Chapter 10 ( Who's Zyres? )

3.3K 109 2
                                    

Chapter 10 ( Who's Zyres? )

( In Behalf Of The Mafia )

Sab_kitty

= Jive's Pov =

" Let's get out of here then stay at the car. Don't dare to go outside. Just... Observe.. "

Yun lang sinabi ni zeal at nagmamadaling naglakad papaunta sa kasulok sulokan sa loob ng resto.

Sa totoo lang naguguluhan ako sa nangyayari. Nawe-weirdohan ako kay zyres kanina. Kulang nalang ata makapatay na siya ng tao.

Lalapitan na nga sana ni drake pero pinigilan siya ni zeal tas ngayon kay zeal na naman ako nawe-weirdohan. Ano bang meron sa dalawang yun?

Naguguluhan man kami pero sinunod namin yung sinabi ni zeal. Ewan ko ba pero sa tingin ko mayrong mangyayari.

Agad kaming pumasok sa kotse at nakaabang lang sa mga taong naglalakad. Hindi naman masiyadong matao dito. Tago rin kasi yung parte na to kaya wala nang masiyadong dumaraan dito.

Mga limang minuto na siguro ang lumipas at nababago't na kami sa loob.

" Wala pa ba si zeal? Ang tagal naman non. Naboboringan na ako dito! " bagot na sabi ko

" Hindi naman siya nagtext na umalis nalang tayo. " - drake

" Diba sabi niya magmatyag lang tayo. " - ortig

" Eh ano bang o-obserbahan natin? Wala namang-- "

Natigilan ako ng makita ko si zyres.

" T-teka.. Si zyres yan diba? Kala ko ba umalis na siya? " nagtatakang sabi ko

Tiningnan din nila yung lugar na tiningnan ko at pati rin sila nagulat.

Hindi niya kami makikita dahil tinted yung kotse. Hindi niya makikita yung nasa loob ng kotse pero kami kitang kita siya.

" Wait.. Lalapitan ko muna siya. "

Lalabas na sana sa kotse si drake pero pinigilan ni ortig.

" Wag! Diba sabi ni zeal. Dito lang tayo? Walang lalabas! " pigil ni ortig

" Ano bang masama dun? Lalapitan ko lang naman siya " drake na kunot noong tiningnan si ortig.

" Mukhang tama si vim , drake. Di kaya ito yung tinutukoy ni zeal na obserbahan natin? Tingnan mo si zyres. Mukhang malayo sa zyres na nakita natin kanina. "

Tiningnan naman nila ito. Yung mukha niya kasi parang nakakatakot. Mas malala pa yung nakita namin ngayun kesa kanina.

Ngayon palang parang nawe-weirdohan na ako sakanya. Para talagang may kakaiba sakanya.

" Parang hindi siya si zyres na nakilala ko. Mukhang nakakatakot pa nga siya sa inakala ko. "

Tama si ortig.

Tiningnan lang namin siya pero ang ikinagulat naming tatlo ay naglabas siya ng baril sa bulsa niya.

" Sh*t! Pano siya nagkaron nang baril?! " drake

" Di kaya watergun lang yan? " sabi ko na sana di ko nalang ginawa

Nakatanggap kasi ako ng batok sa dalawa. Pssh! Alam ko naman na totoong baril yung hawak niya, sinabi ko lang yun para pampawala ng tension na namumuo dito sa loob.

T*kte! Kinakabahan tuloy ako sa mangyayari.

Hindi parin nawawala yung tension mula kanina pa. May tinutukan siyang baril pero di ko alam kung sino target niya.

" Sino ba target niya? " tanong ko

" I think. Cctv Cam yung babarilin niya. " Drake

" Bat yun pa? Hindi naman siya ginugulo ng Cctv Cam ah! Kawawa tuloy nadamay pa. *Aray!* "

In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon