Chapter 56 ( Tolerate )

2.5K 72 2
                                    

Chapter 56  ( Tolerate )

( In Behalf Of The Mafia )

Sab_kitty

= Third Persons Pov =

Nakarating na sa condo sina Zyres at Ayres. Nang makapasok na yung dalawa ay masinsinang tiningnan ni Zyres yung kabuuan ng condo.

Nong una pa siyang makapunta rito hindi niya naabalang pansinin pa yung paligid dahil iniisip niya si Pike dahil sa balak ni Evilly.

Hindi niya maiwasang mamangha sa mga nakikita niya lalo na sa mga furnitures at kulay nito.

Light Brown ang white ito at hindi masakit sa mata. May palamuti rin pero hindi naman sobra, para bang formal lang pero nakakaattract na.

Napunta yung tingin ni Zyres sa mga Frame na ngayon lang niya nakita yung mga larawan. Nong huli kasi siyang magpunta rito nakataob iyon kaya ngayon lang niya ito nakita.

Lumapit siya sa mga frame para tingnan ito at nagulat ng makita niya ang larawan nila nong bata pa sila at stolen shot ni Zyres pero ang ganda nang pagkakakuha.

Dinampot niya yung isa sa mga stolen shot na litrato niya na nasa frame at nakangiting tinitigan iyon.

" Hindi lang yan ang stolen shot mo actually marami pa sa album. Alam mo kasi, may pinapautos si Kuya na palihim kang kuhanan ng shot sa tuwing may conference or achievements ka na binabalita kaya hindi ka magtataka na may kumukuha pala nang litrato sayo ng palihim. "

" Tsk! Ang dami niyong pakulo ni Kuya. "

" Eh kasi naman eh, ka miss ka kaya, ikaw na nga lang yung kulang eh kaya nga ang saya ko nong niyaya mo si Kuya na maging co-partner ng kompanya niyo dahil palage na kitang makikita. "

" Hindi ko talaga maisip na kapatid pala natin siya kita mo naman kung ganu niya ako tinutukan ng baril non. "

Tumawa lang si Ayres. " Ewan ko diyan kay Kuya minsan kasi sinasaltik sa utak. "

' Pssh.. Mukha nga. ' bulong ni Zyres sa isip niya

" Pero alam mo. Paiba-iba yan ng ugali eh, para bang sinaniban ng kung anu-anong espiritu. Minsan ang seryoso, minsan naman nagiging baliw, minsan naman parang nai-LBM na para bang di mapakali. Alam mo yun. "

Natawa naman si Zyres dahil sa sinabi ng kambal niya. Habang sinasabi yun ni Ayres ay ini-imagine niya yung nakakatandang kapatid nila. Hindi kasi niya alam kung anong ugali meron si Pike dahil hindi pa niya ito nakakasama sa buong buhay niya.

Dumapo yung mata ni Zyres sa wristwatch niya na kagaya rin kay Ayres.

" Totoo bang bigay nga niya to? " tinutukoy ni Zyres yung wristwatch na suot niya and Ayres smiled.

" Yup.. Sa totoo lang, advance gift niya to dahil malapit na yung birthday natin " masayang sabi nito

Gustong ngumiti ni Zyres pero naaalala niya yung balak nina Evilly. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya sa araw ng kaarawan nila.

Kahit may bumabagabag sa isip ni Zyres ay nagawa pa rin nitong ngumiti kahit pilit lang.

" Ay oo nga pala.. teka muna kukuha lang ako ng juice. " Tumango naman si Zyres kaya tumungo na si Ayres papuntang kusina.

Mga tatlong minuto na yung lumipas nong bumalik na siya mula sa kusina na may dalang tray. Napangiti naman si Zyres sa nakita niya.

" Hanggang ngayon hindi ka parin nagsasawa diyan sa  brown beans? "

In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon