CHAPTER 23

683 51 13
                                    

MIRABELLA

Tatlong araw na ang nakalipas noong nakausap ko si Itay at bumalik lang sa dati ang routine ko. Pumasok na si Krome at limang buwan nalang ay matatapos na ito sa Senior High. Ngayong taon din ay mag-e-eighteen na ito at maaari na niyang makita ang Itay.

Mabilis lang ang araw at ang lahat ng requirements ni Krome para sa Japan ay inaasikaso na rin namin. Hindi pa ito alam ng Itay ngunit sigurado na hindi niya pipigilan ang kapatid ko. Mas matutuwa pa nga siya sa hatid na oportunidad para kay Krome.

"Please submit this today. Then, give me a draft presentation for the townhall meeting. I will email the details today. I'll send the other task in email," utos ng boss ko habang nasa conference call kami.

"Okay, Mr Mac."

"Thank you for your help, Mira."

Tinapos na nito ang virtual meeting at nag-proceed na ako sa pagtapos sa current tasks ko. Hindi ko pinansin ang lumilipad na bubbles na hinihipan ni Donat. Hindi ko na siya pinigilan kung iyon lang ang rason para hindi niya ako kulitin.

May kumatok sa pinto at inisip ko na baka iyon na ang delivery ng parcel ko. Binuksan ko iyon at natigilan nang makita si Aquil na nakatayo sa harap ko. Tinanggal ko ang earpods at napansin ko ang ingay sa labas.

"M-Mayor."

"Hi, Mira. Mind if I come in?"

Kumunot ang noo ko at iniisip kung ano ang isasagot. Maraming tao sa labas at nakatingin ang mga ito sa amin. Nagbuntong-hininga ako dahil magiging laman na naman ng balita ang pangalan ko.

Binuksan ko ang pintuan at pinapasok ito. "Uhm, s-sure. Medyo magulo lang ang bahay namin kasi hindi pa ako nakakapaglinis and masyadong maraming trabaho."

Sinara ko ang pinto pagkatapos niyang pumasok. Naiwan ang dalawang bodyguard niya sa labas.

Parang lumiit ang living room namin dahil sa built nito. Nakikita ko ito sa malayo kapag nag-s-speech siya ngunit ngayong nasa harap ko na siya ay napansin ko ang pagbabago ng kanyang itsura.

Mas lumapad ang kanyang katawan. Bumagay rin ang tan na kulay na dala ng araw-araw na paglabas bilang Mayor ng siyudad.

"Hindi kita nakita sa meeting."

Tumingala ako dahil sa tangkad nito. "Ah, like I said, maraming work."

Nakarinig ako ng kaluskos at nakita ko si Donat na sinasakyan ang rubber horse niya.

"Donovon Nathan, pick up your things please?"

"I am, mama!"

"Tiana was there," lumipat ang atensyon ko kay Aquil.

Tumango ako. "Okay."

Humakbang ito palapit at umatras ako upang mapanatili ang distansya sa pagitan namin.

"Mira, are you still angry at me? Come on, please, it's been almost three years already."

"Hindi naman na ako galit, Mayo—"

"It's not Mayor to you," putol nito sa aking sasabihin.

"Aquil, a-attend nalang sa susunod na meeting. Marami lang talaga akong ginagawa."

Gumuhit ang ngiti sa labi nito. "Okay. Uhm, I'll see you soon?"

"Sige."

"I'm still not used to you being this cold to me."

Umikot ang mata ko at nagbuntong-hininga. "Sorry, I'm busy."

"You make time for me when we were together."

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon