MIRABELLA
Nagsimula na kaming mag-ayos ng mga mesa at plato sa malawak na hardin nila Astra. Paminsan-minsan ay pinapapunta niya ako sa kanyang kuwarto para pilitin na ayusan ngunit tumatakas ako.
Nang sumapit ang dapit-hapon ay paunti-unting napupuno ang hardin ng mga tao na sa unang tingin pala ay nakakaangat na sa buhay.
"We need more plates." Saad ng supervisor namin.
Agad akong tumakbo sa kusina para kumuha pa ng mga gamit. Dala-dala ko ang mga piraso ng mamahaling pinggan nang may humarang sa aking daraanan.
"Astra, buwisit ka, muntik ko ng mabagsak 'yung plato."
Nilagay nito sa magkabilang-bewang ang mga kamay at mataray akong tiningnan. "Aayusan kita mamaya ha. Nakahanda na 'yung susuutin mo."
"Hay naku, Astra. Busy ako. Saka baka magulat pa 'yung mga bisita niyo kasi may makakatabi kang katulong---"
"You're not a maid, you're my best friend. Why would I care kung ano ang sasabihin nila?" Talagang napakabuti ng kalooban nito. "Bisita ka naman talaga, mas pinili mo lang ang pera kaysa ang mag-enjoy ka."
"Hindi rin naman ako mag-e-enjoy. Wala rin naman akong maco-contribute sa mga usapan nila kasi wala naman akong alam doon." Tinuloy ko ang paglalakad. "Ma-out-of-place lang ako roon."
"Hoy, babae, 'di pa tayo tapos mag-usap."
"Busy ako. I'm working." Saad ko.
Pagkatapos kong ibigay ang mga plato sa aking kasama ay tinulak ko ang tray para isa-isang kunin ang mga plato na tapos ng kainan ng mga bisita.
"Girl, did you really screw him last night?" Rinig kong pag-uusap sa kabilang table.
"Yup. He's kinda hot and we made a mess in the kitchen." Pagmamalaki ng babae na may mga red highlights sa bahagyang kulot na buhok nito.
"Hindi ba't may girlfriend iyon?"
"I don't care."
Napailing na lamang ako sa mga narinig. Bakit parang pinamimigay na lamang ng mga babae ngayon ang kanilang virginity na parang wala lang sa kanila?
Mas patok ba sa mga kabataan ngayon ang mabuntis ng maaga?
"Mira?" Napatigil ako sa pagsisinop ng mga plato nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
Unti-unti akong humarap sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay muli ako na-hypnotize sa magandang hugis ng kanyang mga mata.
"Alesteir."
Ang ngiti nito'y nagpanginig sa aking mga tuhod. "You remembered."
Hindi ako makaimik. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko.
"Hindi na kita nakikita sa supermarket. Are you avoiding me?" Bahagya itong lumapit kaya humakbang ako patalikod para mapanatili ang distansya naming dalawa.
Dahil nag-aalala ako na baka marinig nito ang malakas na pintig ng aking puso.
"Marami na kasi akong late kaya tinanggal na nila ako roon." Mahina kong paliwanag.
Napahawak ako sa ibabang bahagi ng aking uniporme dahil sa kaba.
"Is that so? Uh, about last time.."
"Sorry. Wala pa akong pera ngayon. Kung maniningil ka, uhm, baka pwedeng next week nalang. Promise, hindi kita tatakbuhan."
"What?"
"H-Hindi mo ko sisingilin?"
Napahawak ito sa magkabilang-bewang at tumingin sa kalangitan na parang pinahuhupa ang nararamdaman bago muling tumingin sa akin. "No. Mukha ba akong bumbai na susundan ka kahit saan para lang singilin?"
BINABASA MO ANG
ULTERIOR MOTIVE (ONGOING)
General FictionONGOING | Y2014-present A billionaire lawyer. A poor girl. Secrets and ulterior motives kept Mirabella and Alesteir apart. Now he's back with a confession that could change the way she feels or cost her everything. **************** SWEETKITKAT XOXO