CHAPTER 13

25.2K 194 14
                                    

MIRABELLA

Mabilis lang kaming nakalipat nila Krome sa bagong inuupahan sa may Legarda dahil wala naman kaming masyadong gamit. Hindi rin kalakihan ang nalipatan namin ngunit sapat iyon para sa aming dalawa ni Krome.

May malapit din na elementary school kaya sa susunod na school year ay doon na siya papasok. Nakahanap na rin ako ng bagong trabaho sa call centre at isang linggo na akong nagsisimula roon.

Hindi ako maaaring magpahinga dahil may kalakihan pa rin ang renta namin at may ibang bills pa na kailangan bayaran. Habang nagliligpit ng mga gamit ay kumatok sa aming pintuan. Binuksan ko iyon at nagulat nang makita si Attorney Velasco.

"Attorney, napadalaw po kayo?"

Tumikhim ito bago magsalita, "Mirabella, maaari ba akong pumasok?"

"Opo, tuloy po kayo," binuksan ko ng malaki ang pinto. "Pasensya na po kayo at medyo makalat, kakalipat palang po namin."

Umupo si Attorney sa plastik na upuan. "May balita ako tungkol sa kaso ng iyong ama, Mira."

"Ano po iyon?"

"Inilalaban nila ang lifetime imprisonment."

"Pero... pero, Attorney, ang tatay ko—"

"Hindi pa rin natin alam ang kakilanlan ng tao na sakay niya. Mira, may fingerprint ang tatay mo sa nakuhang baril. Sa CCTV, siya lang ang nakitang nakasakay sa motor. Nakahanap na rin ang motor at nakarehistro iyon sa tatay mo."

Kumuyom ang aking kamao. "Hindi siya mamamatay-tao."

"Mira—"

"Akala ko ay tutulungan niyo kami?!"

Nagbuntong-hininga ito. "Gagawin ko ang lahat para mapababa ang sintesya ng tatay mo. Mira, ngunit hindi ako mangangako."

"Salamat pa rin, Attorney."

Inilahad niya ang kamay niya ay inabot ko iyon. Tumayo na si Attorney at naglakad palabas. Huminto ito at humarap sa akin.

"Mira, kung malalaman mo kung saan nakatira si Alesteir. Kung maaari lang ay makausap mo siya tungkol sa kaso ng tatay mo."

"Susubukan ko po," pagsisinungaling ko.

Ngumiti ito ng simple at tumango. Pagkaalis nito ay sinara ko na ang pinto at nagbuntong-hininga. Bumalik ako sa pag-aayos ng gamit dahil dalawang oras nalang ay shift ko na.

Nagluto ako ng dinner para sa kanya dahil late na ako makakauwi.

"Krome! Pumasok ka na, magdidilim na!" Sigaw ko habang nilalagay ang adobong ulam ko sa tupperware.

"Opo, ate!"

"Magpahinga ka lang saglit tapos maligo ka. Amoy-araw ka na."

Habang namamahinga ito ay pinapatunog niya ang laruan na lato-lato. Aliw na aliw siya dahil napapatunog iyon pero ako naman ay inis na inis.

Pati kasi ang mga kabataan na kalaro niya ay pinapatunog iyon kahit kalaliman na ng gabi at specially kapag off ko. Hindi ko sila masita dahil bagong salta lang kami rito at nagpapasalamat ako na mababait ang mga kapit-bahay namin dahil tinitingnan-tingnan din nila si Krome.

"Ate, sabi ni Tita Miranda, sa sabado raw ay birthday ni Myla. Pumunta raw po tayo."

"Sige, titingnan ko," saad ko habang nilalagay sa bag ang dinner ko mamaya. "Pinagluto na kita ng adobong manok at nagsaing na rin ako. Huwag ka na magbubukas ng stove ah."

"Oo, ate."

Mabilis na ako nagbihis. Simpleng pink na polo shirt at jeans ang sinuot ko. Habang nagsusuklay ay binibigyan ko ng bilin si Krome.

ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon