chapter 13: come closer

129 3 0
                                    

ang bilis lumipas ng araw ..

marami nang nangyari ..

palagi nang sumasabay samin sa pag uwi si jeremy at bryan ..

di ko alam kung panung naging magbabarkada kaming apat pero sa tingin ko ganun na nga yung nangyari ..

pero kahit ganun madalas ko pa ring pagmasdan si jeremy sa malayo at kahit sa malapit .. minsan nga kumukuha parin ako ng stolen shots niya .. hihi

katatapos ko lang ngayon magtake ng prelim exam at andito ako ngayon sa tapat ng building ng CAS .. iniintay ko kasi si bestie eh .. hindi pa siya tapos magtake ng exam .. nauna lang ako natapos ..

"sa wakas tapos na rin ang exam"
sabi ko naman ng nakangiti ..

ano kayang pwede gawin mamaya

syempre dapat naman kaming maghappy happy .. isang linggo din kaming nagfocus sa pagrereview ..

may dumating naman at umupo sa may dulo .. malawak kasi yung hagdan 10 m. siguro ang haba kaya marami talaga ang pwede umupo .. nasa may gitna ako nakaupo ..

di ko nalang pinansin kasi nga busy ako sa pag iisip kung san kami mamaya ..

bigla namang nagsalita yung bagong dating ..
"hindi pa tapos si angeline?" napatingin naman ako sa gilid ko ..

eh ? si jeremy pala .. bakit hindi gumana yung radar ko kanina ? hindi ko naramdamang siya yung dumating .. tsk tsk tsk .. nevermind na nga ..

"ah oo hinihintay ko nga eh .. si bryan ba ?" medyo malakas kong sabi sa kanya .. syempre malayo siya sakin eh ..

"di parin siya tapos eh" hindi ko masyadong maintindihan yung sinabi niya .. ang hina kasi ng boses eh ..

o baka naman hindi ako ang kausap niya at meron siyang nakikita na hindi ko nakikita ? waaaahhh ..

"huh ? ?_?"

" can you come closer?" sabi niya ulit ..

ano ba .. ang hina .. hindi ko talaga maintindihan ..

"huh? ?_?" puro huh nalang ang alam kong sabihin ..

" hey .. come closer" sabi niya ulit .. this time medyo malakas na ..

nabingi nga ako eh .. parang nag echo sa tainga ko yung sinabi niya ..

hala .. come closer daw ..

ehem ehem .. sir ganu kaclose ?

echos .. haha .. umisog naman ako pero .. mga 1m. nalang ang pagitan namin .. syempre nahihiya padin akong tumabi sa kanya kahit na barkada na kami .. hehe .. lalo pa at dalawa lang kami dito .. hindi pwedeng sobrang lapit ..



baka kung ano pa magawa ko sa kanya .. hihi .. ay landi .. haha

"bakit ba ang layo mo ? .. halika dito sa tabi ko .. may ibubulong ako sayo" sabi naman niya habang tinatap ng kamay yung space sa tabi niya ..

oh my gosh ano kaya yung sasabihin niya at kailangan pa niyang bumulong .. nakakaloka naman to si jeremy ..

ang bilis ng tibok ng puso ko .. waaahhh .. kinakabahan ako .. baka pag lumapit ako eh bigla ko na lang siyang sakmalin ..

hehe echos lang..

umisog pa ulit ako hanggang sa magkatabi na nga kami .. syempre curios din naman ako kung anong sasabihin niya ..

" ano ba yun ?" interesado kong tanong ...

readyng ready na talaga ang tainga ko nun .. kasi di ba malay mo sasagutin na pala niya ko .. hehe...



teka ? nanliligaw ba ko ??
ngek di nga pala ..

"kasi .... ang totoo niyan ...." lumapit pa siya sakin na para talagang napakahalaga ng ibubulong niya at bawal na marinig ng iba ..

loko rin tong lalaking to .. wala namang ibang tao dito eh .. kami lang .. busy ang lahat sa exam ..

"ahhh ano ... kasi ... ang totoo kasi niyan .. " ay grabe naman to mambitin .. " wala naman talaga akong ibubulong eh .. pinapalapit lang kita .. masyado ka kasing malayo"

huh ??

ano daw ??

napalayo naman ako sa kanya ng konti para makita ko yung mukha niya ..

"hahahahahahahaha" .. tinatawanan ba naman ako ..

aish .. hindi ko alam kung maiinis ako o kikiligin sa sinabi niya eh ..

kaya napasimangot nalang ako at nagpretend na napipikon .. nakatitig lang ako sa kanya habang tumatawa siya .. ang gwapo .. haha

" pasensya ka na .. hahaha ... sabi kasi ni bryan nakakatawa ka daw asarin kaya sinubukan ko .. hahahaha .. totoo nga yung sinabi niya .. kung nakita mo lang yung mukha mo kanina .. akala mo talaga may sasabihin akong mahalaga .. sobrang pula pa ng mukha mo .. hahahaha ... sorry sorry .. ehem" sabi niya habang tumatawa pero tumigil din naman at ngumiti nalang sakin ..

namumula pala talaga ako kanina ?
grabe nakakahiya ..

pero tinawanan lang naman niya eh ..

pinalo ko naman siya ng pabiro ..

"ang bad mo" nakapout ko pang sabi .. uo na ako na pacute ..

pagbigyan niyo na ko .. minsan lang to eh ..

"ang cute mo" sabi niya at pinisil ng mahina ang kanang pisngi ko ..

pulang pula na talaga ako nun .. kaya ngumiti nalang ako sa kanya ..

"magkasama pala kayo?"

napalingon kami pareho sa nagsalita ..

si bryan pala ..

"parang ang saya niyo ah?" sabi pa niya nang nakatingin sakin ..

" anjan ka na pala bryan .. nakita ko lang siya dito kaninang nakaupo ng mag isa .. hahahaha .. sinubukan ko lang yung sinabi mo .. sabi mo kasi nakakatawa siya pag inaasar .. kaya sinubukan ko nga at nakakatawa talaga yung reaksyon niya .. hahahahaha ." at ayun nga .. ikwenento niya kay bryan yung nangyari kanina .. si bryan naman nakikitawa din ..

pero ewan ko .. feeling ko kasi hindi totoo yung tawa niya eh ... hindi siya tulad nung tawa niya kapag inaasar niya ko ...


ay ewan .. baka feeling ko lang yun ..

stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon