Chapter 30 ( Drake vs. Brace )

2.6K 86 1
                                    

Chapter 30  ( Drake vs. Brace )

( In Behalf Of The Mafia )

Sab_kitty

= Third Persons Pov =

Magkaharap sa table si Drake at Brace tas magkatabi naman si Amphere at Drake samantalang magkatabi rin si Aria at Brace.

Kanina pa nag-iinuman yung dalawang lalaki at wala atang balak tumigil. Tinitingnan ni Aria si Brace dahil paniguradong malalasing ito kaya siya na ang maghahatid rito.

Ramdam na rin nang dalawang babae yung tensyon na namamagitan sa dalawang magpinsan na sa anumang oras ay may balak pang magsuntukan.

" How's life my good couzin! " - Sarcastic na sabi ni Brace na naunang magsalita sa matahimik nilang inuupuan.

" Nothing good especially, when you came. "

Hindi na napigilan ni Brace yung galit niya kaya nahagis niya yung bote malapit kay Drake kaya napatayo ito.

" Ano bang problema mo g*go ka ah! " - hindi na napigilang mapabulyaw si Drake. Bukod sa naiinis na ito ay nadagdagan pa ito dahil sa ginawa ng pinsan niya.

" Ikaw! Ikaw ang problema ko! "

Nagsuntukan yung dalawa na para bang wala itong pakialam sa paligid nila. Yung mga tao naman natigilan dahil sa nagaganap na suntukan nina Brace at Drake.

Dahil sa hiyang nararamdaman ni Aria sa mga taong nanunuod ay pinipilit niyang pigilin yung dalawa pero hindi iyon sapat para magawa niya iyon. Laking pasasalamat nalang niya na dumating yung bouncer at inilayo yung dalawa.

Aria is holding Brace arms samantalang si Amphere naman ay kay Drake.

" Hindi pa ako tapos sayo! " sigaw ni Brace na sinagutan rin naman ng sigaw ni Drake

" Lalo na ako gago! "

Susugod na sana si Brace pero napigilan ito ng bouncer kaya hindi niya ito nagawa.

" Tama na nga sabi Brace! Hali kana! Ang dami nang nakatingin sainyo oh! "

Hinigit ni Aria si Brace palabas ng bar dahil pinagbubulungan na sila ng mga tao sa loob at ayaw ni Aria ang ganun.

Nasa labas na sila ng bigla nalang kinalas ni Brace yung pagkakahawak nito sakanya saka niya ito itinulak nang mahina para mapalayo ito sakanya.

May tama na rin ng alak si Brace pero nakakasiguro naman si Aria na kaya pa nito ang sarili niya dahil nagawa pa nitong manuntok.

" Ano ba! Pwede ba! Hayaan mo nalang ako! "

Bulyaw ni Brace sakanya pero hindi ito pinansin at hinawakan ang dalawang kamay nito.

" I'm just concern baka-- "

Inalis ni Brace yung pagkakahawak nito sa kamay niya saka siya kunot noong tiningnan nito.

" I don't need your concern Aria! I can take care of myself! Besides! I dont need you-- "

Hindi niya ito pinatapos dahil sinampal niya ito na puno ng hinanakit.

Mangiyak-ngiyak na rin siyang nakatingin sa binata.

Hindi niya alam na ang sakit palang pakinggan pag mismo sa bibig niya ito nanggaling.

" I don't know why i am doing this Brace siguro nga dahil MAHAL kita! Alam ko na mahal kita! MAHAL NA MAHAL na pati sarili ko handang magpakamartir ng dahil sayo!

You Love Zyres? Yes i know! Tanga ako? Yes i know! Boba ako?! Oo alam ko and I'm doing that all stupid things because of you! Dahil mahal kita Brace! I love you, pero di ko naman aakalain na masakit pala pag mismo nanggaling sayo ang salitang HINDI MO KO KAILANGAN.

Ewan ko ba kung bat kailangan ko pang ipagsiksikan yung sarili ko sa puso mo na alam kung wala naman akong space para sayo. Pero alam mo ba kung ano nalang iniisip ko?

Na kahit manlang sa pagkaconcern ko sayo maipadama ko kung gano kita kamahal. Kahit manlang sa paraang yan atleast nagawa kung maipadama yung pagmamahal ko sayo. Hindi ko naman pinilit yung sarili ko na mahalin mo ang sakin lang! Matuto kang ingatan yung sarili mo dahil hindi mo alam baka walang sasalo sayo. "

Hindi na rin niya napigilang sigawan si Brace dahil ngayon lang siya nakapaglabas ng saloobin niya rito.

" Gusto mong ingatan yung sarili ko?! Yan ba gusto mo hah! Aria! "

Bagkas sa puso ni Aria yung kaba pero pinilit niyang magpakatatag.

She nod between her tears.

" Yes.. " mahinang sagot nito

" Then leave.. "

Parang natigilan yung mundo niya na para bang hindi makapaniwala na nasabi talaga yun ni Brace.

" W-what? " Tanong ulit nito na hindi sigurado kung tama ba talaga ang narinig niya.

" I said Leave! Iwan mo na ako. Hindi sa ngayon kundi habangbuhay hanggang sa mawala na yung nararamdaman mo sakin. "

Lalong nasaktan si Aria sa mga binitiwang salita ni Brace. Tama nga ang sinabi nito. Sang ayon niya sa isip-isip niya.

' Siguro nga kailangan ko ngang lumayo para mawala rin tong nararamdaman ko. '

Imbis na magsalita ito ay ngumiti lang siya pero bakas parin sa mukha niya na nasasaktan ito.

" Then i can't take your wish without a promise. "

Kumunot yung noo ni Brace na halatang nagugulohan sa sinabi nito sakanya.

Hinalikan niya si Brace pero smack lang iyon saka na lumayo si Aria sakanya.

" That's my promise Brace. Pangako ko sayo na gagawin ko yung gusto mo. Maybe.. i can forget you. "

Yun na ang huling salita ni Aria saka niya iniwan si Brace na parang blangko.

" A-aria.. " yun lang nasabi ni Brace saka nawala si Aria sa paningin niya.

= Zyres pov =

Its been 8 months.

8 months na akong andito sa Japan and I'm thankful dahil nalinis ko na rin lahat ng gusot nang kompanya at nang Embalm ng maaga pa sa inakala ko.

Kailangan ko pa talagang mag attend ulit ng Auction commerce para sa panibagong armas na bibilhin ko.

Unti unti ko na rin nalalaman yung totoong detalye sa pangyayari.

On next week, I'm planning to go back in the Philippines para makipagkita agad kay Zeal para sa sinasabi nitong ebidensiya niya.

Kailan ko rin nalaman na kinuha talaga ni Evilly yung ibang pera ng kompanya at yung ibang armas pero hindi ko alam kung bat ginagawa niya to.

I'm just pretending like i don't know why is this happening para hindi pa magduda si Evilly at ang tanging makakatulong sakin ay si Zeal. But I'm not sure if he still my enemy or what.

Pag nalaman ko lang yung katotohanan mula sakanya sa pamamagitan ng ebedensiya niya. I'll change my plan.

Now, i admit. Nagugulohan pa ako sa mga nangyayari at hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, sapat na sakin ang may ebidensiya para linisin ko ang mga nangangamoy dumi sa paligid ko.

------------------

I'm A Total Slut. That's the story between Brace and Aria. Prologue palang ia-update ko. Dahil uunahin ko muna ang IBOTM... Still Vote And Comment Readers. :-) magsasabi lang ako sainyo kung kailan ko na sisimulang iupdate yung Story nina Brace at Aria.

HASHTAG COMMENT:

#DrakeVs.Brace

#InBehalfOfTheMafia

In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon