chapter 1 : the graduation

822 16 6
                                    


".. and for the valedictory address lets give a round of applause to jeremy alden mendoza"

.. ayan na sya paakyat na sya sa stage gusto ko sana sya icheer , gusto ko sana isigaw sa buong Seirin high school na crush na crush ko ang lalaking yan o kaya naman ang talino talaga ng crush ko .. pero dahil wala akong lakas ng loob para isigaw ang kahit ano man sa dalawang yan eh ngumiti nalang ako ng sobrang laki feeling ko nga mapupunit na gilid ng labi ko eh pero hindi ko talaga mapigilang hindi ngumiti habang nakatitig sa kanya at maglaway dahil sa dami ng sinasabi nyang d ko maintindihan .. english kasi hehe ..

syempre joke lang yun kahiya naman kung dito pa ko magdodrool , sa mismong graduation pa namin at sa harap ng napakaraming tsismosa kong classmate na updated lagi sa fb ang mga happenings sa school , pero hayaen na nga sila di naman sila ang bida dito sa kwentong to ..

so balik tayo sa story ko ..

at eto nga ako attentive na attentive kasi ang pinakamamahal kong crush ang nagsasalita sa stage ..

grabe ang galing nya talaga mag english ...

kahit papanu naman eh naiintindihan ko yung sinasabi nya nuh ..

kung di nyo naitatanong isa din ako sa honor students ng Seirin high kaya nasa unahan ako sa hanay ng mga graduates at full view ko talagang napapanuod kung panu bumuka ang bibig ni crush , kung panu huminga ng malalim at kung panu tumingin sa bawat estudyante ng Seirin ..

sa sobrang pagkatitig ko hindi ko namalayan na nagbibigay na pala ng academic awards at wala na sya sa stage at nung tinawag na yung pangalan ko para sa award kong best in mathematics na kasama ko rin sya,

panu ba naman halos lahat yata ng award nakuha na nya ..

bago ako tumayo hinawakan ko muna yung bibig ko , baka kasi may laway nga ,.. hehe .. wala naman kaya tumuloy na ko ,

parehas nga pala kami best in math kaya nagkasabay kami sa stage ,,

nang makikipagshakehands na ko sa principal eh di ko napansin na katabi ko na pala sya

nagkadikit ang balikat namin kaya napatingin ako sa kanya at nginitian nya ko .. ngumiti rin ako sa kanya para hindi halatang kinikilig ... sheeemmmssss

naghawak ulit ako sa labi ko .. chineck ko lang kung talagang walang laway baka kasi meron eh .. nakakahiya ..

tatalon na sana ako kasi nginitian nya ko kasu naalala ko 5 inches nga pala ang heels ko at nasa stage pa ko ..

grabe talaga hindi ko makalimutan nginitian nya ko ,kung wala lang akong short baka nahulog na panty ko dito sa stage tapos malalaman ng lahat na sponge bob ang design ng panty ko .. oh no ..

bumaba na kami sa stage after mabigyan ng award ..

bandang hapon natapos din ang graduation at nagsimula nang magready ang lahat para sa graduation ball ..

" ANGIE !! " napalingon ako dun sa nagtawag sakin at ayun nakita ko lang naman ang aking bespren na tumatakbo palapit sakin .. take note ha 5 inches ang heels nya ..

nakakaloka talaga tong babaeng to .. makikipag high five talaga ako dito sa katabi kong puno pag nadapa sya at nakipaglips to lips sa lupa ..

ay uo nga pala nakalimutan kong magpakilala .. kaloka nauna nyo pang malaman ang design ng panty ko kesa sa pangalan ko ..

anyways im angelica lopez at yung tumawag kanina ay ang aking bespren since elementary na si jellyn loreno ..

" hinay lang naman sa pagtakbo , buo parin naman ako mamaya kahit malate ka ng ilang segundo nuh " sabi ko sa kanya habang iniintay syang makalapit ..

" alam ko naman yun nuh .. kahit kasi lamok hindi ka kakagatan dahil sa takot na mahawa sa kabaliwan mo" sabi nya nang makalapit na sya saken ..

tingnan mo tong babaeng to ako na nga tong concern sa lupa este sa kanya pala , mang aasar pa ..

" napakabait mo talagang kaibigan " sarcastic kong sabi
di naman ako galit .. ganyan lang kami maglambingan nyan haha .. sweet namin nuh .. batukan ang batian namin nyan eh ..

" uo na " nakaismid nyang sabi ngumiti din naman pagkatapos "uwi muna tayong bahay iiwan ko lang tong mga gamit tsaka magpapalit narin ng flats para hindi naman masakit sa paa maya sa party party " sabi nya at sumayaw pa pagsabi ng party party ..

naku talaga tong babaeng to kunwari mahilig sa party pero pag nagsasayawan na nakaupo lang ,

kaya nga maninipis na yung mga upuan sa classroom namin eh .. kasalanan nya ..

" uo na tara na " sabi ko nalang habang nakalingon kay jeremy ..

syempre nuh kelangan may huling sulyap bago umalis .. hehe

" hay naku angie , kahit anung titig mu jan .. hindi yan lilingon sayo .. tingnan mu oh nakatitig sa crush nya " sabi ni jellyn habang nakaturo pa kay jeremy na nakatingin nga kay marien , classmate din namin ,, mataas sya, maputi at maganda samantalang ako eto 5 ft lang ang taas , hindi kaputian at higit sa lahat hindi kagandahan .. pero hindi ako pangit ha mas maganda lang talaga sya ..

" alam ko .. tara na nga "

naglakad na kami pauwi .. pinalitan ko na yung heels ko ng doll shoes para hindi na sumakit paa ko mamaya ..

bumalik narin kami sa school ni jellyn pagkatapos namin magpalit .. walking distance lang naman ang bahay namin sa school eh kaya nakarating din kami agad after 10 min. ..

nagsasayawan na yung iba pagdating namin .. yung mga classmate ko naman nagbibigayan na ng remembrance sa mga friends nila .. wala naman na kaming ginawa nakipagkwentuhan lang sa mga classmates at friends .. may mga nag iinom ng beer pero ibang section lang ..

may nag alok sakin ng sayaw pero tinanggihan ko .. bukod kasi sa amoy alak na sya eh hnd rin ako sanay makipagsayaw .. wala pa nga akong first real dance eh ..

natapos din ang graduation ball at nagsiuwian na kami ..

nagpaalam na sa mga classmates kasi hindi naman kami lahat sa iisang school mag aaral pag college tsaka hindi rin kami sigurado kung lahat kami magkakacollege .. kaya siguradong bihira nalang kami magkikita o baka nga hindi na ..

stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon