The Big House by: Grace Pamintuan
Lesson: Sa mga mag-rerenta ng bahay dapat nyo munang i-check ang background bago nyo ito upahan..or else ganito ang mangyayari sa inyo....
My grandfather then was a Director of Forestry in Northern Luzon kaya madalas nadedestino sya sa ibang province at city. Every vacation at weekends naka-ugalian na namin ng lola ko na sumama sa kanya. I grew up with my grandparents. I was only 2mos old then ng pina-alagaan ako ng parents ko sa kanila.
It was a summer vacation when my grandfather assigned in one of the city in pangasinan. I was in my elementary days that time that's why everything is still fresh in my memories. My grandfather rented a house, actually a big old house na ang may ari daw nasa america na. Napaka-laki ng lote. Magka-bilang dulo ng street ang gate nito. Ganon kahaba ang lote at ka laki ang bahay na un. Nasa 1st gate ang garage na napaka-luma na ng yerong andoon at isang maliit na bodega at isang puno ng santol.
If you will enter the house you will feel something is not right, mabigat na sa pakiramdam, that's why I still remembered that the 1st time I went there sobrang takot na takot na ako, even if the house is painted in white color mahirap i-explain pero madilim pa din syang tingnan. The house has 5 big rooms, 2 big receiving area, 2 big dining room, one big space for the cooking area. 2 big bathrooms and 1 big veranda. At the back of the house is a rice field already and you will not see anymore house. Paano naman kasi nasa sulok na yata ng siyudad nakatayo ang bahay na un. At ewan ko ba sa lolo ko at ganoon ka-laking bahay pa ang kinuha nya eh kung tutuusin pag pasukan na lang eh sya na lang, katulong at driver ang matitira doon, dumadami lang kasama nya pag weekends at kung bakasyon dahil nag-i-stay din doon ang kapatid nya at pamilya nito pero madalang naman.
I don't have a 3rd eye but I have a strong feelings parang hindi lang kami ang nakatira sa bahay na un, katabi ako ng lolo at lola ko sa pagtulog at sa gabi parang may nakatingin sayo from outside of the window. Dahil siguro sa tagal na din na nabakante ang bahay hndi malayong binahayan na ng kung anong maligno or multo ang bahay na un.
Maraming nangyari sa amin while staying in that house, holiday yun at sympre kumpleto ang boong pamilya. Pagkatapos ng party since pagod ang lahat kami ay madaling nakatulog. Madaling araw ng sumigaw ang tita ko at iyak ng iyak, kinokumbolsyon ang pinsan ko na baby pa, ang taas ng lagnat at tumitirik na ang mata na nanigas na ang bata. Tinakbo naming ng hospital yun sa awa ng diyos, gumaling ang pinsan ko. Pero nakakapagtaka na bigla na lang lalagnatin ung baby na walang reason.
Minsan ding napansin namin na palaging nawawala ang maid namin every 6pm ng gabi..yun pala pumupunta sa likod ng bhay at nandoon sa likod ng puno ng niyog may kinakausap na wala naman, meron daw syang manliligaw na gwapo na lalake at gusto
na daw syang kunin at gwing reyna sa kung saang lugar nila. Naging tahimik ung maid namin at malulungkutin at madalas mahuhuli mo syang nagsasalita mag isa na parang may kausap, pinipilit nyang ikwento na binibigyan sya ng ginto ng lalakeng di nya nakikita pero pag ipapakita na nya ung sinasabi nya tuyong dahon naman ang makikita mo.
Until one day, since pasukan na kina-ilangan naming bumalik na sa family house so ginawa ng lolo ko pinatira doon ang tita ko na niece ng lolo ko na bagong kasal. Since wala naman silang ginagawang mag-asawa eh sila na muna ang makakasama ng lolo ko. Doon din sila nagstay sa room kung saan nakumbolsyon ang pinsan ko. Ang room na un ay malapit sa garahe kung saan andoon ang puno ng santol
Nabuntis ang tita ko pero nakunan ito sa hindi maipaliwanag na reason, basta na lang patay ang bata ng ilabas ito at pinakamasakit lagi ng nagkaksakit ang tita ko after noon, kahit na saan doctor sila magpunta hindi naman gumagaling ang tita ko, nandoon na parang nangulobot ang balat nya at parang nasunog sya, at hanggang dumating ang point na sisigaw na lang ito ng hating-gabi dahil may nakikita daw syang maliit na bata na kasing-laki ng platito ang mata. Minsan naman may gigising sa daw sa kanya kapag himbing na himbing sya sa pagtulog. At madami syang naririnig na mga nag-uusap at naglalarong mga bata at nag-iiyakang mga sanggol sa may puno ng santol. Hanggang sa hindi na talaga mai-explain ang condition ng tita ko. Halos mabaliw ang tita ko sa nangyayari sa kanya. Doon lang nag-patawag na ng albularyo ang lola ko
at sinabi nga ng albularyo na pinaglalaruan ng mga tiyanak ang tita ko at iyon din ang reason kung bakit nakunan ang tita ko. Ang puno daw ng santol ang pinamamahayan ng mga tiyanak. Hindi lang daw kami ang nakatira sa bahay na un, nasa likod ng bahay sa may puno ng niyog ang kaharian engkanto na lalake na syang sinasabi dati ng maid namin na nanliligaw sa kanya.
Dahil sa mga nangyari, kina-usap ng lola ko ang caretaker ng bahay. Doon lang nalaman ng grandparents ko na almost 10yrs ng hindi natitirhan ang bahay na un, since wala naman bumibili kahit na pinagbibili na pina-paupahan na lang para may kita ang caretaker kahit papano dahil sa hindi na din sila pinapadalhan ng may ari ng bahay. Nasa kabila ng street lamang ang bahay ng caretaker si ate gemma, khit na daw napakaliit ng bahay nila na halos pwede ng magiba isang ihip lang eh mas gugustuhin na nilang tumira doon kesa sa malaking bahay dahil kahit na wala sila doon minsan nakikita nilang parang may mga nakatira doon pag gabi kahit naman wala naman..at kahit pala mga taong dumadaan doon sa gabi eh halos di tumitingin sa bahay dahil kung ano-ano nakikita nila..
Ang puno pala ng santol ay libingan ng mga baby ng mga nabubuntis na katulong doon dati na nagpapalaglag.
Galit na galit ang lola ko sa lolo ko dahil bakit kumuha ng bahay na di tsinetsek ang background nito. Katwiran ng lolo ko malapit sa opisinang pinapasukan nya at offer yun ng kumpare nya. Pero dahil na rin sa mga di maipaliwanag na mga nangyari at dahil na din sa galit ng lola ko hindi na nagdalawang isip na maghanap ng ibang mauupahan ang lolo ko.
