A Mentor's Story by: Pepper
Parang sequel to ng kwento ko about dun sa "a lady's smirk.."
i supposed, iisa yung babaeng tinutukoy ng marami sa amin sa school na "pinapaniwalaan-na-ding-nagmumulto" sa mga cr..
hindi naman to nangyari sa akin personally, pero mula sa isang reliable source--- ang mentor ko nung college..
alumna sya sa school kaya mas madami syang alam na horror stories.
dahil sa may mentoring session kami with her, napakwento na sya sa amin tungkol sa mga dapat iwasang lugar sa school kapag gabi.
isa sa mga nabanggit nya ang cr sa fouth floor.
third year college daw sila ng bestfriend nya ng maisipan nilang tumambay sa cr na yon.
nagta-touch up sila dahil malapit na silang mag uwian at susunduin daw sila ng boyfies nila..
habang busy sya sa paglalagay ng blush on, nagsusuklay naman daw ang bestfriend nya habang nakaharap sa salamin.
bigla daw silang natigilan ng may naramdaman silang kakaiba. dahil psych majors sila, masasabi kong sensitive talaga siguro sila sa mga kakaibang bagay.
napatulala daw agad ang mentor ko sa reflection ng bestfriend nya.
out of nothing naisip nya lang na tingnan ang reflection nun sa salamin...
Nagsusuklay parin daw yung kasama nya nang bigla nalang naiba yung gnagawa ng reflection ng bestfriend nya..
Dahil nagulat, natigilan silang magbestfriend.
inulit daw ng bestfriend nya ang magsuklay. kanang side ang sinusukalyan nun pero left side ang ginagawa ng reflection nya.
Sa sobrang takot nila eh inulit daw nila ang suklayin naman ang kabilang side ng buhok ng bestfriend nya..pero kabaligtaran talaga ang ginagwa ng reflection nya ,na this time eh nakakaloko na ang ngiti at mukang possessed ang mata...
Napadasal daw sila ng "Hail Mary" pero mas laking gulat nila na nanlalaki ang mata nung reflection ng bestfriend nya sa salamin, umuusal din ng "Hail Mary" sa malakas na boses, nakangiti ng nakakaloko at habang hinihilig pa ang ulo from left to right and vice versa..
