babae sa bakanteng bahay by:MArky_hacker14
eto naman yung karanasan ko sa multo nung nag wo work pa ako sa mcdo. grupo kami ng magkakabarkada sa mcdo at puro kami closing team nun so mga 11 to 11:30 pm na kami natapos sa paglilinis sa loob ng mcdo. napag isipan namin na mag inuman ng mga barkada ko. wala kming mapwestuhang lugar nun kaya dun sa katabing bahay ng barkada ko kami nag inuman pero sa may labas lang ng gate. kaharap namin yung pinto ng bahay na may screen door pa. walang ilaw dun sa loob ng bahay so expected ko na baka tulog na yung mga tao dun. lumalalim ang gabi at napaparami na kami ng inom so mdyo lumalakas din ang kwentuhan namin. that time may kasama kaming babae na hindi naman umiinom pero nakiki kwento lang din, may nakita akong babae na naka silip sa may sa loob ng screen door at naka titig sakin na parang galit na galit. kasi nanlilisik mga mata nya. so sinaway ko yung iba ko pang mga barkada na hinaan lang yung kwentuhan kasi baka nakakaistorbo na kami sa may bahay.parang galit na yung babae sa loob. hindi tumigil sa malakas na kwentuhan yung iba kong barkada pero yung dalawang tropa ko na taga dun lang sa lugar na yun eh nag bulungan. tinanong nila ako kung anung itsura nung babae...basta sabi ko maputi sya at hindi masyadong mahaba ang buhok at nanlilisik nga mga mata nya...mayamaya pati yung babaeng kasama namin eh sinaway narin kami kasi nakatitig din daw sa kanya yung babae sa loob ng bahay at galit din daw. biglang nagtatakbo yung tropa ko na taga doon sa lugar na yun tapos nagsisigaw ng .... wag na tayu dyan kasi bakanteng lote yan walang nakatira jan sa bahay na yan 10 years ng walang tumitira jan... napatakbo narin kami kasi hindi namin alam kung sino yung nakita naming yun sa loob ng bakanteng bahay na iyon.tinanung namin yung barkada namin na taga doon sa lugar na iyon kung bkit walang tumitira dun. ang sabi nya eh simula ng mamatay yung may ari nun sa stroke eh binenta nalang daw nung iba pang kaanak ng pamilya yung bahay dahil puro nasa abroad na mga anak nila pero since then wla pang bumibili nung bahay kaya cguro pinamahayan na ng multo. sya nga pala yung lugar na tinutukoy ko eh sa may golden city subdivision sa may santa rosa laguna...
