School Ghost Teacher by: Emy
Firts time ko po mag sulat tungkol sa mga nangyayari sakin.marami na po ako nararansan na kakatakutan sa buhay at isa na po ung nangyari sa isang eskwelahan ng elementarya.3rdyear highschool po ako non at may sinalihan akong grupo non ng mga kabataan YFC po yun.ibig po sabihin youth for christ.may mga bago po sumali sa grupo namin kaya gusto namin na bigyan sila ng welcome party at napagdesesyonan namin sa isang eskwelahan namin gaganapin - eskwelahan po yon ng elementarya.nag dasal kami, nag kantahan ng tungkol sa diyos tapos kumain pagkatapos natulog na. natulog kami sa stage ng paaralan kc mainit sa loob ng room pero ung iba pinili matulog sa loob ng room.mga 10 ata kmi nun ng matulog sa labas.peru bago kami natulog nag kwentuhan kmi ng tungkol sa mga multo.kilala na kasi ako ng mga kasama ko na nakakakita ako ng multo.kaya bigla nalang tinanong sakin kung sa gabing iyon may nakikita raw ba ako.inikot ko yong paningin ko sa buong paligid hanggat sa may napansain ako sa harapan namin na isang guro na naka-uniporme pa ito,maiksi ang buhok at medyo mataba pero diko lang makita yong mukha niya at nakatayo sya sa isang room na harap lang ng stage na hinihigaan namin.tinanong ko yong mga kasama ko kung may kasama ba kming guro ng gabing yon.pero sabi nila wala naman raw kaming kasamang guro tapos tinuro ko yong guro na nakita ko at sabay sabi na e sino yong guro na yan at sinabi ko sakanila yong anyo ng guro at nagulat ako nung sinabi sakin ng kasama ko na naging guro niya iyon nung siyay elementarya pa lang at namatay raw ito mismo dun sa room na yun dahil inatake ng sakit sa puso.ng marinig ng mga kasama ko na patay n pala yong nakita kung guro bigla silang natakot at nag takip ng kumot sa mukha.at hindi na sila nag patuloy ng kwento tungkol sa mga multo.pero ang hindi nila alam may isa pa akong nakita sa isang puno don n maitim na st pulang pula ung mata at mataas yon na siguro ung sinasabi nilang kapre.pero diko nalang pinansin at natulog nalang din ako.
