" bestie tara sa library .. sabay na tayong gumawa ng assignment "
tatlong araw na din ang nakakaraan mula nung reunion namin .. at sa loob ng tatlong araw na yun ay hindi ko na madalas makasama si bestie after school .. maaga siyang umuuwi .. at ang masakit pa .. parati siyang sinusundo ni bryan .. at inihahatid sa pagpasok ..
masakit ??
MASAKIT talaga ??
angelica ha .. ano naman yang masakit na pinagsasabi mo .. ha .. sinampal ka ba ?? kinagat ?? sinuntok ?? ano ???hayysssttt ..
ewan ko ba ..
hindi ko alam kung bakit ang bigat bigat ng pakiramdam ko ..hindi ko alam kung dahil ba sa hindi na kami madalas magkasama ni bestie .. o dahil parang hindi lang ako sanay na sila lang dalawa ang magkasama ni bryan ..
bryan ??
ano ba tong naiisip ko .. baliw na nga yata talaga ako ..
o siguro dahil matagal ko na ring hindi nakakasama si jeremy .. kailangan ko lang sigurong masulyapan kahit isang segundo lang yung vitamins ko ..
hehe ..
"sorry bestie .. nahhihintay na si bryan sa labas eh .. kailangan ko nang umuwi" ..
hayyy ayan na nanaman siya .. sige magsama kayo .. kayo na .. kayo na talaga .. konting konti na lang .. sasabog na talaga ako ..
ano bang meron sa kanila at hindi na sila mapaghiwalay .. gusto ba nilang pagbuhulin ko na sila ..
nakakapikon na ha ..at ang kapal din naman niyang bryan na yan .. ni hindi man lang namamansin .. feeling famous .. akala mo kung sino .. hmp ..
hindi naman sobrang gwapo ..(hindi nga ba ?)
at kahit pa gwapo pa siya .. mali pa rin ang hindi man lang tumingin at bumati ..
sabagay kelan ba naman namansin ang isang supladong si bryan .. at bakit naman niya ko babatiin ? birthday ko ba ? hindi naman eh ..
pero kahit pa .. di ba magkaibigan naman kami .. eh kahit mag hi hindi niya magawa .. tsk .. nakakainis ..
nakakainis talaga ..
ang mas nakakainis pa eh hindi ko alam kung bakit ako naiinis ..
hay sa sobrang komplikado ko .. pati sarili ko kinakausap ko na at inaaway pa ..
" pero --- "
magsasalita pa sana ako nang mapansin kong wala na pala sila ..
sabi ko nga eh .. ako nanamang mag isa .. bahala na nga sila .. magsama sila .. mga taksil !!!
taksil talaga ??
bakit kayo ba ha ? kayo ba ?taksil---
taksil si bestie .. kasi pinagpalit niya ko kay bryan ..kayo talaga kung ano ano iniisip ..
makauwi na nga din ..
kaya ko naman mag isa eh .. sanay naman na ako ..
lumabas na ako ng room at nagsimula nang maglakad ..
bakit nga ba sila parating magkasabay ?
bakit hatid sundo siya ni bryan ?
nanliligaw ba si bryan kay bestie ?
pero bakit hindi ako masaya ?di ba dapat masaya ako para sa kanila ?
di kaya ??
may gusto ako kay ------" AY KABAYONG WALANG PAA !!"
aatakihin yata ako sa puso ..
" 😀 hi "
pagkatapos akong gulatin .. anong sinabi ?
hi ?? at nakangiti pa talaga ..
pasalamat ka cute ka .. kung hindi haist nakagat na kita .! .. i mean nasapak na kita ..
ang landi talaga angie ..
" uy jeremy, ikaw pala 😊"
maria clara is on again ..
BINABASA MO ANG
stalking my crush
Teen FictionJEREMY ang crush niya since first year high school .. inakala niyang hindi na niya ito makikita after graduation ngunit sa di inaasahang pangyayari ay makikita niya ito sa college school na papasukan niya .. kasabay ng pagkakita niya sa kanyang lo...