chapter 9: savior

154 3 0
                                    

"ok class .. you can go now but be sure to have your preparations next meeting .. goodbye" .. sabi ni maam castañeda at saka lumabas ng room .. prof namin sa nat sci

last subject na namin yun ngayong araw kaya naman pwede na kaming umuwi ..

"huy angie tara na sabay na tayo pauwi" angeline

"bakit malakad ka lang ba papuntang centro ?" tanong ko naman .. malapit lang kasi sa centro yung bahay ng tita ko at pwedeng pwede lakarin mula dito sa school .. ang boarding house naman nya ay malapit lang din samin ..

"uo lakad nalang tayo .. exercise narin .. feeling ko kasi tumataba na ko eh" ngeeee .. feeling lang daw .. eh mataba naman talaga sya .. haha ..

hindi rin kasi nabiyayaan ng tangkad yang bestie ko na yan eh .. tapos may katabaan din .. pero hindi naman sobra .. mataba lang syang tingnan kasi nga mababa sya ..

wow naman angie .. hehe makapagsalita naman ako parang ang taas ko .. hahaha .. konti lang naman ang taas ko sa kanya eh .. mga 2 or 3 inches siguro ..

pero syempre hindi ko sasabihin sa kanya yung nasa isip ko nuh .. mabatukan pa ko .. ambigat pa naman ng kamay nyang babaeng yan ...

"tama ka .. sige tara" tumayo na ko pagkatapos kong sabihin yun .. napatingin naman ako sa kanya kasi parang wala syang balak tumayo ..

oh ? ano nanamang problema ng isang to .. bat ang sama nyang makatingin ?

"at sumang ayon ka talaga na tumataba na ko" sarcastic nyang sabi

huh ??

sumang ayon ba ko ??

hindi naman ah ... hindi nga ba ? ..

hehe

"oy oy oy wala akong sinasabing ganyan ha .. ikaw ang nagsabi nun .. wala akong ginagawang masama .. hindi ba itinuro sayo nang teacher mo nung kinder na bawal magbintang sa kapwa ?" defensive ko namang sabi sa kanya ..

tama naman ako diba ?? hehe sya naman yung may sabi na tumataba na sya eh ..

"eh kung batukan kaya kita .. may pa kinder kinder ka pang nalalaman jan .. para sabihin ko sayo ..." huminga muna sya bago itinuloy yung sasabihin .. yan kasi eh wala nang ginawa kundi ang awayin ako .. kinapos ka tuloy ... "DAYCARE YUN TINURO SAMIN!!! "

"aray naman .. sakit sa eardrum .. bestie andito lang ako oh sa harapan mo .. tska nasa classroom tayo .. wala sa field .. kung makasigaw ka naman parang milya milya ang pagitan natin .. eh yung armchair lang naman ang nasa gitna natin" sabi ko naman .. makasigaw kasi eh wagas ..

"ay ewan ko sayo .. tara na nga" hinila na nya ako palabas ng room .. habang naglalakad napaisip naman ako kaya tinanong ko naman sya ...

" di nga bestie ? nung DAY CARE talaga tinuro sa inyo yun ?? samin kasi nung KINDER eh" natatawa kong tanong sa kanya ..

- - - - - - - - -

pagdating namin sa centro eh naghiwalay na kami .. may bibilhin pa daw kasi sya eh .. sabi ko sasamahan ko .. eh ayaw naman .. kaya nagderetso na lang ako ..

sa may short cut naman ako dumaan .. terminal sya ng jeep .. doon ako pumasok at nakarating naman ako sa backgate .. kumanan naman ako since dun yung way ko pauwi .. yung kaliwa naman eh papunta sa palengke ..

nung naglalakad na ko doon nga sa may kanan na daan eh lumingon muna ako dun sa kabilang daan .. yung papunta sa palengke ..

wala lang trip ko lang lumingon .. lagi ko naman yun ginagawa eh ..

teka .. parang pamilyar yung likod na yun ah .. nanlaki naman yung mata ko .. hindi ako pwedeng magkamali .. si jeremy yun .. matagal ko na syang sinusundan kaya kilalang kilala ko na yang likod na yan ..

nasa likuran ko lang pala sya kanina .. galing din kasi sya dun sa short cut na dinaanan ko ..

pero anong ginagawa nya dito ?? di kaya malapit lang dito yung tinutuluyan nya ??

malayo rin kasi ang bahay nyan ni jeremy .. sa iisang barangay lang kami nakatira .. kaya ang alam ko may tinutuluyan din sya dito sa daet .. kasi yun ang sabi ng mama ko na sabi raw nung mama nya ..

pero hindi ko naman akalain na malapit pa sa may tinutuluyan ko ..

grabe na talaga yung ngiti ko .. di ko mapigilan .. hehe

ikaw destiny ha .. buti naman at gumagawa ka na ng move .. hehe .. love na love talaga ako ni destiny ..

ok naka on nanaman ang papel ko dito sa istoryang to ..

sinundan ko naman sya .. kasu malayo layo narin yung narating nya .. at ansikip nahaharangan na sya ng mga tao sa palengke .. nakarating naman ako doon sa may kanto papasok na sa palengke sa may sakayan ng tricycle na di ko alam kung papunta saan ..

tuloy parin ako ng hanap .. mukha na kong tanga dun na lingon ng lingon .. paikot ikot na ako dun sa gitna .. pero hindi ko parin sya makita .. bigla na lang syang nawala ..

di kaya lumipad sya bigla kasi nahalata nyang may sumusunod sa kanya ??

napatingala naman ako .. wala naman eh ..

baka pumasok sya sa loob ng palengke ??

haaaayyy ang malas naman .. marunong din ba sya nung vanishing drive ni tetsuya kaya hindi ko man lang napansin kung san sya nagpunta .. nakikita ko pa lang sya kanina eh ..

haaay naku .. uuwi na nga lang ako ..

umikot na ko para bumalik nung nahagip ng mata ko si jeremy na nakaupo sa pilahan ng pasahero sa sakayan ng tricycle sa gilid ..

hindi ako tumingin sa kanya .. pero kita ko sa peripheral vision kong nakatingin sya sakin ..

kanina pa kaya nya ako nakikitang mukhang tanga ditong lingon ng lingon ?? ..

nahalata kaya nyang sinusundan ko sya .. anong gagawin ko .. ??

"angie ??" bigla namang may nagsalita sa may likuran ko ..

waaahhh thank you lord ..

kung sino ka mang nilalang kang tumatawag sakin .. hulog ka talaga ng langit ... waaaaahhhh may savior sa awkward naoment na ito ...

napalingon naman ako sa may likuran ko at nakita ko si bryan na nakatingin sakin ng nakangiti ..

lumapit naman sya sakin ..

"sorry nalate ako ng dating .. kanina mo pa ba ako hinahanap ??" sabi naman nya ..

huh ?? nalate ?? at ano daw ?? sya hahanapin ko ?? bakit ko naman gagawin yun ?

napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka ..

nakita ko naman syang tumingin kay jeremy at ngumiti

kinawayan naman nya si jeremy .. at tumingin ulit sya sakin .. hinila naman nya ko palabas ng palengke .. sa kabila kami dumaan kaya hindi ko na nakita si jeremy ..

nung nakalabas na kami ng palengke ay binitawa nya na rin ako .. nakatingin parin ako sa kanya ..

"you owe me that one" sabi nya at saka lumingon sakin .. ayan nanaman yung ngiti nyang nakakainis ..

"umuwi kana .. dun ka nalang dumaan para hindi ka nya makita .. " sabi nya habang nakaturo pa sa kanan .. at saka sya umalis ... nakatingin parin ako sa kanya habang naglalakad paalis ... tumawid sya sa kabilang kalsada ...

nung nawala na sya sa paningin ko'y napatingin naman ako daan na tinuro nyang dadaanan ko daw pauwi ..

ngek .. -_-

wala namang daan doon papuntang bahay eh ...

stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon