Chapter 49 ( Jive's Line )
( In Behalf Of The Mafia )
Sab_kitty
= Zyres Pov =
" Zyres! Sa susunod na linggo na yung kaarawan mo may pa-party ba? "
Napataas naman ako ng kilay sa sinabi ni Phire.
Ang bilis ng panahon hindi ko man lang namamalayan na malapit na pala yung kaarawan ko. Ang araw na ayokong mangyari.
Yung balak nina Evilly.. Ayokong mangyari yung balak nila.
" No.. " yun lang naisagot ko dahil iniisip ko pa rin kung anong gagawin ko.
" Ano?! Ang yaman mo tas wala man lang pa-party diyan! Kaarawan mo yun hello!? Kung wala naman pala edi mag inuman nalang tayo sa bar gaya nong nakaraang araw "
" No.. "
" Wala ka ba talagang balak sa birthday mo? "
" No.. "
" Edi anong gagawin mo. "
" No.. "
" HELLO TO EARTH ZYRES! KUMAKAWAY KA BA! Bat panay NO ka nang NO diyan! Wag mo kong maano diyan hah! "
Nabalik ako sa sense ko dahil sa pagsigaw niya. Kahit sa tawag ang lakas parin ng boses niya.
" Huh? " hindi nakinig sakanya ng mabuti kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
" Sabi ko na nga ba wala ka sa sarili mo eh. Ano bang iniisip mo?! "
" U-uhm.. n-nothing.. may ginagawa lang ako. " pagsisinungaling ko
" *sigh* Mukhang busy ka nga diyan oh siya! Tawagan nalang kita pag hindi ka na busy okay? "
" Ah.. y-yes.. " at binaba ko na yung tawag.
Tiningnan ko yung folder na nay listahan sa mga kasamahan ni Evilly.
Nandito lahat ng pamilyang Xylim pero bat wala si Kameto?
Posible rin namang kasali siya sa binabalak nina Evilly sakin dahil anak siya nito.
Di kaya nakalimutan lang nila itong isali sa listahan?
Pero kung hindi talaga siya kasali, Bakit?
Ano bang dahilan?
Agad kong kinuha yung folder. Pupunta ako sa limang dinakip namin. I want to clarify this thing.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Ezrah na papalapit sakin at agad ko namang tiningnan yung folder na hawak ko.
I smirk.
" Ma'am " tawag niya sakin.
Huminto ako at humarap sakanya.
" San ka pupunta ma'am? "
Hindi ako sumagot sa tanong niya at nagsalita.
" Follow me.. Your included.. *smirk* "
" Huh? " nagugulohan nitong tanong
" I said follow me, may pupuntahan tayo. Wala kasi yung lima kaya ikaw nalang sumama sakin. "
" O-okay.. " clueless parin niyang sagot at wala parin siyang kaalam-alam.
Alam kong malaki ang papel ni Ezrah ng Embalm kaya hindi ko hahayaang siya pa ang makakasira sa plano ko.
Nasa kotse na kami at sinimulan ko nang magmaneho.
= Rexville Pov =
Nasa Zeus Headquarter ako kasama yung tatlo, wala kasi dito si Zeal ewan ko ba sa taong yun palagi nalang wala.
Binabantayan kasi namin yung limang bugok na to dahil pag hinayaan namin ang mga yun mananagot talaga kami sa dalawang yun lalo na si Zyres.
" Anong feeling ang mabusted Drake? " Jive
Kita mo tong gagong to nangangasar pa, kita mong nasasaktan na yung tao.
Kaya nga nag iinuman kami para makalimot man lang ang isang kasamahan namin na napagbagsakan ng araw kung bakit ba naman kasi sa dinarami raming babaeng magugustuhan niya yun pang wala talagang pag-asa sakanya kaya ayon! Naglasing. Hindi muna ako masiyadong uminom dahil kung pareho kaming lahat na lasing lagot na.
" G*go! Gusto mo bang masuntok! " may kunting tama na rin si Drake dahil sa boses nito.
" Ohw.. masakit parin pala Buttress! " isa pa tong si Vim. Pareho ba naman kasing mga bobo mag-isip.
" Kayo kaya dito sa kalagayan ko sa tingin niyo sasaya kayo! " bulyaw ni Drake at nagkatinginan naman yung dalawa.
" Masakit nga. " sabay na sabi ng dalawa at nag apiran pa yung mga g*go.
Napailing nalang ako sa dalawang to.
" Galit ka pa rin ba kay Zeal? " tanong ko
Mukhang ilang araw na kasing hindi nagpapansinan yung dalawa simula nong malaman ni Drake na gusto rin pala ni Zeal si Zyres.
" Ano bang magagawa ko talo ako sakanya! Mas mabuting hayaan ko nalang sila. "
" Weeh! Kala ko ba hindi mo pakakawalan? " singit pa ni Vim
" Napasakin ba siya?! " tuloy ni Drake na sinabayan lang ng sagot ng dalawa.
" Hindi "
" That's the point. Anong silbi ng paglaban ko sakanya kung si Zeal naman pala yung gusto niya. "
" Tama ka pre. " Sang ayon ko at tinungga ang pangatlo ko pang baso. Naka sampu na kasi si Drake samantalang nakalima si Vim at pito naman si Jive.
" Ouch.. " sabay na namang sabi nong dalawa at umarteng nasasaktan ang mga g*go may pahawak pa sa puso.
" Gusto niyo bang basagin ko tong baso sa mukha niyo? " pagbabanta ni Drake at nakahawak na siya ng baso pero nagulat nalang kami ng biglang tumayo si Jive.
" Basag? Drake! Basag na nga yang puso mo! Ibabasag mo pa yang baso sa mukha ko! "
Anong namang nakain nang g*gong to?
" Galing non pre ah! San mo nakuha yung hugot mo. Haha " tawa pa rin ni Vim
Akala ko naman may pinagdaanan yung g*go! Tiningnan ko si Drake na sumandal lang sa upuan at pumikit.
Haha kilala ko tong taong to, alam kung naiinis na siya sa dalawang to.
Kung ako yung nasa kinalulugaran niya baka basag na yung mga mukha ng gagong to.
-------
HASHTAG COMMENTS:
#JivesLine
#InBehalfOfTheMafia
Please Vote And Comment Readers :-D
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]
AcciónIn behalf of The Mafia I'm evil? Probably! Because to kill is my job. Cuz I want to make their life more miserable. Like what they did to me before. I was just simply living on this earth but those memories keep playing back on my mind like I can't...