MIRABELLA CRUZ
Mabilis ang aking paghinga at mahigpit kong niyakap si Donat. Mahimbing ang tulog nito. Naalala ko bumisita nga pala si Astrah dito noon at alam niya na buntis ako.
She threw a lot of accusations kahit na hindi pa niya naririnig ang paliwanag ko. Dapat hindi na ako nakakaramdam ng kaba o takot dahil lang sa nakita ni Alesteir ang anak ko.
Mataas ang pride ni Alesteir. Hinding-hindi niya ibaba ang sarili at hindi siya magmamakaawa sa akin kahit na malaman niya na anak niya si Donat.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at alam ko na si Krome iyon.
"Krome, sasama ka ba na mag-grocery sa amin?" Sigaw ko dahil nasa kwarto kami ni Donat at binibihisan ko ito.
"Hindi na, ate. Mag-re-review ako, may quiz kami bukas," papalapit ang boses niya at tingin ko ay papasok na ito sa kanyang kwarto.
Humalik sa pisngi ko si Donat at tumalon ito pababa ng kama. Alam kong pupuntahan niya si Krome dahil hindi umuuwi si Krome ng walang pasalubong sa kanya.
"Kuya! Binili mo ako ng lollipop?"
"Binili kita ng lato-lato!"
"Yehey! Lato-lato!"
Napailing nalang ako habang naririnig ang usapan sa pagitan nila. Lumabas ako ng aming silid at nasilip ko na sinusuotan ni Krome ng sapatos si Donat.
"Huwag ka masyadong makulit para hindi mainis sa iyo si ate. Huwag ka rin takbo ng takbo kung saan kasi baka kuhanin ka ng malaking tao."
"Opo, kuya. Doon lang ako sa gilid— nag-la-lato."
"Maling desisyon ata na ibili kita niyan. Mukhang sasakalin ako ni ate sa mga susunod na araw."
Napabuntong-hininga nalang ako. Dahil sigurado ako na mag-aaway kami ni Donat dahil sa ingay ng bagong laruan nito.
Pumunta ako sa living room habang inaayos ang bag ko. "Krome, may ipapabili ka ba?"
"Kape, ate."
"Ano ba iyan? Malapit ka ng maging kape na may konting tao."
"Hindi naman, ate. Exam ko bukas. Hindi ako pwedeng maalis sa pagiging Valedictorian, ate."
Umalis na kami ni Donat. Hindi niya mabitiwan ang bago niyang laruan at alam kong nabubwisit na rin ang mga tao sa jeep kaya humihingi nalang ako ng dispensa sa kanila.
Bumaba na kami at naglakad papunta ng grocery store.
"Mama! Mik-mik!"
"Nagtitipid tayo saka sasakit lang ang ngipin mo diyan."
"Mama, itlog butiki."
"Bakit ko ba sinama itong anak ko?" Napahawak na lamang ako sa aking noo dahil sa kakulitan niya. "Donat, baby, mga kailangan lang natin ang bibilhin natin. Wala pang sahod si mama."
Ngumuso ito at ibinalik ang plastik shelf. Nangungulit ito dahil kinumpiska ng guard ang laruan niya. Malamang ay rinding-rindi na rin ang mga ito sa ingay niyon.
"Gusto ko turon, mama."
"Okay, okay. Ibibili na kita. Huwag ka na ngumuso."
Hindi kami nagtagal sa grocery dahil magluluto pa ako ng dinner. Ang tagal namin dahil nagwala pa si Donat nang hindi na makita ang laruan nito. Sabi ng guard ay nabigay niya sa iba ang laruan at nangako ito na papalitan nila iyon.
Hindi namin alam ang gagawin dahil hindi ito tumigil sa pag-iyak. Mahalaga sa kanya ang laruan na iyon dahil bigay iyon ni Krome sa kanya.
"Pasensya na po talaga," saad ng guard. Naghihirap ang mukha nito. "Madami po kasi na kumuha ng baggage kanina."
BINABASA MO ANG
ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)
General FictionONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confession that could change the way she feels or cost her everything. **************** SWEETKITKAT XOXO