(4) Flashlight

925 15 2
                                    

Chapter Four: Flashlight by: Mia

Bata pa lamang ako nang adik na adik ako sa paglalaro ng flashlight namin. Kung minsan... ehh... Napapagalitan pa ako nila Mommy and Daddy dahil sa laging nauubos ang baterya. Siguro mga 5 years old pa lamang ako. Hahahah. Lagi akong may dalang flashlight. Kahit nasa school ako, nasa kwarto, nasa labas, at kung saan saan pa. Muntanga 'di ba? Hahah. So... Mayroong hindi inaasahang pangyayari na hindi ko makalimutan. Pinaglaruan ko ang flashlight ko sa gabi. Ganito ang nangyari...

Habang sila Mommy at Daddy ay nasa trabaho pa. Minsan nag-oovertime sila. Tanging aso ko lang ako kasam ko dito sa bahay. Nang gumabi na, sinara ko lahat ng bintana at ang pinto. Mayroon namang extrang susi sila Mommy kaya nilo-lock ko ito. Sinama ko si Chloe (Aso ko) sa kwarto. Dala-dala ko ang flashlight ko. Nang makarating na ako sa kwarto ko, ilang oras lang ako nakatulog.

Bigla akong nagising dahil biglang nawalan ng kuryente. "Chloe? Chloe? Nasaan ka?" Natakot na ako ng time na iyon. Minsan kasi, kapag tinatawag ko ang aso ko, lumalapit na kaagad siya sa akin. Pero nasaan siya?

Ay! Oo nga pala! May dala ako flashlight! Pinaglaruan ko na lang ito para hindi ako matakot. Pero lalo akong natakot dahil may nakita akong anino malapit sa may pinto. Agad ko itong pinuntahan.

Nawala itong bigla. First time lang nangyari sa akin ito.

Babalik na sana ako sa higaan ko nang may makita akong babaeng nakahiga sa higaan ko. nakangiti siya sa akin na para bang may binabalak.

Sumigaw ako na tila bang walang nakarinig sa akin.

Biglang nagkaroon ng kuryente at itinapon ko ang flashlight. Nang pababa na ako at paalis na bahay. Sinusundan ako ng babae. Nakangiti parin siya. Agad akong pumunta sa Bahay nila Tito Ronald at doon na ako natulog.

Kinaumagahan, nagising ako sa tabi nila Mommy at Daddy. Gising na rin sila. Tinanong ako.

Sinabi ko na kanila ang totoo. Nagulat sila sa sinabi ko. Hindi na nagdalawang-isip sila Mommy na lumipat. Agad nilang inayos ang mga gamit namin para umalis. Ako naman, nasa labas kausap ang kapitbahay ko.

Ayon sa kwento niya, Isa daw drug addict ang babae dahil hiniwalayan daw siya ng kanyang kasintahan matapos matuklasang buntis siya. Ilang araw na raw ang lumipas at nanganak na daw ang babae. Nang gabing iyon. may narinig na lang daw silang putok ng baril at agad silang tumawag ng pulis.

Noong minsan daw na may lumipat sa bahay na iyan ay hindi niya ito tinigilan hanggang sa magpakamatay ang nakatira doon.

Natakot ako sa kanyang kinuwento at agad nang nagpasalamat. Sumunod na ako kay Mommy. Nang makalipat na kami ng bahay, Mukhang maganda rin naman siya.

Inayos ko na ang gamit ko sa kwarto ko. Habang patapos na ako, may nakasingit na papel sa bag ko. Natakot ako dahil..

Dugo ang ginamit ang ginamit pang sulat At ang nakasulat ay....

"Hindi ka makakatakas!"

Ghost Stories and Creepypasta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon