Chapter 32.2 ( The Whole Truth )

2.5K 81 1
                                    

Chapter 32.2   ( The Whole Truth )

( In Behalf Of The Mafia )

Sab_kitty

" Ligtas siya hangga't wala siyang nalalaman. "

Natigilan ako dahil sa sanabi niya

" Anong ibig mong sabihin? "

" Ligtas siya kung hindi niya alam yung totoo. Dahil pag patuloy siyang naniniwala kay Evilly hinding-hindi magagawang patayin ni Evilly si Zyres dahil alam ni Evilly na naniniwala pa rin ito sa kasinungalingan niya. Maraming beses na rin niyang binalakang patayin ako but she failed again. "

Buong akala pala ni Zyres na si Tito ( Tatay ni Zeal ) yung nagpapapatay sa magulang at kapatid niya.

" Bakit napagkamalan si tito na siyang pumatay sa magulang at kapatid niya? "

" Because of Evilly, she tell all her lies that make her believe it, 16 years ago. "

" Ikwento mo nga samin yung lahat nang nalalaman mo Zeal pati na rin yung nangyari nong lumipas na labing-anim na taon. "

Binigyan niya lang kami ng blangkong tingin pero sigurado akong gagawin niya yung sinabi ko.

" 16 years ago. Before the massacres happen. Maraming beses nang pinagbantaan nina Evilly yung buhay ng pamilya ng Xanth dahil gusto nilang patayin ang namumuno nang Xanth. Balak nila itong alisin sa listahan ng Sib Federation at pag nagawa nila iyon ay yung Zeus naman yung isusunod nila at gagamitin nila si Zyres para magawa yung plano nila. Nong araw nong pinatay si Mr. Krypton at Ayres.. "

Napansin ko yung pagbago ng boses niya na para bang nasasaktan siya. Hindi ko siya masisisi dahil yun din yung araw na pinatay yung mommy niya.

" They kidnap my mom at pinatay ito sa kamay nong tangnang Mr. Xylim na yan! Samantalang yun din naman ang nangyari sa Japan na gawa rin ni Evilly. Sinundan nila ito sa Japan para gawin yung plano nila. "

Tiim bagang siyang nakatingin sa basong nasa mesa na may lamang alak.

" Anong kinalaman ng Zeus bat napagkamalan kayo ni Zyres na kalaban? "

Tiningnan niya si Jive pero wala parin itong ekspresyon.

" Nong pinatay si Mrs. Krypton dumating si Evilly para ipakitang niligtas siya nito at may nagpanggap na kasamahan namin para ipakita ni Evilly ang ebidensiyang kasama namin ito and all lies after. "

Kung ganon set up lang pala nila iyon?

Hindi ko rin masisisi si Zyres kung bat naniwala ito dahil bata pa lang siya at basta-basta nalang maniniwala lalo na't may ebidensiya kahit peke lang pala.

Kung ganun, lahat nang nangyari nakaayon sa plano.

" Pero bat nasali si Tita? "

Hindi ko na rin napigilang itanong.

" Ginawa nilang pain yung Mommy ko para paniwalaan ni Zyres na pinatay ni Dad si Mom at doble na rin yun sakanila para mapatay yung isa sa namumuno ng Zeus. "

Hindi ko maisip na ganun pala ka demonyo yung Embalm na yun. Inaamin ko. Masusing pagpalano talaga yung pagkakaplano nila.

" Kailan mo pa nalaman ang lahat ng to Zeal? "

" Dahil sa ex-member ng Embalm na lumapit sakin at humingi ng tulong samin. Sasabihin niya yung totoo kapalit ng kaligtasan nang pamilya niya. That was. 11 years ago. "

Nagulat ako sa sinabi niya. Oo alam kung alam na niya kung sino yung pumatay ng Mommy niya nong Sampung Taon palang yung nakalipas pero hindi ko naman alam na pwera sa sinabi niya may iba pa palang nangyari.

" Nasan na sila? "

" Nasa hacienda namin. Dun na muna nanunuloyan at kakalipat lang nila dahil nasundan sila ni Zyres at plano niyang patayin yung pamilya niya at pati na rin siya. "

" Ano?! Gagawin talaga ni Zyres yun! " gulat na sabi ni Jive

" Pati yung pamilya non? " - ganun na rin si Vim.

Tumango ito bilang sagot.

" She didn't care anymore. Pamilya yung nawala sakanya kaya yun rin ang gusto niyang mangyari sakanila. "

Hindi ko rin mapigilang kabahan kay Zyres. Pano niya magagawa yung bagay na yun?

Oo, alam ko kung gano kapait yung nangyari sa buhay niya pero hindi naman tamang damayan rin nito ang pamilya nito.

Mahabang oras yung nanaig na katahimikan samin hanggang sa nagsalita si Ortig.

" Ano nang gagawin na tin Zeal? Hindi natin alam kung kailan babalik si Zyres-- "

" Babalik siya at the end of this month. "

Nagulat ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman?

" Even though I'm here I always monitoring her from Japan. "

" Ibig sabihin babalik siya dito? "

" May alam ka ba Zeal kung bat siya babalik dito? "

" Bago siya pumunta sa Japan may sinabi ako sakanya na alam kung ikakagulo ng isip niya.

I was expecting this month or next year but my thought is right. Sa tingin ko kaya siya babalik agad sa pilipnas para makipagkita sakin para itanong sakin yung ebidensiya na tinutukoy ko na sinabi ko nong araw bago siya pumunta sa japan. "

Ibig sabihin maaaring iniisip na rin niya na masama talaga si Evilly?

" Pagkabalik niya Zeal. Sasabihin mo na ba sakanya yung totoo? "

" Why not? Yun ang dahilan niya kung bat siya bumalik agad dito and i want to help her. "

Nagpantig yung teynga ko sa sinabi niya.

Hindi ko siya hahayaang tumulong na siya lang mag-isa. Dapat kasama rin ako.

" Tutulong din ako. "

" Kaya niyo na yang dalawa. " - Jive

" G*go! " yun nalang nasabi ko.

" Butress.. kahit ganun na kasama si Zyres mahal mo pa rin ba? " seryosong sabi ni Ortig kaya sumeryoso din ako.

" Hindi siya masama Vim. Naging ganyan lang siya dahil sa nangyari sakanya at kahit ganun yung trato niya satin, siya parin yung babaeng minahal ko.. dati pa. "

" Ganyan nga pare! "

" Galing mo bro. "

" Tsk! "

Narinig ko ang malakas na pagkasirado ng pinto sa kwarto ni Zeal.

Problema nang gagong yun.

---------------------

HASHTAG COMMENT:

#TheWholeTruth2

#InBehalfOfTheMafia

Pls. Vote and Comment Readers :-D

In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon