CHAPTER 12

16.4K 258 11
                                    

MIRABELLA

Ilang bahay na ang napuntahan namin upang malipatan ngunit hindi ko kayang maglabas ng dalawang buwang deposit at isang buwan na advance. Kung lilipat man kami, gusto ko sana ay studio type na upang makapag-aral na si Krome sa maayos na lugar.

Hindi ko alam na ganito na pala kamahal ang renta sa Maynila. Eleven thousand per month? Hindi ko kakayanin iyon ng isa lang ang trabaho ko. Ang shift ko sa hotel ay 12NN to 8PM. Kung maghahanap ako ng trabaho sa call centre, dapat ay 1AM to 7AM lang para may pahinga pa ako at may oras pa kami ni Krome na mag-bonding.

Mag-a-alas dose na kaya dumiretso na ako sa hotel. Sumasakit na ang ulo ko sa mga problema. Nasabihan na rin ako ni Attorney Velasco na magsisimula na ang hearing sa susunod na buwan.

"Mira!" Napapitlag ako sa malakas na boses ng aking supervisor.

Tumigil ako sa pagkain ng tinapay at nagmamadaling tumayo. "M-ma'am, bakit po?"

"Ikaw ang naglinis ng Room 509, hindi ba?!"

"Opo. Kahapon po."

Madilim ang ekspresyon nito at inilahad ang kamay. "Ilabas mo ang ninakaw mo na kwintas."

"P-po? Wala po akong ninakaw."

"Ikaw lang ang naglinis doon. At kakatanggap lang namin ng report na nawawala ang kwintas ng girlfriend ni Master Alesteir."

"Hindi po ako ang kumuha, ma'am," mariin kong sambit.

Bumukas ang pinto ng staff room at pumasok ang babae na kasama ni Alesteir kahapon. At nasa likuran niya ang lalaki na laman ng aking isipan sa araw-araw. Halos mauntog ito sa pinto dahil sa tangkad niya.

"You, poor girl, give me back my necklace! It was my mother's gift to me!"

Pinanatili ko ang kalmadong ekspresyon. "Hindi po ako ang kumuha, ma'am. Pumunta na po ba kayo sa silid at naghanap doon?"

Napasinghap ang lahat dahil sa sagot ko. "How dare you talk to me like that?! Palibhasa, laking eskwater ka at hindi edukada kaya ganyan ka sumagot!"

"Papalitan ko nalang ang kwintas na iyon, Sophie," napalingon ang lahat nang sabihin niya iyon. "Let's just get away from here."

"No! I want this woman to be terminated."

"Done," nanlaki ang aking mata sa sagot ni Alesteir.

Ni lingunin ako ay hindi niya ginawa. Tumingin ito sa supervisor ko.

"Give her salary and then bring her out of this hotel."

I took a step forward, gusto kong magpaliwanag. "S-sir Alesteir, alam mo na—"

He put his hand in front of my face. "I don't want to hear any explanation from you. The decision is final. We want you out."

Alesteir, sana alam mo kung gaano ko kailangan ang trabaho na ito. At habang naglilinis ako ay pinapanuod niya ako. Bakit naniniwala siya sa babae na ito?

Oh.

Oo nga pala, he wants me to suffer.

Matabang akong ngumiti at nilunok na lamang ang pighati. Narinig ko ang bulung-bulungan ng mga kasama ko.

"Kriminal kasi ang tatay kaya maitim ang budhi niyan. Magnanakaw."

"Huh? Kriminal? Bakit? Ano ang ginawa ng tatay niya?"

"Hindi mo ba nabalitaan? Mamamatay-tao ang tatay niyan. Hindi na natin makikita ang kwintas na iyon. Malamang ay nakasanla na iyon."

Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa narinig na bulung-bulungan ng mga ito. Hindi ko iyon ninakaw. 

Hindi ako makapaniwala na hindi ako kinampihan ni Alesteir, pero ano pa nga ang magagawa ko. Ilang araw nalang ay kailangan na kaming umalis ni Krome sa barong-barong at nawalan pa ako ng trabaho.

"Bumalik ka na kung saan ka nanggaling. Hindi ka nararapat dito. Hampas-lupa," nang-uuyam na sambit ni Sophia bago ito umalis habang hawak ang braso ni Alesteir.

'Okay lang iyan, Mira. Huwag mo ng isipin iyon. Ginagawa mo ito kasi may pangarap ka. Huwag mong isabuhay ang mga salita na hindi makakatulong sa iyo.'

Binigay sa akin ng management ang sahod ko at pagkatapos ay pinaalis na ako ng hotel. Napaupo nalang ako sa may hagdanan ay itinuloy ang kinakain na tinapay hanggang sa maramdaman ko na may umaagos na luha sa aking mga mata.

Pagod na pagod na ako. Gusto kong tanungin ang Diyos kung bakit niya binibigay ang pagsubok na ito sa akin? Itinapon ko ang plastik sa basurahan, hindi pa rin tumitigil ang luha ko.

Napabuntong-hininga ako at nagpunta na sa mga call center upang tingnan kung may job opening sila. Pagkatapos ay hahanap naman ako ng bahay, siguro ay mas mura sa may bandang Santolan o Legarda. Kailangan ko na mag-ikot-ikot din at mag-research para sa school ni Krome.

Umuwi ako na pagod na pagod. Maggiginisang sardinas nalang kami ni Krome dahil sarado na ang mga tindahan pagkauwi ko.

"Krome, nandito na ako," pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko ito na natutulog sa may upuan.

Tumingin ako sa orasan— 9PM. Namali ang tingin ko sa aking relo, akala ko ay 6PM palang. Malamang ay dahil sa hilo ko sa gutom. Bahagya ko siyang ginising.

"Krome, baka gusto mo ng noodles?"

"Hmmm, ate... bukas na," umayos ito ng higa at tumagilid sa akin.

"Hindi ka ba nagugutom?"

Umiling siya at lumalim na muli ang tulog. Hinalikan ko ang kanyang noo at tumayo na. Inayos ko ang higaan namin at binuhat ito para ihimlay siya roon.

"Huwag kang mag-alala, Krome. Si ate ang bahala sa lahat. Hindi ka papabayaan ni ate."

"Ate," bulong nito sa inaantok na boses, "ang dami kong nakain na Hany. Pumapak din ako ng Milo."

Mahina akong tumawa. "Baliw, ano pa ang kikitain natin kapag kinakain mo lahat?"

"Namimiss ko na si tatay."

"Ako rin, Krome," bulong ko.

Kinabukasan ay pumunta ako sa mga interview para maging call centre agent. Sobrang nakakapagod ang interview at sobrang metikoloso nila sa mga applikante. Hindi ko alam kung makakapasok ako pero sinubukan ko pa rin.

Habang naglalakad sa loob ng mall dahil naghahanap ako ng mabibilhan ng murang pagkain at may pamilyar na pigura ako na napansin na papalapit sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata. "Astrah..."

Tila napansin din niya ako dahil may bakas ng gulat sa kanyang mga mata. Halos limang linggo na rin ang nakakaraan noong huli kaming nag-usap. Bumalik siya ng Pilipinas? May mga kasama itong kababaihan na hindi ko kilala.

Matamis ko itong nginitian. "Astrah! Nakabalik ka na!"

Ngunit imbis na batiin niya ako ay nilagpasan lang ako nito.

"Astrah, kilala mo iyon?" sambit ng babae sa kaliwa niya.

"No. Hindi ko iyon kilala. Baka isa sa mga staff namin noong college."

Bumagsak ang aking balikat nang marinig ang sinagot ng best friend ko.

"Ew, grabe, feeling close pala siya."

Mapait ang aking naging ngiti. Huminga ako ng malalim, umakto ako na parang walang nangyari at nagpatuloy na sa paglalakad.

Kahit gaano pa kasakit ang ginawa ni Astrah, hindi ko pa rin makakalimutan ang pagkakaibigan namin at kung paano niya ako natrato bilang kapatid noon.

******

SWEETKITKAT

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon