(12) Kababalaghan sa pagkamatay ni Lolo

642 11 0
                                        

Kababaghan sa Pagkamatay ni Lolo by Lovebern

BEFORE NAMATAY ANG LOLO KO.. Lagi nyang sinasabi samin na palaging may nagpapakitang babae sa kwarto niya. Pero di kami naniniwala.

Nang manghina na si Lolo, nabigla ako sapagkat lagi na siyang sa kwarto ko natutulog.

Hinayaan ko na lamang siya, nang biglang isang gabi kakauwi ko galing school. Napaisip ako kung bakit di ko nakitang lumalabas ng kwarto si Lolo, kaya minabuti ko na lamang na tignan siya sa loob ng kwarto bago ako magmerienda.

Sa aking pagpasok ng kwartoy bigla akong nagulat sapagkat nakita ko si Lolong nakahiga sa kamat di na gumagalaw. Dilat ang kanyang mga mata at may nakapatong na upuan sa ulo niya na tila may naka-upo. Sa aking gulat ay dali dali kong tinawag ang aking Lola.

Pagdating ni Lola ay agad niyang tinangal ang upuan nang biglang napatingin siya sa amin na parang tulala. Kasabay nitoy aking naramdaman ang kakaibang pwersa sa paligid. Hindi ko na ito sinabi kay Lola...

Lumipas ang ilang mga araw nang may parang iba akong nararamdaman...

Lagi kong sumabay pumasok sa school ang aking kaibigan na si Welcris, lagi ko siyang kasama. Isang tanghali, bumili ako nang pagkain sa tindahan. Nagulat ako ng makita ko si Welcris. Nakatingin siya sakin at tulala. Bigla nya kong tinanong kung bakit ako nasa labas ng bahay... napa-isip naman ako kung bakit nya ako natanong ng ganun. Sinabi sakin ni Welcris na naririnig nya daw akong nagsasalita sa loob ng bahay, mula mismo sa dating kwarto ni Lolo. Na-ulit ng madaming beses ang ganitong pangyayari. Sobrang natakot na ang aking mga kaklaseng pumunta ng bahay lalo na nung minsang napag-kasunduan naming matulog sila sa aming bahay. Ang sabi nila may tila sumisigaw daw sa kanilang mga tenga....

Ghost Stories and Creepypasta (Completed)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon