Chapter 19

27 0 0
                                    

Chapter 19

"Teka, san galing tong kotse?" Taka kong tanong dahil pagkalabas namin sa restaurant may nakaabang kotse sa labas at pinindot ang unlock button sa remote key nito.

He sighed "just get in" di na ako umimik. I forgot, he is a CEO. Anak mayaman, so what do I expect?

Pinaharurot niya ang kotse at di ko talaga alam kung san kami pupunta. Napapansin ko, pag masaya tong si Mon lagi niya nalang akong niyayayang magcelebrate. Habang nagddrive, nakangiting aso siya na nakatitig sa daanan.

"San po ba tayo pupunta sir?" Tanong ko.

"Nah, don't call me sir Celine. Tapos na ang trabaho natin this day" he said. Lumiko kami sa bandang kanan.

May nakita ako sa sign board na 'Welcome to Punta Baluarte' wooah. Ano naman ang gagawin namin dito?

"It's one of the best lake in Surigao. May kilala rin ako dito" aniya.

Tumango na lang ako. I checked my phone at napansin kong walang signal dito kaya ibinalik ko nalang to sa bag. Mamaya ko nalang titext si Franc. Di pa naman niya alam na nasa Surigao ako.

Huminto kami sa isang magandang bahay na gawa sa kahoy. Biglang may lumabas na lalaki na may dala-dalang balde.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang paglabas ni Mon sa kotse. Ako, andito parin sa loob at naguguluhan sa plano ni Mon dito ngayon.

"Kuya?! Kuya!" Biglang lumapit yung lalaking may dalang balde at nakipag bro hug kay Mon.

"Kumusta ka na macmac?" Tanong ni Mon sa binata.

"Okay lang ho kuya. Buti po at napabisita ho ulit kayo! Nako, akala ko ho nakalimutan niyo na kami" ngiting sabi ng binata

"Pwede ba yun? Ah sandali, may kasama pala ako" lumapit si Mon sa kotse at binuksan ang pintuan ko. Tumingin ako sa kanya at sinabi niyang bumaba na ako. Agad naman akong sumunod.

"Aba! Kuya, mukhang bumata at lumiit ata si Ate Celestine?" Tama ba yung narinig ko? Pano niya kilala ang ate ko? Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I heard Mon laughed then look at me.

"It's not your Ate Celestine, I know they have some resemblance. But this is Celine, her little sister" sabi ni Mon.

"Ah kaya palaaa" napatango naman ang binata

"Macmac! Sinong dumating bakit wala-" napatigil sa pagsasalita ang matandang babae pagkakita niya samin. "Gabrielle!?"

"Nanay Pasing!" Biglang sigaw ni Mon sa matanda na lumabas sa dalawang palapag na kubong bahay.

Kinarga at niyakap ito ni Mon. Tumawa tawa naman yung nag ngangalang macmac. Bigla naman may lumabas na matandang lalaki at sinabayan ng dalawang bata na lalaki at babae, meron ding dalagitang lumabas. Sabay sabay nila tinawag ang pangalan ni Mon at niyakap ito.

"Kuya! Buti at bumisita ka dito!" Sabi nung batang babae na yakap yakap ang binti ni Mon.

"Syempre namimiss ko na kayo" sagot naman ni Mon sa kanya.

"Sino siya kuya?" Tumingin sakin ang batang lalaki ng nagtataka.

"Ah, nay, tay, ito nga pala si Celine kapatid ni Celestine" kinuha ni Mon ang aking kamay at pinalapit sa dalawang matanda "Celine, ito si Tatay Kaloy at Nanay Pasing. Ito naman ang mga anak nila, si Macmac, Cheche, Tetet, at Boiboi" pagpapakilala sakin ni Mon.

"Magandang tanghali po" bati ko.

"Magandang tanghali din iha. Naku, pasok kayo at parang uulan. Masama ang panahon ngayon dito" tumango kami at pumasok sa loob ng bahay kubo nila

The ForeplayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon