MIRABELLA
Nasa harap muli ako ng condo unit ni Alesteir— ang taong hindi tumupad sa kanyang pangako. Binigay ko sa kanya ang gusto niya ngunit walang nagbago sa hatol kay itay.
Wala na akong natitirang pagmamahal sa tao na ito. Ngayon, pipilitin ko ang sarili na harapin siya upang singilin ito.
Bumukas ang pinto. Hindi ito makapaniwala na nasa harapan niya ako.
Tumaas ang sulok ng labi nito. "What do you want? Another wild night?"
Hindi ko napigilan ang sarili at sinampal ko ang pisngi niyo. Hindi nawala ang ngiti sa niya bagkus ay mas lumawak pa iyon.
"You seem so upset, sweetheart."
Hinila niya ang braso ko at ipinasok sa loob ng unit niya. Sinara niya ang pinto at isinandal ako roon. Binawi ko ang braso ko at tinulak ito.
"Hindi mo tinupad ang pangako mo! Sabi mo ay tutulungan mo ako na—"
Humakbang ito paatras at nagkaroon ng distansya sa pagitan namin. "Wala akong naaalala na may pinangako ako sa iyo, Mira."
"Kaya ko nga binigay ang sarili ko sa iyo ay dahil nag-agree ka!"
"Did I?"
Hindi ako nakapagsalita. Inalala ko muli ang usapan na namagitan sa amin. Namuo ang luha sa aking mga mata. Wala nga siyang sinabi na pumapayag siya.
Ako ang nag-assume na pumayag siya dahil hinayaan ko siya na binigay ko ang sarili ko. Then why do I still feel betrayed?
"I didn't, right?"
"Alesteir... bakit mo ginawa sa akin ito? Sana ay hindi nalang kita nakilala," bulong ko. Nakakuyom ang mga kamay ko. "Pati ang nag-iisa kong kaibigan ay nawala dahil sa iyo. Mabait si itay, gusto lang niya kaming bigyan ng magandang buhay."
Nagbuntong-hininga ito at humakbang palapit sa akin. "Bakit ako ang sinisisi mo sa lahat ng kamalasan mo? Bakit ba hanggang ngayon ay nasa ilusyon ka pa rin na mabuti siyang tao?! For God's sake, Mira, wake the fuck up! He did this for himself not you and Krome!"
"Huwag mo siyang pagsalitaan ng—"
"He killed my parents— the people who have always been there for me! I was left alone, Mira! I have to grow up and learn how to live alone! I can say whatever I want to him because he deserves it!"
Mataas ang boses nito at galit na galit ang ugat nito sa leeg.
"And you have a guts to ask for his freedom by using your body?! You cannot manipulate me! I don't fucking love you! So stop acting like you're special because you are not!"
My eyes widened. Hindi ako nakapagsalita. Wala akong naramdaman kung hindi panlalamig.
"I am the victim here, not your father! Hindi ako nakarinig sa iyo ng patawad sa lahat ng ginawa ng ama mo bagkus ay pinagtatanggol mo pa siya! Huwag mong idahilan sa akin ang kahirapan niyo, wala akong pakielam sa estado ng buhay mo at ng pamilya mo! I want justice for my parents— the only people who loved me! And they won't even know how much I loved them because they are not here anymore!"
Nagliliyab pa rin ang mga mata nito sa galit samantalang ako ay hindi pa rin makabawi sa mga naunang salita niya.
Hindi niya ako mahal.
"Kaya huwag ka nang babalik pa rito, Mira. Katulad mo, ayaw ko na rin makita tayo. I don't give a fuck on what's going to happen to your father or even you. Even if you drop dead, I won't feel anything."
Kumurap ako ng ilang beses upang pigilan ang luha sa aking mga mata. Maraming beses din ako na lumunok.
Tumango ako at hinawakan ang door knob sa kabila ng panginginig ng aking mga kamay.
"That night is my gift to you."
Natigilan ako.
"It's your first time, that will be your bench mark."
"Bench mark?"
"In case you want to sell your body for a little money, you'll know how to please a man and vice versa."
Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi at bumulong, "Ganoon kababa ang tingin mo sa uri namin."
Pinihit ko ang door knob at lumabas sa condo unit niya. Pagkasara ko ng pinto ay mabilis ang aking paghinga. Hindi ko alam kung para saan ang luha na umaagos sa aking mga pisngi. Tinakpan ko ang aking bibig upang huwag lumabas ang hikbi.
Nadudurog ang aking puso sa lahat ng sinabi nito. Maybe at the bottom of my heart, umaasa ako na iba ang kalalabasan ng pag-uusap namin. I am too naive and an idiot of doing this.
Tama si Alesteir, ni minsan ay hindi ako humingi ng patawad sa kanya.
He is right. I juts have to deal with this. Kami ang may kasalanan sa kanya.
Hinarap ko ang mga sumunod na araw na parang normal lamang. Ngunit batid ko ang pag-deteriorate ng kalusugan ni itay. Kahit na gaano kadaming pagkain pa ang dalhin ko sa kanya ay hindi ito nagbabago.
"Ate?"
"Hmm," umayos ako ng higa at tinakpan ng kumot ang mukha.
"Ate? Nakauwi na ako galing school pero tulog ka pa rin. Kumain ka ba?"
Napabalikwas ako ng bangon. Napahilamos ako sa aking mukha at sumuklay sa magulo kong buhok.
Tumingin ako sa orasan ngunit parang umiikot pa rin ang aking paningin. Inilagay ni Krome ang palad niya sa aking noo.
"Masama ang pakiramdam mo, ate? Gusto mo ibili kita bg lugaw? May masarap na lugawan sa kanto."
"Sige. Kumuha ka ng pera sa wallet ko. Mag-ingat ka sa pagtawid ah."
"Opo, ate!"
Sa oras na lumabas si Krome ay bumangon ako para tumakbo papunta sa banyo at dumuwal roon. Mamamatay na ba ako? May sakit ba ako?
Napansin ko ang plastik ng napkin na nakatabi sa basket. Saka lang pumasok sa isip ko kung kailan ako huling dinatnan.
Lumabas ako ng bathroom na hinang-hina at umupo sa dining table. Mabilis ang kabog ng aking dibdib.
Isinuklay ko ang kamay sa aking buhok. I have a lot of things going on. Wait, hindi ako dapat mag-panic. Hindi pa naman sigurado.
Bumukas ang pinto. "Ate! Heto na ang mainit at masarap na lugaw! Mag-merienda na tayo."
Hinanda niya ang lugaw at kinain ko iyon. Napabuntong-hininga ako nang malamanan ng mainit na pagkain ang aking sikmura.
"Ate, lumabas na ang school card namin. Top four ako."
Tumayo ito at kumuha ng platito, patis, at kalamansi. Bumalik ito sa mesa.
"Talaga?"
"Opo. Excited ako na ipakita kay itay. Tapos ikaw ang pipirma, ate, ha? Sabi ni Ma'am Agatha, balak daw niya na isali ako sa Division. Magaling daw ako sa spelling saka sa Math. Ano sa tingin mo, ate?"
"H-huh?"
"Hindi ka nakikinig, ate. Inaantok ka pa ba?"
Tumikhim ako at ngumiti. "Sorry na nga. Sige, magkwento ka na ulit. Ano pa ang chismis sa school niyo?"
"Ah, tinukso namin si Ma'am Agatha kay Sir Javier. Nanghingi siya ng chalk kanina. Tapos nagka-meeting sila, ako ang naging tagapaglista ng noisy. Power, ate, powerrr!"
Nakinig lang ako sa kanya at pinakita na okay lang ang lahat. Kahit na sa likod ng ngiti ay nahihimlay ang pag-aalala.
*******
See you next update.
Sweetkitkat ❤️
BINABASA MO ANG
ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)
General FictionONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confession that could change the way she feels or cost her everything. **************** SWEETKITKAT XOXO