ang iniiiittt .. pawis na pawis na ako habang nakapila dito sa tapat ng registrar's office ng camarines norte state college .. may na kasi ngayon at simula na ng enrollment at kanina pa ko nakatayo dito para namang di umuusad yung pila ..
" antagal naman "
"ang init"
"number ano na ba? "grabe pa ang ingay nagrereklamo na lahat ng estudyante dahil sa mabagal na pag usad ng pila ..
kanina pa akong umaga dito at hanggang ngayong lunch break na eh nasa may hulihan parin ako ..
accountancy sana ang course na kukunin ko .. ang kasu close na daw lahat ng course sa lahat ng department maliban nalang sa CAS (college of arts and sciences) at electrical engineering ..
wala akong magagawa kaya ab sociology nalang ang kinuha ko .. yun nalang daw kasi ang bakante eh .. siguro magshishift nalng ako pagsecond sem ..
" ate anung course ang kukunin mo ??" tanong sakin nung nasa likod ko , maputi sya , mas mataas lang ako ng konti at namumula ang tuka .. ay antaray ng pilik mata ni ate , umabot na hanggang kilay sa sobrang haba ..
" sociology kaw ba ? " sabi ko naman ..
" ganyan dn .. tungkol b san yan ?"
" di ko nga rin alam eh .. hehe "
" hahahaha .. pwede patingin nung result mo sa Entrance exam ?"
binigay ko naman yung folder ko sa kanya ... kung saan nakalagay lahat ng requirements ko .." wow antaas naman ng result ng exam mo " sabi nya pagkatapos tingnan ung folder ko ... nginitian ko lang sya .. wala ako masabi eh ..
nag usap lang kami ng nag usap .. angeline pala name nya at parehas pang angie ang nickname namin .. ang weird lang pag tinawag ko syang angie kasi parang tinatawag ko sarili ko , kaya i decided to call her angeline ..
habang magkausap kami ay may nakita akong magandang tanawin
naglalakad sya sa may tapat ng registrar .. ang pwesto kasi ng pila eh nasa may taas .. bale may hagdan muna pababa and then sa baba na yun eh yung kalsada pero loob paren ng school .. doon naglalakad yung magandang tanawin ..
deretso lang sya kaya di nya ako napansin ..
bakit sya nandito .. alam ko hindi ko pag aari itong school , public place eto kaya kahit sino pwede .. pero nagtataka lang ako .. akala ko kasi sa UP sya mag aaral .. pero bakit nandito si Jeremy ?
at dahil ako ay dakilang curious at may pagkatsismosa ,pero slight lang , eh sinundan ko sya ..
" ui pahawak naman muna nitong folder ko .. may pupuntahan lang ako text mo ko pag malapit na tayo ha .. salamat" pagkasabi ko nyan kay angeline ay tumakbo na ko para sundan si jeremy ...
nakita ko syang papunta sa engineering department .. at may mga kasama na sya ..
meron na agad syang kaibigan lumapit pa ako lalo para marinig ko yung pinag uusapan nila ..
may hawak syang registration form .. ibig sabihin dito sya NAG ENROLL
" YES !! " napasigaw ako sa tuwa kaya napalingon sa may pwesto ko si jeremy at ang mga kasama nya
patay anung gagawin ko .. makikita nya ako ..
sa sobrang pagkataranta ko nahila ko yung lumalakad na bagay sa may gilid ko at dun ako nagtago ..
sinilip ko sila jeremy , hindi na sila nakatingin ..
napabuntong hininga nalang ako .. haay muntik na ko dun ah ..
ansaya ,, dito pala sya mag aaral ,, magiging schoolmate ko sya .. madalas ko na syang makikita at baka ito na ang simula ng love story namin .. yiiiieeeee
ngiting ngiti pa ko habang iniimagine ko si jeremy at ako na magkasama ..
pero bakit parang pakiramdam ko may nakatingin sakin ..
tingin sa kanan
tingin sa kaliwa
sinilip ko ulit si jeremy kasi baka nakita nya na pala ako ..
pagtingin ko kay jeremy .. hindi naman sya nakatingin ..
napansin ko na hawak ko pa pala yung bagay na hinila ko kanina ..
napatingin ako sa ibaba .. bakit nakasapatos ??
saka ko lang narealize
oh my .. d kaya .....may manikang nakakalat sa CNSC at nakasuot ito ng black shoes ??
de joke lang .. im just messing up with my mind .. hehe .. pero d nga kinakabahan akong tumingin sa taas baka kasi may umipot na ibon at magshoot sa bunganga ko ..
yuck anu ba namang nasa isip ko ..
tumingala na ko kasi feeling ko talaga may nakatingin sakin eh ..
hala meron nga bat may anghel dito ? hawak hawak ko pa ang braso ng anghel .. pero di ba mababait ang anghel ? bakit ang isang to salubong ang kilay ?
" anu sa tingin mo ang ginagawa mu ??" oh oh .. lagot na .. di ko naman alam na tao pala yung nahila ko kanina .. pano ba to ..
" hehe .. " awkward kong tawa .. hinga ng malalim angie
tingin sa kanan
tingin sa kaliwa
parang nangyari na to ah ?? .. di bale na nga ..
ok clear .. inhale .. TAKBO ...
mabilis akong tumakbo paalis dun sa harapan nung lalaking salubong ang kilay ..
walang lingon likod na umalis ako doon naririnig ko pa syang tumawag pero hindi ko na pinansin .. nakabalik na ko sa may registrar .. nakita ko naman agad si angeline ..
" haa haa haa ampagod " napatingin saken si angeline
" anong nangyari sayo ? "
" wala .. may tinakasan lang .. anong no. na ba ??" iniba ko na agad ang topic .. wala ako sa mood magkwento eh .. mamaya nalng siguro ...
" malapit na tayo .. 249 na .. nag lunch lang c maam kaya nagtigil muna ... kain narin muna tayo"
malapit na nga , no. 270 kasi ako ,271 naman sya ..syanga pala lunch break na .. ngayon ko lang naramdaman yung gutom ..
" sige tara na gutom narin ako eh "
naglakad na kami papuntang canteen para kumain at doon ko narin kwenento sa kanya yung nangyari kanina .. at tutal kaibigan ko narin naman sya eh sinabi ko na yung about kay jeremy .. tawa nga sya ng tawa eh .. ang epic daw kasi ng nangyari sakin ..
haay namiss ko tuloy si jellyn .. ganyan din yun eh ... sa halip na damayan ako eh tinatawanan pa ko .. hahaha .. sayang lang at hindi sya magcocollege .. magtatrabaho muna sya para makaipon ..
pagkatpos naming kumain ay bumalik narin kami sa registrar .. nakakuha narin agad kami ng enrollment slip at nagbayad sa cashier para makakuha ng registration form ..
pagkatapos naming makaenroll ay nag paalam na kami sa isat isa at umuwi na .. magkikita nalang kami sa pasukan .. nagpalitan narin kami number .. isang araw palang may bestie na ko .. parehas kasi kami ng ugali kaya siguro madali kaming nagkasundo ....
haaayy ... konting araw nalang pasukan na .. naeexcite na akong makita si jeremy .. :)
BINABASA MO ANG
stalking my crush
Teen FictionJEREMY ang crush niya since first year high school .. inakala niyang hindi na niya ito makikita after graduation ngunit sa di inaasahang pangyayari ay makikita niya ito sa college school na papasukan niya .. kasabay ng pagkakita niya sa kanyang lo...