MIRABELLA
"Bakit uuwi ka na? 'Di pa tapos 'yung patry." Nagtatampong sabi ni Astra nang pa-sikreto ko itong lapitan.
Hindi ako umimik dahil nahihirapan akong magsinungaling pagdating kay Astra, alam kasi niya kapag hindi ako nagsasabi ng totoo.
"Si Alesteir ba?" Biglang naging seryoso ang mukha niyo. "Naku! 'Yang lalaki talaga na 'yan! Nasaan na ba siya?"
Napangiwi ako. "Teka, Astra, kalma ka lang."
"Malandi kasi eh. Pa-fall. Kung nandito lang sana ang Mama niya, isusumbong ko siya." Irita nitong sabi.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Nasaan ang Mama niya?"
Naglakad-akad kami sa malawak na hardin habang nakakapit ito sa aking braso. "His Mama and Papa were killed by a riding-intandem. It happened about a year ago."
Nagulat ako sa natuklasan at hindi nakaimik kaagad.
"Well, you know, lawyers have so many enemies. They eat death threats for breakfast." She sighed. "At n'ung binisita siya ni Tito at Tita para sana i-celebrate ang naipanalo niya na case, doon na nangyari ang lahat. Alesteir's mother was my Mom's only sibling, kaya lahat kami ay galit na gumawa na iyon."
"Nahanap na ba 'yung killer?" Saad ko.
"Hindi pa. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya. They all must pay." May bahid ng galit ang boses nito.
Biglang iting tumigil sa paglalakad at hinarap ako sa kanya. May naglalarong ngiti sa mga labi nito.
"Alam mo, simula n'ung nangyari iyon, never ko nakita si Alesteir na magkaroon ng interest sa ibang bagay bukod sa paghahanap sa killer. He is so focused and so determined to find him as soon as possible." Umangat-angat ang kilay nito. "He was like that until you came. I think he is... you know..."
"Huh?"
Tinampal niya ng malakas ang aking balikat. "Ano ba?! Ang slow mo naman! I think he likes you."
"Ako? Ano ang magugustuhan niya sa isang tulad ko?"
"Tulad mo? Ano ang mali sa'yo?"
"Una sa lahat, mayaman siya, mahirap ako."
Umikot ang mata nito. "What the hell. Lumang issue na yan, Mira."
"But it matters 'til now."
"Saka makakahanap rin siya ng mas maganda, 'yung mas makinis at alaga ang mga balat. 'Di tulad ko, alaga lang ng mantika sa kusina."
"Hay, ewan ko sa'yo." Tumalikod ito sa akin at mabilis na naglakad pabalik.
"Huy, hintay."
"Pangit mong kausap. Puro ka negative vibes." Medyo may kalakasang sabi nito.
Mabilis ang paglalakad nito kaya agad siyang nakapasok sa mansyon. Napabuntong-hininga ako at bahagyang binilisan ang hakbang.
"Mira." Lumingon ako nang may tumawag sa aking pangalan at nakita ang munting ngiti sa labi ni Alesteir.
"Hi." Bati nito.
Nag-init ang aking pisngi nang maalala ang sinabi ni Astra sa akin kanina. "Sir.."
"Alesteir, Mira."
Nag-iwas ako nang tingin at napalunok. "Kanina pa po kayo diyan?"
"No. I just got here. Bakit?" Saad niya habang paunti-unting lumapit sa akin at huminto sa aking harapan.
Buti nalang at hindi nito narinig ang pag-uusap namin ni Astra. "Wala naman. Uh, maiwan na kita kasi kailangan ko ng bumalik sa loob."
"Sandali, Mira." Bago pa man ako makaalis ay hinawakan nito ang aking braso. Pinigilan ko ang mapansinghap nang maramdaman ang mainit na palad nito. "Bakit parang iniiwasan mo ko?"
"Ano ba ang kailangan mo sa akin, Alesteir? Bakit ba pilit kang lumalapit sa akin?" Malamig kong saad.
Naiinis na ako dahil patuloy pa rin ito sa paglapit sa akin kahit may babae na itong papakasalan. Madami na akong problema sa buhay, bakit kailangan na dumagdag pa siya.
"I'm just enjoying your company, that's why."
Nagbuntong-hininga ako. "Look, Alesteir, 'wag na tayong makipaglaro sa isa't-isa."
"Paano mo nasabing nakikipaglaro ako?" Seryoso ang mga mata nito habang nakatitig sa akin. "I'm dead serious, Mira, I like you."
Kung isa lang sana akong babae na namulat sa sandamakmak na fairytale ay baka kiligin pa ako sa sinabi niya.
Imbis na sagutin ito ay natawa ako ng pagak. Humalukipkip ako. "At ano naman po ang nagustuhan niyo sa isang hamak na katulad ko?"
Kumunot ang noo nito. "Are you really underestimating yourself?"
"No, sir. I'm just confused what you like about me." Hamon ko sa kanya. "Ilang beses palang tayong nagkita at nagkausap. You barely know me. Ano 'yun? Like at first sight?"
Hindi ito umimik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Ang alam lang natin sa isa't-isa ay pangalan. Hindi mo pa nga alam kung ano ang background ko or kung ano talaga akong klaseng tao. Paano kung gold-digger pala ako at perahan lang kita?"
"I know you wouldn't---"
"See?! You barely know me!" I cut him off.
"Mira, listen. Naiintindihan ko na marami kang iniisip ngayon. I know my feelings are weighing you down." He held my hand gently. My heart skipped a beat as he kept on talking. "For now, I'll keep my distance with you."
"But, listen well, baby." Before I utter a word, he pulled me on his chest and his mouth was on my ear.
I smell that cologne. Masculine and heady, with the basic layers of musk and sandalwood, and just a tiny bit of sweetness thrown in.
It wasn’t overpowering at all.
Just a hint. A tease.
"When I say 'I like you', it's real. I'm not into playtime, Mira. All I need is a chance to prove myself." He rubbed the tip of his nose on my earlobe. "I don't care if we live in different world. I will leave mine to be with you."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay unti-unti na itong lumayo sa akin. He mouthed 'see you' and left.
**********
UPLOADED: 11MARCH2019
SK❤
BINABASA MO ANG
ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)
Genel KurguONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confession that could change the way she feels or cost her everything. **************** SWEETKITKAT XOXO