"Di pa po sapat iyon inay! Hindi pa sapat ang nangyari sakanila ngayon! Ang gusto ko'y gumapang sila sa hirap! Lumuhod saaking paanan! Tulad ng ginawa noon upang pakasalan lamang ako ni Elmo!" Muling sabi ni Julie. "Inay totoo po bang nakasanla na ang kanilang bahay at buong hacienda?"

"Oo Julie... Naisangla ito ni Francis sa Banko. Nasa bangko na rin ang titulo nyon." Paliwanag ni Aling Marivic.

"Saang bangko 'nay?"

" SA ZAMORA's SAVING's BANK!" Tugong ng kanyang ina.

Gulat si Julie.. Dahil yun ang bangkong ipinamana sakanya nina Marisol at Leandro. Siya ma ngayon ang namamahala niyon, pero ngayon lang niya nalaman na sa bangko na iyon naisanla ng pamilya Magalona ang kanilang Hacienda. Ang pagkakataon nga naman.

"Inay.. Kapag dumating na si Joanna, lilipat na kayo sa bahay. Magkakasama na ulit tayo."

"Anak?"

"Oho inay, para mabayaran ko po ang mga pagkukulang ko sainyo. Alam ko na kahit saanan si itay ngayon ay matatahimik na sya dahil bibigyan ko na ng katuparang ang ipinangako ko sakanya sa harap ng kanyang puntod."

Di nagtagal ay dumating na si Joanna. Nagkapatawaran silang kapatid at napuno ng luha ang kanilang mga mata.

Nang araw ding yon ay ipinahakot na ni Julie sa kanyanv tauhan ang mga gamit nv kanyang ina at kapatid. Masaya sila sa muli nilang pagsama-sama.

Wala ng oras ang inaksaya si Julie. Tinawagan niya branch manager ng bankong pagmamay-ari niya. Ipinahanda niya ang mga kasulatan at titulo ng mga ari-arian ng mga Magalona.

Noon din ay dinala ng branch manager ng banko na si Richard ang mga ipinaayos ni Julie.

"Mam Julie.. Narito na po ang mga titulo at iba pang papeles na nagpapatunay na isinangla ng mga Magalona ang kanilang ari-arian sa inyong banko!" Sabi ni Richard at iniabot ito sakanya.

Kinuha iyon ni Julie at tinignan. Napangiti sya dahil nabasa niya na paso na ang petsa ng pagkakasanla. Anumang oras ay pwede na nyang makuha ang buong Hacienda ng mga Magalona.

"Napadalhan mo na ba sila ng notice?" Tanong ni Julie.

"Opo Mam.Alam na po nila ma paso na kanilang kasunduan."

"Magaling kung ganun..." Nasabi niya at muling ibinalik angga papeles sa folder, iniabot muli kay Richard. "Aalis tayo ngayon Richard... May bibisitahin tayo!"

----

Mejo sinipag po... Hehehe sana magtuloy-tuloy! Lol :D

Mejo malapit na ang tragic! #PATAWAD talaga! Huhubels!

Langit Sa Aking Kamay (JE-FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon