chapter 12: friends na kami part 2

106 4 0
                                    

loko talagang bestie yun ..
.. bigla ba namang nagpaalam kanina na may pupuntahan siya ..

ayan tuloy naiwan ako dito sa dalawang to .. sabi ko sasama nalang ako sa kanya ..

ayaw naman kasi nga mga high school classmate daw niya ang imemeet niya baka maOP lang daw ako ..

as if naman hindi ako OP dito sa dalawang to .. -_-

grabe .. para akong alalay nilang dalawa .. nakasunod lang ako habang sila parang enjoy na enjoy na nagkwekwentuhan ..

hellow ! andito pa ko oh ..

naglakad lang ako ng nakatungo habang nakasunod ..

aray naman .. haaay naku naman sobrang liit ko na ba para hindi makita ?

may nabangga kasi ako at may dalawang kamay na nakahawak sa magkabilang braso ko kasi muntik na ko matumba

napatingin naman ako kung sinong walanghiya ang bumangga sakin ..

0.0 eehhh ?

bakit sila nakatingin sakin ??

ano nanaman ??

"bakit kayo tumigil ? hehe" awkward kong sabi .. si jeremy at bryan lang pala eh ..

nasa kanan ko si jeremy at sa kaliwa naman si bryan at pareho silanh nakahawak sa braso ko para hindi ako matumba .. kasi di ba nga napabangga ako sa kanila ..

tumayo narin ako ng maayos kaya inalis narin nila yung kamay nilang nakahawak sa braso ko ..

"kala kasi namin nawala ka na .. amg tahimik mo kasi" -jeremy

ngumiti naman ako kay jeremy ..

"ok lang ako .. sige tuloy niyo lang ang paglalakad niyo" sabi ko habang nakatingin sa kanya at saka ngumiti

"yun naman pala eh ... tara na" irita namang sabi ni bryan at nauna nang maglakad ..

tingnan mo to .. ang sama talaga ng ugali .. haaayyy ..

naglakad nadin si jeremy at hinabol siya ..

ANG MANHID NIYO !

mukha ba kong OK ??

sinabi ko lang yun kasi si jeremy yung nagtanong ..

hindi ako OK !

mapapanis na yung laway ko dito..

buti pa yung utak ko napakaingay .. haaay baka naman pag kinausap ko sarili ko eh may lumapit sakin at bigyan ako ng barya .. akalain na baliw ako .. *pout*

nakarating din naman kaming centro .. since hindi ko naman alam kung saang way sila pupunta .. eh nagderetso na ko dun sa short cut na madalas kong daanan ..

sumunod naman sila sakin ..

teka ?? bakit dito din sila pupunta ??

i mean si jeremy pwede kasi last time dito rin siya dumaan ..

pero si bryan ?

"oops teka lang .. hindi naman dito ang daan mo ah" sabi ko habang nakataas pa ang dalawang kamay .. yung kaliwang kamay ko eh nakaharap ang palad sa kanila .. yung parang sign na tumigil .. yung kanan ko naman eh nakaturo kay bryan ..

"bakit alam mo ba kung saan ang bahay ko ?" irita niyang sabi "gusto mo lang masolo tong isang to eh" bulong pa niya sakin ..

namula naman ako ... hindi naman yun ang intensyon ko eh ..

nagtataka lang talaga ako ..

"hoy hindi ah .. ok fine bahala ka na nga" inis kong sabi at nagpatuloy na sa paglakad .. nalilito naman si jeremy saming dalawa ..

nauuna ako kaya hindi na ko nakapagpaalam nung makalabas kami sa backgate at lumiko na ko sa kanan ..

umikot ako pakaliwa at tinignan yung dalawa .. pero si jeremy lang yung nakita kong nakatalikod at naglalakad sa kabilang way ..

may umakbay naman sa may kanan ko kaya napalingon ako at nakita ko nanaman ang nakakalokong ngiti ni bryan ..

tumaas naman yung kilay ko ..

"sinusundan mo ba ko ? at kung makaakbay ka parang close tayo ah" sabi ko sabay tanggal na kamay niya sa balikat ko ..

"dont flatter yourself clumsy .. dito rin ang daan ko pauwi .. ako nga yung nagulat sayo nung dito ka papunta .. at saka ang sakit naman kala ko ba friends na tayo .. ikaw pa nga nagsabi" sabi naman niya sakin at humawak pa sa dibdib na para talagang nasasaktan

tss .. may nasasaktan bang nakangiti ..

pero anu daw ?

anong sabi niya ??

what ? dito rin ang daan niya pauwi ? so taga diego liñan din siya ?

pero bakit nakita ko siyang sa iba dumaan last time ? baka ginogoodtime lang ako nito eh ..

pero teka lang ulit .. anu nga ulit yung sabi niya ?? andami kasi eh .. tss

friends na kami ?? ..

sineryoso niya talaga yung sinabi ko noon nung hinila ko siya sa may student park ??

haaayyy hayae na nga .. ako rin naman ang nagsabi eh ..

malapit na ko sa bahay ng tita ko pero kasabay ko parin siya kaya humarap naman ako at tiningnan ko siya ..

"niloloko mo naman yata ako eh .. hindi ka naman dito nakatira .. " nakasimangot kong sabi sa kanya ..

"dito nga .. doon sa kabilang kanto" sabi niya habang nakaturo dun sa may kanto sa kabila .. sa may kanto kung asan yung bahay ni bestie ..

"eh bakit kahapon sa iba ka pumunta?" di parin naniniwalang sabi ko ..

"kasi nga po nagpunta ako sa com shop" sabi niya at tinakpan yung mukha ko ng palad niya ..

"ano ba" nakasimangot kong sabi at inalis ko naman yung kamay niya .. anlaki ba naman nung kamay .. saktong sakto sa mukha ko ..

"uo na nga.. tss .. oh siya dito na ko .. umuwi ka na rin .. kulit mo rin eh" sabi ko naman sa kanya at pumasok na sa gate ..

nakita ko pa siyang ngumiti at kumaway bago nag patuloy sa paglalakad ..

haaayy .. andaming nangyari ngayong araw ..

kinakausap na ko ni jeremy ,

at may nadagdag naman sa friend list ko ..

friends na daw kami eh ..

stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon