Hello, sorry for revising this chapter again. I don't think the old chapters are painful enough. ^__^v
___
MIRABELLA
'Oo nga, get a grip, Mira. Pumikit ka nalang. Mariin mong pagdikitin ang iyong mga labi. Itago mo ang sakit.'
Hindi ko masisisi si Alesteir kung iyon ang reaksyon niya. Tama lang iyon dahil sinira ng tatay ko ang pamilya niya. Tanggap ko na makukulong si Itay dahil sa ginawa niya ngunit hindi ko tanggap na sasabihin ng mga tao na mamamatay-tao siya.
"Mira."
Napatigil ako sa pagtatanggal ng mga kumot nang tawagin ng supervisor ko ang aking pangalan.
"Yes po, ma'am?"
"Sa fifth-floor ka mamaya after mo sa room na ito."
"Pero, ma'am, hindi pa po ako tapos sa floor na ito."
"Umpisahan mo sa Room 506," saad niya at umalis na.
Room 506... hindi ba't iyon ang pinasukan na kwarto nila Alesteir? Napalunok ako. Tumingin ako sa orasan sa aking bisig. Limang oras palang ang nakakaraan.
Sinunod ko ang utos ng aking supervisor. Ilang minuto akong nakatayo sa harap ng 506. Nagbuntong-hininga ako at nag-doorbell.
"H-Housekeeping," saad ko. Umaasa na wala sanang tao sa loob.
The door knob clicked at nagunaw ang aking mundo nang buksan ni Alesteir ang pinto. Basa ang kanyang buhok at naka-sweatpants lang ito ng itim. Wala siyang pantaas na damit at makikita ang pulang marka sa kanyang balikat.
"S-sorry, sir. I can go back later—"
"No. You don't have to. Come in," he said seriously.
Tumalikod na siya sa akin habang nakabukas ang pinto. Huminga ako ng malalim at pumasok sa loob. Iniwanan ko na bukas ang pinto dahil nasa labas ang cart ko. Narinig ko ang pagbukas ng glass door patungo sa balcony.
Sumilip ako at nakita ko na nasa labas si Alesteir.
Tumingin ako sa gusot na kama at sa sahig na puno ng tissue at rubber. Hindi bago sa akin ang makakita niyon dahil ilang buwan na akong nagtatrabaho sa hotel na ito. Sinuot ko ang rubber gloves at nagsimula na maglinis.
Mabilis ang aking kilos dahil nararamdaman ko ang matalim na tingin ni Alesteir. Nang maayos ko ang kama ay lumipat naman ako sa bathroom.
Kumatok ako sa pinto.
"Noone's in there. She already left."
"Okay, sir," matabang kong sagot.
Binuksan ko ang pinto at pumasok roon upang magligpit. Pinalitan ko ang towel at pati narin ang mga hygiene products. Labas-pasok ako sa loob ng silid upang ilabas ang mga maruruming gamit.
Inilalagay ko sa taas ng rack ang towels nang maamoy ang usok ng sigarilyo. Mahina akong napaubo. Nang maiayos ko na ang towel ay umayos na ako ng tayo. Pag-ikot ko ay natigilan ako dahil nakahilig sa hamba si Alesteir.
"This is a non-smoking room, sir. It is prohibited to—"
"I own this hotel."
Tinago ko ang gulat at nanatiling kalmado. "Pag-aari mo ang hotel ngunit hindi mo kayang sundin ang rules nito. Paano mo aasahan ang ibang guest na respetuhin ang rules?"
Tumaas ang isang gilid ng kanyang labi at binasa ang sigarilyo sa sink. "Point taken."
"Excuse me po, kailangan ko ng lumabas."
Hindi niya pinakinggan ang pakiusap ko, bagkus ay mas lumapit pa ito sa akin.
"Mira, you should be begging for your father's freedom."
"Alam ko ang ginawa ng aking ama, alam ko na kailangan niyang ikulong. Pero hindi ako papayag na habambuhay siya roon."
Bawat hakbang nito ay siya naman atras ko ngunit natigil ako dahil naramdaman ko na ang malamig na countertop ng lavatory.
"Mirabella, this is not how I imagined it to be. Seeing you like this," lumunok ito at tumingin sa aking labi. After a second, our eyes met. Nakita ko ang pagblangko ng kanyang mga mata. "Seeing you full of hope even if your father ruined my life. I want you and your family to feel what I felt. I want you to mourn, too."
Nanigas ako sa kanyang sinabi.
Paano niya nasasabi ito sa akin? Ibig sabihin, gusto niyang mamatay din ang aking ama? Gusto kong ipagtanggol si tatay ngunit wala pa akong sapat na ebidensya para suportahan iyon. Ang mayroon lang ako ngayon ay ang lubos na pagmamahal sa aking pamilya.
"Ales— Sir," hindi ko na kaya pang banggitin ang kanyang pangalan, "tapos na po ako sa housing service, makakaalis na po ako."
Mabilis akong dumulas sa kanyang gilid at lumabas ng bathroom.
"Mira," huminto ako ngunit hindi ako humarap sa kanya. "Get the best lawyer you can get because I will represent myself in this case. Your bastard father will rot in hell."
Matabang akong napangiti at bahagya siyang nilingon. "Kaunti lang ang pera namin, sir. Wala kaming pambayad sa mga board topnotcher na laywers. Ano ang laban namin sa inyong mga maharlika?"
Huminga ako ng malalim. "Maliit lang ang pag-asa pero hindi ibig sabihin ay susuko na."
Nanginginig ang aking mga tuhod nang makaalis sa silid na iyon. Tulak-tulak ko ang tray at naghintay sa pagbubukas ng service elevator.
Mahirap maging mahirap. Nakakapagod, nakakasakal. Araw-araw ay may problema. Si Krome ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko. Malaki ang pangarap ko para sa kanya. Gusto ko na magkaroon siya ng magandang buhay at hindi matulad sa akin.
Gusto ko na kahit wala na ako, kaya na ni Krome na tumayo sa sarili niyang mga paa. Kaya nag-iipon din ako para mapadala siya sa magandang highschool at college.
Pinunasan ko ang pawis sa akin noo habang naglalakad pauwi. Naabutan ko si Krome na nagsasara ng tindahan. Ngumiti siya nang makita ako.
Sinalubong niya ako sa may pintuan. "Ate!"
"Oh! May dala akong lutong-ulam saka pancit bihon."
"Wow! Pancit! Sahod na ba, ate?"
Umupo ako sa upuan at nagtanggal ng sapatos. Dinala ni Krome ang tsinelas ko pagkatapos ay pumunta siya sa kusina para isalin ang mga pagkain.
"Saka, ate, nagpunta po dito iyong taga-munisipyo."
"Oh, bakit daw? Census?"
"Hindi po. May letter sila na iniwan. Nilagay ko sa may aparador ng damit, ate."
Tumayo ako at tumungo sa may aparador. Pagbukas ko niyon at agad na bumungad sa akin ang puting envelope. Binuksan ko ang enevelope at sinimulan iyong basahin.
Habang binabasa ay naitakip ko ang kamay sa aking bibig.
"Ate? Bakit?"
Nanginig ang aking mga kamay. "Notice ito... na... ide-demolish ang buong barong-barong."
"Ano ang ibig sabihin, Ate?"
"Dapat ay makahanap tayo ng malilipatan bago matapos ang buwan na ito," mahina kong sambit.
***********
SWEETKITKAT
BINABASA MO ANG
ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)
General FictionONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confession that could change the way she feels or cost her everything. **************** SWEETKITKAT XOXO