Chapter 52 ( Be Ready )
( In Behalf Of The Mafia )
Sab_kitty
A/N: I need atleast 200 votes and 10 comments in IBOTM guyz. Balato niyo nalang sakin hehe mabait naman kayo diba? Pakiss nga :-* haha
= Third Persons Pov =
" Bakit ako nakatali Zyres? Akala ko ba tutulongan lang nating itakas yung kasamahan natin. " sigaw ni Ezrah na gustong kumawala sa pagkakatali sakanya.
" I lied.. " malamig na sabi ni Zyres
" What?! " kunot noong tanong ni Ezrah
Kailangan niyang umakto na walang alam baka may posibilidad na pakawalan siya.
" Yung mga sinabi ko sayo. I lied.. Ito talaga yung plano ko. Ang isama ka dito. "
" What do you mean? " Nagugulohan na tanong ni Ezrah. Kahit galit siya kay Zyres dahil sa ginawang sugat nito sa braso ay kailangan niyang pigilin iyon at magpanggap na wala talaga siyang alam.
" About what? My plan? Yes, this is my plan. Ang hulihin ka dahil sigurado akong binabantayan mo kami. "
" Hindi kita maintindihan Zyres wala akong alam sa sinasabi mo and please.. pakawalan mo ko hindi tayo magkalaban. " mangiyak ngiyak na sabi ni Ezrah na pilit na kumawala.
" Stop pretending that you don't know everything Ezrah. Alam ko kung ano yung balak niyo sakin, ni Evilly at ng Embalm at alam ko na rin ang lahat. Kung sino TALAGA ang pumatay sa magulang at kapatid ko. " matigas na sabi ni Zyres
Tumungo lang si Ezrah at maya-maya'y bigla nalang tumawa ng pagkalakas-lakas saka niya inangat yung ulo niya at taimtim na tinitigan si Zyres sa mga mata nito.
Sawa na siyang magpanggap dahil kahit anong gawin ni Ezrah alam niyang mahirap papaniwalain si Zyres at inexpect niya na ang bagay na ito kaya mas mabuting lumaban nalang ito.
" Kung ganun, alam mo na pala. Its nice to hear that Zyres you know what? Dapat lang sakanila yun. Umaakto kasing malakas eh mahina naman pala-- agh!.. "
Binaril kasi ni Zyres yung bandang paanan niya kaya namimilipit ito sa sakit.
" Zyres! " pumasok si Rexville nang makarinig ito ng putok ng baril at pinigilan niya si Zyres dahil balak niya sanang barilin yung isa pang paanan ni Ezrah dahil nagagalit na si Zyres sa sinabi nito.
" Wag kang magpadala sa galit mo Zyres. Ginagalit ka lang niya. "
Hindi pinansin ni Zyres yung sinabi ni Khu at tinitigan niya ng taimtim si Ezrah.
" Pag narinig ko ulit yang katagang sinasabi mo sinisigurado kong hindi lang yan ang aabutin mo. " banta ni Zyres.
Nag smirk lang si Ezrah at dumapo yung tingin kay Rexville.
" Nandito pala yung traydor. Anong pinakain sayo ni Zyres at sumama ka sakanya-- "
" Hindi ako traydor Ezrah. Simula pa lang nong naging bahagi na ako ng Embalm hindi niyo na ako bahagi sa Mafia. Binabantayan ko lang si Zyres dahil yun ang sabi ni Zeal. "
" Oh common rexville hindi ko inaakalang magiging sunod-sunoran ka na pala. Naaawa ako sayo. "
Ngumiti lang si Khu na walang halong kaplastikan.
" Hindi ako nakakaawa Ezrah. I did those thing because Zeal is my friend. "
Lumapit si Zyres kay Ezrah at pahigit na hinawakan ang buhok nito.
" Alam mo kong sinong nakakaawa? Ikaw yun. Dahil bilang na nga yung araw mo sa impyerno pa yung bagsak mo. "
Imbis na magalit si Ezrah ay tinawanan lang niya si Zyres.
" Wala akong pakialam dahil hindi rin naman ako ang babagsak dun dahil sigurado akong dun rin ang bagsak mo. Pwe! " at dinuraan niya si Zyres sa damit nito.
Dahil na rin sa inis nito ay malakas niyang binitiwan ang buhok nito at sinampal nang malakas.
" Pasalamat ka may pipigil pa sakin baka di ko na alam kong anong gagawin ko sayo. "
Hinubad ni Zyres yung leather jacket niya tas pinuntahan niya naman yung limang kanina pa nakatingin sakanila.
" May itatanong ako sainyo.. Bat di niyo sinali si Kameto sa kasamahan niyo. "
Hinintay ni Zyres na sumagot ito pero nanaig yung tawa ni Ezrah kaya napunta sakanya yung tingin nito.
" Wala ka ba talagang alam o sadyang nagmamanhid manhiran ka lang hah Zyres? " sarcastic na sabi ni Ezrah na ikinangunot noo ni Zyres
" Shut the f*ck up bitch! "
" Why? Di ba gusto mong malaman? Alam mo kong bakit? Dahil si Kameto lang ang sisira sa plano nina Evilly. "
Nagugulohan si Zyres sa pinagsasabi ni Ezrah kung bat magiging disturbo lang si Kameto. Anak nila ito at hindi niya maintindihan kong bakit hindi nila ito isasama sa plano nila.
" Clueless? " may pang-aasar na sabi ni Ezrah pero hindi makapagsalita si Zyres at para bang hinihintay niyang magsalita ito.
" Naaawa ako sayo Zyres. Talaga bang wala kang alam noh? Hindi mo ba napapansin kong bat concern sayo si Kam? Kung bat lage siyang nakabuntot sayo non at kung bakit siya lang ang totoong pumapansin sayo? Because he like you Zyres. "
Nagulat si Zyres sa sinabi nito. Parang noon lang nalaman niyang may gusto sakanya si Zeal, sumunod si Drake tas si Brace naman at ngayon si Kameto?
Kung normal lang ang sitwasyon niya ngayon iisipin niyang ang ganda naman ata nito pero hindi. Wala siya sa katinuan para sabihin iyon.
Ang tanging pumasok sa isip nito ay kung bat nagustuhan siya ni Kam.
Habang sinasabi iyon ni Ezrah ay may bumubuo na rin sa utak niya sa katagang yun pero hindi siya makapaniwala na pati pala si Kameto ay may pagtingin pala sakanya.
" Gulat ka diba? Now, Zyres. I'm getting interested.. Papatayin mo ba siya dahil anak siya ni Evilly o hindi dahil hindi siya kasali sa plano nina Evilly na pagpatay sayo. " nakangiti pang sabi ni Ezrah pero binigyan lang ito ni Zyres ng matalim na tingin.
" Wala kang pakialam sa desisyon ko! "
" Yeah right pero sigurado akong iisipin mo yung sinabi ko. Come to think Zyres. Do you think maging successful yung balak mo? I'm sure hindi dahil ngayon palang sigurado akong alam nina Evilly kung anong nangyayari dito lalo na si Mr. Xylim alam mo kung bakit? Dahil bawat hininga mo binabantayan ka niya. If you know what i mean Zyres. "
Napahigpit si Zyres sa kamao niya at ngayon palang dapat seryosohin na niya yung gagawin niya.
Sigurado itong alam nga ni Mr. Xylim ang pinaggagawa nito pero dahil hindi ito madalas sa bahay at sa Embalm ay hindi niya alam kong anong tumatakbo sa utak nito at dapat iyong paghandaan ni Zyres.
----------------
HASHTAG COMMENTS:
#BeReady
#InBehalfOfTheMafia
Please VOTE and COMMENT Readers :-D
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]
AçãoIn behalf of The Mafia I'm evil? Probably! Because to kill is my job. Cuz I want to make their life more miserable. Like what they did to me before. I was just simply living on this earth but those memories keep playing back on my mind like I can't...