Chapter 59.1 ( The Day )

2.5K 57 1
                                    

Chapter 59.1  ( The Day )

( In Behalf Of The Mafia )

Sab_kitty

= Third Persons Pov =

Ngayon na ang kaarawan ni Zyres at busy silang lahat sa paghahanda sa gaganaping party mamaya pero si Zyres tulala lang sa kwarto niya.

' How could i kill hundreds of people in just one hour? ' sabi nito sa isip niya

Hindi na kasi niya inaasahang pupunta si Zeal ngayon dahil tinapos na nila yung koneksyon sa isat-isa at hindi naman makapal yung mukha niya para humingi ng tulong sa kaibigan ni Zeal.

Bigla na lang tumunog yung cellphone ni Zyres kaya tiningnan niya kung sino ang tumatawag nakita niyang si Rexville pala yun kaya sinagot niya ito.

" Zyres.. Happy birthday. " masayang bungad ni Rexville sa tawag.

" I can't say that I'm happy in my birthday Rexville and you know the reason. Why did you call? " tanong ni Zyres

" Sorry.. Oo nga pala. Gusto ko lang itanong kung anong gagawin natin sa anim na yun? "

Napasapo si Zyres sa noo niya dahil nakalimutan niyang may pinahuli pala siya pero ano pa bang magagawa niya. Papatayin rin lang naman niya iyon.

" Kill them. " blangkong sabi ni Zyres

Natahimik naman yung nasa kabilang linya at maya-mayay nagsalita si Rexville.

" Sigurado ka ba sa desisyon mo Zyres? " seryosong sabi nito

" Yes.. " walang pag-aalinlangang sabi niya

" If that's what you want I'll do it. "

" Thanks Rexville.. for being there for me. " sabi ni Zyres. Nagdesisyon siya na iiwasan na muna niya yung kaibigan ni Zeal dahil lalo lang siyang mahihirapan kung hihingi siya ng tulong sa mga ito dahil siguradong ipagsasabi nila iyon kay Zeal.

" Wait.. " pigil ni Rexville dahil nawe-weirdohan siya sa pinagsasabi ni Zyres. " Why are you saying that? "

" Nothing.. Gusto ko lang magpasalamat sayo. "

" Bat pakiramdam ko may ibang ibig sabihin yang sinasabi mo? "

She rolled her eyes. Sabi na nga ba niya't magdududa ito.

" Sakin walang ibig sabihin. Yun lang ba itinawag mo? Ibababa ko na to. "

" Teka! Zyres ano na yung gagawin mo sa araw nato? "

" Wag mo nang isipin yan, kaya ko to mag isa. "

' Kaya ko nga ba? ' sabi ng isip nito

" Okay I'll hung up now. "

Narinig niyang nagsalita pa ito sa kabilang linya pero binabaan na niya ito. May kumatok naman sa kwarto niya.

" Come in. "

Bumukas yung pinto at pumasok yung isa sa mga katulong nila.

" Ma'am gusto po kayong makausap ni Ma'am evilly sa kwarto niya. "

Tinangohan naman ito ni Zyres saka tumayo na at maglalakad na sana nang may mahulog na bagay mula sa kama niya.

Tiningnan niya yung bagay na nahulog at napag-alaman niyang isa pala yong anti-toxi dust na binigay ni Zeal sakanya.

' Kailangan ko nga pala to. '

Nilagay niya yung Anti-toxi dust sa bulsa niya at nagtungo na sa kwarto ni Evilly.

In Behalf Of The Mafia [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon