CHAPTER 5
MIRABELLA
"Ate, ang laki ng bahay nila Ate Astra 'no?" Saad ni Krome habang sakay kami ng tricycle at pauwi ng bahay. "Balang araw, magkakaroon rin tayong ganoon kalaking mansyon!"
"Balang araw, Krome." Nakangiti kong sabi at niyakap ito ng mahigpit.
"Siguro kapag umuwi na si Tatay, maraming-marami na siyang pera."
Hindi ako umimik sa sinabi nito. Ilang heses ko na tinatawagan ang numero ni tatay ngunit hindi ito sumasagot. Wala na akong balita sa kanya. Para kaming mga tuta na in-abandona niya sa kalye.
Nang makauwi na kami ay pinagbihis ko muna ng damit si Krome bago ito patulugin. Binuksan ko muna ang aking mga libro na kailangan aralin para sa exam bukas.
"Ate, anong oras ka hihiga?" Tanong ni Krome habang sinasampay nito ang ginamit na tuwalya.
"Pamaya-maya lang." Pagkasabi ko n'un ay humiga na ito at natulog.
Pinipilit ko na aralin ang exam para bukas ngunit sadyang pagod na ang aking katawan. Ang tanging dahilan kung bakit ako nagpapatuloy sa pag-aaral ay ang pangako ko sa aking ina bago ito mamahinga.
Alas-tres na ng umaga at ilang kape na ang aking naiinom. Marami na rin ang aking naaral kaya nagdesisyon akong humiga. Nagset ako ng alarm na ilang minuto lamang ang pagitan para siguradong magigising ako ng alas-syete.
Mabuti na lamang ay malaki na si Krome at kaya na nitong maghanda ng almusal. "Ate, alam ko na ang biyahe papasok, okay na po akong mag-isa."
Kumunot ang aking noo. "Ayaw mo na hinahatid kita?"
"Kasi, ate, alam kong napapagod ka na--"
"Hindi pa." Singit ko.
"Alam ko pong pagod ka, pinagsasabay niyo po ang trabaho, pag-aaral, at dumadagdag pa ako. Kaya, magtiwala ka dahil kaya ko na po." Saad nito habang nagpapalaman ng pandesal. "Saka, may kasabay na po akong pumasok. Kaklase ko po 'yung mga anak ng kapit-bahay natin."
Wala akong nagawa kundi tingnan ang grupo na sinamahan ni Krome habang papasakay ito ng jeep. Nawala ang bigat na aking nararamdaman dahil nagkaroon na ng mga kaibigan ang kapatid ko.
Napabuntong hininga ako at binalik ang tingin sa daan para pumara ng jeep papunta sa unibersidad. Ngunit bago ko pa mapara ang jeep ay may humarang na sasakyan sa aking harapan.
Bumaba ang salamin niyon at bumungad ang matamis na ngiti ni Alesteir. "Ihahatid na kita, Mira."
"Okay lang, Alesteir. Wala akong pamalit sa gas na uubusin mo para mahatid ako."
"Gumagawa ka talaga ng mga paraan para i-reject ako." Sumeryoso ang mukha nito. "Fine."
Tinaas nito muli ang salamin at pinaandar muli ang sasakyan. I felt relieved nang umalis ito sa harapan ko. Ngunit akala ko'y tapos na, akala ko'y hindi na niya ako guguluhin. 'Yun pala ay ipinarada lang nito ang sasakyan sa tabi at bumaba.
"Ano ang ginagawa mo?" 'Di makapaniwalang sabi ko.
"Ayaw mong sumabay sa akin, kaya ako nalang ang sasabay sa'yo."
"Baka ma-chop chop 'yung kotse mo dyan!"
"Old model naman 'yan." Niluwagan nito ang necktie at tiniklop ang sleeves ng kanyang polo hanggang sa makarating ito sa siko. "Take me to your world, Mira."
Gusto kong sampalin ng malakas ang aking noo. This man is unbelievable! He isn't combat ready para sa public transportation.
"Alesteir, itigil mo na 'to. Ikaw lang ang mahihirapan sa huli."
BINABASA MO ANG
ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)
General FictionONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confession that could change the way she feels or cost her everything. **************** SWEETKITKAT XOXO