Chapter 59.2 ( The Day )

2.6K 64 1
                                    

Chapter 59.2  ( The Day )

( In Behalf Of The Mafia )

Sab_kitty

= Third Persons Pov =

" Ang laki pala talaga ng bahay ni Zyres. " manghang sabi ni Tyrah habang tinatanaw ang bahay.

Kakarating lang nila at nasa loob parin sila ng Van habang tanaw yung labas ng mansyon ni Zyres at kahit nasa labas palang sila ay makikita mo na kung gano kaganda ang loob at lalong mamamangha ka pag pumasok ka pa sa mansyon.

First time kasi nilang makapunta rito kaya hindi nila mapigilang mamangha.

" Teka lang guyz, tatawagan ko muna yung may birthday ngayon. " Phire at denial yung number ni Zyres

Nong una busy yung linya kaya inulit niya pa ito pero hindi naman sumagot at nong pangatlong tawag niya ay sinagot na ito ni Zyres pero napaismid si Phire dahil sa binungad ni Zyres sakanya.

" What!! "

Sanay na si Phire na ganito talaga yung pakikitungo ni Zyres kaya hindi siya nagreact.

" Happy birthday Zyres! Ikaw talaga! Wala dawng pa-party pero meron naman pala. Thanks sa invitation mo hah. " masayang sabi nito.

Mayron kasing nagpapadala sa bahay nila ng mga Invitation Card para sa kaarawan ni Zyres.

Ang buong akala nga nila'y walang magaganap na okasyon sa araw ni Zyres at balak sana nilang mag celebrate kasama si Zyres dun sa classic bar na pinuntahan nila non.

" Invitation? " tanong nito

' Gaga! Hindi niya alam kung ano ang invitation? ' sabi ni Phire sa isip nito

" Oo Zyres! Invitation means imbitasyon. Anong nangyari sayo at naging bobo ka na ata? "

" I didn't give an invitation. "

Phire rolled her eyes.

" Che! Sinasabi mo lang yan para hindi kami makapunta sa kaarawan mo! But sorry to disappoint you Zyres dahil nandito na kami sa harap ng mansyon mo kaya di mo na kami mapapauwi at infairness hah ang laki ng mansy--.. Ay binabaan ba naman ako! Tong babaeng to talaga di ko talaga maintindihan ang mood swing nito tara na nga pasok na tayo. " yaya niya sakanila

Mga nakangiti itong tumango at lumabas na ng Van pero nahinto sila nong magsalita si Aria.

" Your not going with us Amphere? " tanong nito kay Amphere na nakatulala lang sa loob ng Van.

" Huh? Ah.. mauna na lang kayo, susunod nalang ako. "

" Hindi ba parang ang delikado dito sa labas? " Brace

" Oo nga, baka may mantrip sayo. " nag-aalalang sabi ni Tyrah pero umiling lang ito at nagsalita.

" Ligtas ako, sisiguradohin ko sainyo, don't mind me baka hinihintay na kayo ni Zyres. "

" O sige basta sumunod ka hah. " Phire

Binigyan lang siya nito ng matipid na ngiti.

Naglakad na sila papunta sa loob dala yung invitation card at ipinakita ito sa nagbabantay ng entrance sa mansyon.

Tiningnan ni Amphere yung oras sa Cellphone niya at nagpakawala ng malalim na buntong hininga.

' 20 minutes nalang ' bulong niya sa isip-isip nito.

Nakapasok na rin sila sa loob at nagtataka sa mga nakikita nila sa paligid.

" Marami pa bang mas close na lalaki si Zyres kesa sa mga babae? Kunti lang yung nakikita kong babae eh. Pansin niyo rin ba? " Tyrah at binalingan sila ng tingin.

In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon