(80) Haunted House

289 1 0
                                    

Cj's note: Hiwalay po ito. Sinakto ko lang talaga na maging 80 pages ito. HAHA XD

Nasa labas ng terrace ng gabing iyon si Pauline.

Nag-ba-browse siya sa kanyang laptop at kasalukuyang nag-fi-facebook.

Kausap niya gn kanyang mga kaibigan sa chat.

Tutal ay march na, wala ng gaanong gaagwin sa school, kaya pwedeng pwede na siyang magpuyat, pati ng mga kaibigan niya.

Silang lahat ay hindi na makapaghintay sa nalalapit na pagtatapos ng high school , at ang bakasyon nila, sa wakas ay makakapagbakasyon na rin sila matapos ang 10 buwan na pamamalagi sa 4th year at sa wakas ay lilisanin na nila ang high school.

Habang magkakausap sila sa chat ay napag-usapan nila ang kanilang mga gagawing pagbabakasyon.

Kung saan at kailan at kung sinong mga kasama nila sa bakasyon.

Pauline: guys san ba kayo magbabakasyon?

Wing: hindi ko pa alam eh, hmm pero sa province siguro.

Pauline: saan ba province niyo?

Wing: sa Bicol eh, may old ancestral house doon ang lola at lolo ko sa mother’s side.

Jane: ako, di ko pa alam, baka dito lang ako sa bahay.

Pauline: nasaan ba yung iba? Bakit hindi sila online.. :-/

Wing: baka nag didinner pa sila, well anyway ikaw Pauline saan ka magbabakasyon?

Pauline: hindi ko pa nga alam.. pero I have an idea!

Wing: ano naman yun?

Jane: ano yun Pau?

Pauline: BAKIT HINDI TAYO MAGBAKASYON SA PROVINCE NIYO WING?

Wing: HA? Okay lang sa akin basta payagan kayo ng parents niyo.

Pauline: okay call! YESSSSSS!!!

Jane: SIGE! SASAMA ako! Kailangan ko ng magpaalam sa parents ko.

Pauline: Jane, ikaw na bahala magsabi sa iba nating kaklase ha? Yung mga sasama, sumama na lang sila. Wing, ikaw na bahala sa date kung kelan? Basta inform mo kami after ng graduation natin, ayusin mo na rin ang schedule ng pag-alis natin. BRB. Dinner na rin kayo, kakausapin ko mom and dad ko. See you tomorrow!

Iyon lang at nag-log-out na sa facebook si Pauline.

Excited niyang tinungo ang komedor para kumain kasabay ng kanyang mama at papa at mga kapatid.

Habang kumakain ay nagpaalam si Pauline sa gagawin nilang bakasyon sa Bicol kasama ng mga higschool friends niya.

“Nak hindi ba delikado?” tanong ng mama niya.

“hindi po May, kasi po bahay naman ng lola ng classmate namin yung titirhan namin” magalang na sagot ni Apuline sa kanyang Ina.

“naku, kausapin mo daddy mo.” Saad ng kanyang Ina sabay tingin sa Daddy nya.

Tumayo naman si Pauline at niyakap ang ama.

“dad…please let me go?” paglalambing ni Pauline sa Ama.

“Pau, ano ka ba? Gagraduate ka pa lang ng highschool sa Bicol ka na agad tutungo?” saway ng Ate Lisette niya.

“Ate naman, ang KJ mo naman. Ma, Pa, please? Kahit ito na lang graduation gift niyo sa akin, first honor naman ako eh”sabay kindat at pa cute sa hapag-kainan.

Bahagyang nag-isip ang Daddy nya.

“okay, sige papayagan kita, basta i-update mo kami lagi ha? And be a good girl always pag nandun ka na.” saad ng Daddy niya.

Ghost Stories and Creepypasta (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon