CHAPTER 8

1.8K 58 8
                                    

CHAPTER 8

MIRABELLA

Bago kami tuluyang umuwi sa bahay ay ifinaan muna ako ni Alesteir sa grocery store para mamili ng kailangan sa pagluluto.

"Ano'ng ulam ang gusto mo? Kumakain ka ba ng rice sa gabi? May mga ingredients ba na allergic ka?" Sunod-sunod kong tanong habang namimili ng mga gulay.

"I would like to taste your sinigang. I don't usually eat rice at night but for you, I will. I'm allergic to peanuts."

Nilingon ko siya. "Hm, okay."

"This excites me. Are you?"

"Honestly? No. Uhm, I'm nervous kasi ito ang unang beses na magdadala ako ng lalaki sa bahay." Pagkasabi ko n'un ay nilagay ko ang gulay na napili sa cart na tulak ni Alesteir.

"May magagalit ba?" Tanong niya at inabot ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim. "Wala naman. Hindi naman na yata uuwi si tatay sa bahay namin."

"Bakit? May ibang pamilya na ba siya?"

"Hindi ko alam. Limang buwan na ang nakakaraan simula n'ung huling tawag niya sa amin."

"What did he say?"

"Sorry. Pasensya na. Hindi na ko babalik pero mahal na mahal ko kayo ni Krome." I looked at him. "Those were the exact words."

"Ah."

"I'm just hoping na makita man lang niya akong umakyat sa stage at maabot ang aking diploma."

"Hindi ka galit sa kanya na iniwanan niya kayo?" Curious na tanong nito.

"Hindi. Mabuting tao si Tatay, sinuportahan niya kami sa abot ng makakaya niya. Kung may dahilan man ang kanyang pag-alis, handa akong marinig iyon. Ang nais ko lang ay, nasa mabuting kalagayan siya at walang karamdaman."

Hindi umimik si Alesteir kaya nilingon ko ito. Napakunot ang aking noo dahil sa kakaibang ekspresyon niya. "Okay ka lang? Nakaka-bored na ba akong kausap?"

Nakabawi ito. "No, of course not. I just had a lot on my mind right now."

Hinawakan ko ang kanyang braso. "Hey, wala ka na sa work. If umalis ka na sa court, leave your stress there."

"You're just a ball of sunshine, aren't you?"

"I got all the things I need. May iba ka bag gusto?"

"Ikaw."

"Gusto mo bang matikman rin 'yung guyabano juice ko?"

"Yes."

"Ano pa?"

"Ikaw."

I sighed. "Tara na nga. Para kang baliw."

Naglakad na kami papunta sa counter. "Mahaba pa naman ang pila. May nakalimutan lang akong kuhanin."

Tumango ako. "Okay."

Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ito bumabalik. Nilapas ko ang aking cellphone at naglaro ng puzzle game para magpalipas ng oras habang nakapila.

Nagulat na lamang ako nang may mga braso na humawak sa magkabilang gilid ng hawakan ng cart. Naamoy ko ang pamilyar na pabango ni Alesteir.

"What are you doing?" Tumaas ang balahibo sa aking batok nang dumampi ang mainit nitong hininga sa aking tenga.

"Hey, lumayo ka ng konti. Maghapon akong bilad sa araw." Siniko ito ngunit hindi ito gumalaw. "Hindi ko alam ang amoy ko."

Narinig ko ang mahinang pagtawa nito. "You don't have to be conscious around me."

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon