(11) Batang Multo

697 7 0
                                        

Batang Multo by: Jelai

1st year high school ako noon, december 31 ng gabi pumunta kami ng cousin ko sa park sa tagum para mag bonding kaming dalawa kasi minsan lang kami magkita. Nagkataon na dun xa sa amin mag new year kaya nilubos na namin na makapag bonding. Napag usapan namin na bago mg hating gabi kailangan makauwi na kami sa bahay para makapag bagong taon kami ng buong pamilya. nang pauwi na kami dumaan kami dun sa may eskinita may malaking bouganvilla duon, malayo palang medyo natakot na talaga ako at napansin ko pati yong cousin ko ay naka feel din ng takot hanggang sa medyo malapit na kami sa bouganvilla may nakita ako isang bata na naka uniporme ng pang elementary(nasa 7-8 ang edad ng bata), alam ko sa sarili ko hindi ordinaryong bata yon sino ba namang bata maglalaro ng malapit na hating gabi na nag-iisa at walang kasama tas naka uniporme pa. Sinabi ko sa pinsan ko kung nakita ba niya ung bata malapit sa bouganvilla sabi niya wag mo akong takutin dahil takot na daw sya at wala daw xang nakita. Kaya ako kumapit ako ng todo sa braso ng pinsan ko at nang malagpasan ko yong bata naka tayo sa malapit sa bouganvilla lumingon ako pero wala na yong bata. At alam ko sa sarili ko hindi ako namamalikmata dahil hanggang ngaun naalala ko pa rin ang mukha ng batang yon.

Sinabi ko sa mga kapitbahay namin yong nakita ko sabi nila baka isa daw yon sa mga batang nasagasaan dun sa eskinitang yon....

magmula nuon hindi na ako umuwi ng ganun ka lalim ang gabi medyo natakot na kasi ako un ung 1st encounter ko sa mga multo-multo... ngaun hindi mn ako makakita pero nakakaramdam pa rin ako.

Ghost Stories and Creepypasta (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon