Chapter 54 ( Brother )
( In Behalf Of The Mafia )
Sab_kitty
= Zyres Pov =
" K-kanina pa kayo diyan.. "
" Wag mong ibahin yung usapan Ayren.. Anong ibig sabihin ng sinabi mo kanina. " napalakas na yung boses ko.
Napatungo ito at ilang minuto ang lumipas nang marinig ko ang hikbi niya at dun ko napagtantong umiiyak na pala siya.
Dumapo yung tingin ko kay Pike pero blangko lang yung tingin nito. Inangat niya yung mukha niya at umiiyak parin.
" T-tama yung narinig mo Zyres.. Ako nga to.. yung kapatid mo, yung kambal mong si Ayres. "
Ibig sabihin buhay nga si Ayres at siya yun, si Ayren. Iisa lang sila.
" Kaya naiba yung mukha ko kasi hindi na daw maibabalik sa dati iyon dahil sa malaking pinsala na nangyari sa mukha ko at binago iyon. Si Kuya Pike.. Totoo natin siyang kapatid Zyres. Siya ang nakakatandang kapatid natin dahil nong bata pa lang tayo hindi siya pinakilalang anak nina Daddy at Mommy dahil siguradong may maghahanap sakanya lalo na, na isa siyang lalaki. Iisipin nilang si Kuya na ang magiging bagong mamumuno ng Xanth kaya delikado ang buhay niya pero hindi parin nawala yung koneksyon nila at namuhay siya ng mag isa.. "
Napakunot noo ako sa sinabi niya. Kapatid namin si Pike?
" Nong araw nong mangyari yung pagsabog, nawalan na ako ng malay non at nasunog yung mukha ko, dumating non si Kuya para iligtas kami at oo naligtas nga niya ako pero hindi si Daddy. His truly dead Zyres at ako lang yung nabuhay. Kaya hindi ako nagpapakita sayo dahil hindi pa yun yung tamang panahon. Dahil ayokong may makakaalam lalo na si evilly na buhay pa ako dahil sigurado akong manganganib yung buhay mo. Kahit nasa malayo ka tinatanaw lang kita hanggang sa nagkalakas loob akong magpakilala sayo bilang Ayren at sa paraang yun naging masaya na ako dahil lalo ulit akong napalapit sayo. "
Umiiyak na ako. Hindi ko alam kong anong ire-react ko. May halong tuwa, lungkot, pagkamiss at galit. Galit sa nangyari sakanila ni Daddy.
" Z-zyres.. "
Napapikit ako nong marinig ko yung boses na yan. Alalang-alala ko pa yan. Yung araw na nasa auction commerce ako at narinig kong may tumawag sakin non. Ibig sabihin siya yun?
" Yung nangyaring Auction 2 Years Ago. Ikaw yung tumawag sakin diba? "
Tumungo siya.
" Oo.. lalapitan sana kita pero pinigilan ako ni Kuya. Balak ko kasing magpakilala na sayo non pero hindi pa raw pwede. Dahil nagalit siya sakin, pinauwi nalang niya ako baka daw kasi ano pang magawa ko. "
Kaya pala pakiramdam ko parang kilala ko na siya at yung mata nila ngayon ko lang narealize. Namana nila yun kay mama.
Kaya pala gusto niya akong makasama dahil gusto niya bumawi sa mg taon na hindi kami nagkasama. Bat hindi ko napansin yun?
Oo nga naman. Hindi ko naman kasi alam na siya pala yung kapatid ko na inakala kung wala na.
Kung di pa sana kami nagpunta dito hindi ko malalaman yung totoo at wala talaga silang balak aminin sakin.
Siguro nga dapat magpasalamat ako dahil sa nangyari sa araw na to dahil nakita ko na sila.
Sa maraming taon na pinaniniwalaan kong wala na yung kapatid ko yun pala buhay pa.
Dahil sa saya napayakap ako kay Ayres. I miss her so much. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na buhay pa nga talaga siya.
" I miss you Ayres. "
" I miss you too Zyres.. You've grown well at balak mo nga talagang sundan yung yapak ng magulang natin. Kayo ni Kuya. " nakangiting sabi niya
Kumalas siya sa yakap namin at pareho kaming napatingin kay Pike.
" Pik-- K-kuya.. "
Ngumiti siya kaya niyakap ko siya. Nawala nga yung magulang namin pero hindi ko akalain na may isa pa palang bahagi sa pamilya namin.
Naramdaman kong niyakap niya ako pabalik. Kaya pala parang ang gaan-gaan ng loob ko sakanya at di ko magawang magalit sakanya. Naalala ko yung batang nasa picture na ipinahanap sakin ni Evilly.
Wala akong ideya na siya pala yung kapatid ko kaya ba gusto niyang ipapatay si Kuya dahil alam niyang kapatid ko siya?
" Alam mo bang pinapahanap ka ni Evilly sakin para patayin ka. " sabi ko sakanya pero wala siyang ekspresyon sa mukha niya.
" I know. "
Alam rin pala niya?
Ano bang hindi ko pa alam?
Bat pakiramdam ko nabubuhay ako sa mundong to na walang kaalam-alam sa buhay ko.
" She's so desperate to get our parents treasure kaya gusto niya akong ipapatay sayo dahil alam nilang hindi ako lalaban because your my sister at hindi mo alam na kapatid mo ko kaya hindi ka mag-aalinlangang patayin ako at pag nagawa mo na yun ikaw naman ang isusunod pag nakuha na nila yung gusto nila. "
Ngayon maliwanag na sakin yung lahat. Ganun pala yung balak nina Evilly.
Mabuti nga talagang hindi ko sinunod yung sinabi niya dahil sa oras na ginawa ko yun malalaman ko nalang na ako mismo ang pumatay sa kapatid ko.
" Bat nong una tayong nagkita,para namang hindi mo ko kapatid? "
" Nothing.. Trip ko lang. Im just testing you. Akala ko nga lalaban ka. " He tap my head.
I'm happy because now, magkakasama na kaming magkakapatid.
" Pike.. "
Napatingin kami sa tumawag ni Kuya.
" Yes? "
And it was Zeal.
" Can we talk. "
Tumango lang si Kuya at tumingin sakin saka niya binigay sakin ang susi.
" Iuwi mo siya sa condo ko Zyres, dun nalang tayo magkikita kita okay? " Tumango naman ako.
Sabay na silang naglalakad patungo sa lugar na hindi ko alam.
Naalala ko na naman yung panaginip ko.
Gusto pa rin kaya ni Ayres si Zeal?
Bat pakiramdam ko, Oo yung sagot?
Sa nakikita ko palang kanina alam kong may pagtingin pa yung kapatid ko kay Zeal.
--------
HASHTAG COMMENT:
#Brother
#InBehalfOfTheMafia
Please Vote And Comment Readers :-D
BINABASA MO ANG
In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]
AcciónIn behalf of The Mafia I'm evil? Probably! Because to kill is my job. Cuz I want to make their life more miserable. Like what they did to me before. I was just simply living on this earth but those memories keep playing back on my mind like I can't...