chapter 3: pasukan na

206 4 0
                                    

bag ? check

outfit ? check

schedule ? check

ok ready to go na ko ..
excited na kong pumasok .. 9:30 pa ang first subject ko pero 7:30 palang eh paalis na ko ng bahay .. 1 hour kasi ang byahe mula sa bahay hanggang sa school kaya maaga akong papasok at maghahanap pa ko ng classroom eh ..

" mama alis na ko " sigaw ko kay mama .. nasa kusina kasi sya eh

lumabas na ko ng bahay at nagpuntang sakayan ..

pagkarating ko sa school pumunta na ako sa may department ko at hinanap si angeline .. katext ko na sya kanina at magkikita kami sa tapat ng CAS building .. palinga linga pa ko sa paligid..

asan na ba yun .. napatingin ako sa may gilid at nakita ko syang nakaupo dun sa may hagdan sa gilid ..

" angeline !" napalingon naman sya sakin at kumaway pagkakita sakin .. kumaway din ako ay ngumiti habang papalapit sa kanya .. tuloy parin ako sa pagkaway papalapit sa kanya .. syempre nuh gusto ko ipaalam sa lahat na may friend na ako at hindi ako loner ..

madami narin kasing estudyante sa paligid at nakikipagkwentuhan na sila sa mga bagong kakilala .. pero syempre hindi ako papahuli kasi meron narin naman akong kakilala .. at kumakaway sya ngayon sakin ...

ngiting ngiti pako habang di parin inaalis ang tingin kay angeline ..

" aray !" anu ba namang bato to sino bang may sabing maglagay ng bato dito .. napatid tuloy ako .. grabe nakakahiya .. alam ko namumula ang mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan ..

konti lang naman ang nakakita but the point is

may nakakita padin !!! waaaahhhh first day na first eh pinahiya ko na agad sarili ko .. ang epic talaga

umayos nalang ako ng tayo at nilingon yung lalaking kanina pa pinipigilan ang tawa ..

" sige na tumawa kana baka kasi sa sobrang pagpigil mo nyan eh mautot kana at dito ka pa magkalat! " inis na sabi ko habang nakatingin sa kanya , nagtawanan naman yung mga kasama nya dahil sa sinabi ko kaya napalingon sya sakin ..

may humawak sa braso ko kaya napatingin naman ako .. nakalapit na pala si angeline sakin ..

" ok ka lang ? " tanong naman nya at nag nod naman ako

" sandali .. di bat ikaw yung babaeng naghila sakin nung enrollment ?"

napalingon naman ako dun sa lalaking kaharap ko kanina ..

what the ??

nagulat talaga ako paglingon ko dun sa lalaki

hala ka angieeee..

anu ba namang kamalasan to .. si kuyang mukhang anghel na salubong ang kilay pala tong lalaking pinagtatawanan ako kanina ..

sobra natong nangyayaring to para sa first day ng isang 1st year na tulad ko ..

" ha ?? ah .. eh ... hehe " nauutal kong sabi "ano ka ba naman kuya .. hehe .. ngayon palang naman tayo nagkita .. tsaka common lang talaga tong mukhang to .. marami talaga akong kamukha .. sabi narin sakin yan ng mga kaibigan ko .. kaya nga madalas akong pagkamalan eh " defensive kong sabi .. grabe naman ang memory nitong si kuya .. ihypnotize ko kaya to para naman makalimutan na nya yung kabalbalang ginawa ko .. huhuhuhu

" hindi eh .. ikaw yun .. ikaw yung babaeng yun may hinahabol ka pa ngang lalaki at sinisilip .. ginawa mo pa akong -----" nanlaki ang mata ko sa mga pinagsasabi nya kaya pinutol ko na ..

" hindi nga ako yun eh !" putol ko sa sinasabi nya at saka hinila ko na si angeline paalis dun ..

grabe talaga yung lalaking yun .. kelangan pa talaga nyang sabihin ang lahat ng yon sa harapan ng mga kaibigan nya ...

anong pinapalabas nya na stalker ako at patay na patay kay jeremy ,
na ginamit ko pa syang pangharang kasi kala ko manika lang syang nakablack shoes .. ang kapal ng mukha nya ... galit na galit talaga ako at ang bilis pa ng lakad ko ..

teka .. napatigil ako sa paglalakad .. ginawa ko naman talaga lahat ng sinabi nya ah ?? .. ha ?

ginawa ko ba ?

oh my gosh ..

ginawa ko nga ..

ah basta .. kahit ginawa ko nga yun , hindi parin tama na sinabi nya yun sa harap ng kaibigan nya ..

" huy babae .. anong nangyayari sayo .. kanina ang bilis bilis ng lakad mo , galit na galit ang mukha mo , bigla ka na lang tumigil nang nakakunot ang nuo , tapos para kang nagulat at ngayon naman nakapout ka ... ano bang nangyayari sayo ? at yung lalaki dun yun ba yung lalaking kinuwento mo sakin na akala mo manika at ginawa mong taguan ?" natatawa pa nyang sabi ..

napatingin naman ako sa kanya .. muntik ko pang makalimutan na may kasama pala ako ..

" wala .. at uo na ang malas ko na kasi sya nga yun" napabuntong hininga kong sabi .. nakakainis naman .. alam nung lalaking yun na sinusundan ko si jeremy .. alam nya na ang sekreto ko .. panu kung sabihin nya kay jeremy ?? ..

pero teka ..

hindi naman nya kilala si jeremy eh ..

syanga .. tama .. hindi nya kilala kaya hindi nya masasabi .. napangiti nalang ako sa naisip ko ..

" oh ayan ka na nanaman eh .. kanina mukhang malungkot ngayon naman mapupunit na ang labi sa kangingiti .. anu bang iniisip mo ?"

" wala mamaya ko nalang sasabihin bili muna tayo ng pagkain nagugutom na ko "

haayyy wala na pala akong problema basta hindi nalang kami magkita ng lalaking yun ..

parang gusto kong kumain ng burger .. kaya inakit ko na si angeline sa canteen ..

" anung bibilhin mo ?? burger sakin .. hehe" tanong ko sa kanya

"yun nalang din sakin"

nagbili na kami at umupo dun sa may upuan at table sa tapat ng canteen ..

uhmmmm ambango talaga ng burger .. mukhang masarap .. paborito ko kasi ang burger .. lalo pa yung maraming cabbage .. yummy ..

kakagatin ko na sana yung burger ng mahagip ng mata ko si jeremy at ....
napatitig ako sa kanila .. di ko na natuloy ang pagkagat ko kaya nakanganga parin akong nakatingin ...

shucks .. no this isn't true .. no no no .. di pwede .. waaaaaahhhhh ...

stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon