chapter 4: first day disaster

211 5 0
                                    

tapos na ang chapter 3 at chapter 4 na pero nakanganga padin ako at nakatingin sa kanila ..

" oh ano naman ngayon at ganyan ang hitsura mo ?? para kang nakakita ng multo? "

di parin ako gumagalaw kaya nagulat nalang ako nang biglang may nag tulak nung kamay ko na may hawak na burger sa bibig ko .. and take note ha .. hindi lang basta tulak na mahina .. as in isinubo niya sa bunganga ko yung buong burger ..

muntik pa kong mabulunan actually nabulunan na nga ako pero buti nalang nakuha ko ulit yung kalahati sa bibig ko .. yuck may laway na ..

* cough* *cough*
"tu ---*cough * -- big *cough"
kinuha ko naman agad yung iniabot nyang tubig .. tapos hinagod nya yung likod ko na parang inosente ... kunwari pa tong babaeng to .. bruha talaga .. kung di ko pa alam mamatay matay na sa katatawa ang utak nyan .. *pout*

" bakit mo naman isinubo sakin ng buo yung burger ? kapag naging kasing laki lang ng labi ni anne curtis tong labi ko .. ikaw ang may kasalanan" nakapout parin ako habang sinasabi ko yan ..

"tigilan mo nga yang kapapout mo ..hmp .. eh kasi naman po tulala ka nanaman .. baka namamaligno ka na kaya ginising kita jan sa kahibangan mo nuh .. at para sabihin ko sayo walang kinalaman ang burger sa bibig mo .. bago ko pa yan isubo sayo eh kasing laki na yan ng kay anne" nakaismid nyang sabi .. pero alam ko naman na pabiro lang yun ..

" grabe ka naman .. kaibigan ba talaga kita?" nakapout ko paring sabi sa kanya

" hmp .. ano bang nakita mo at natulala ka jan ?" lumingon naman sya dun sa tinitingnan ko kanina "di ba yan yung lalaki kanina ? sino naman yung kasama nya ?"

napalingon din ako sa kanila ..
" uo sya nga .. at yung kasama nya ay si jeremy " uo tama kayo magkakilala nga sila at nag uusap sila ngayon .. i wonder kung sinasabi na nung lalaking yun kay jeremy ang sekreto ko ..

" so yun pala yung jeremy.. magkakilala sila ?" nagtanung pa talaga sya ..

" hindi ba halata .. kinakabahan na ako .. pano kung sabihin nya kay jeremy yung ginawa ko ? waaaahhh anong gagawin ko ?"

kinakabahan na talaga ako .. pinagpapawisan na ko at parang may umiikot sa loob ng tummy ko .. katatae ko lang naman kanina pero parang matatae ulit ako .. waaahhhh

kadiri talaga ako mag isip ..

pero di nga .. mukha pa namang madaldal si kuya .. shucks .. sigurado ichichismis nya na ako kay crush ...

"mukha ngang magkakilala sila.. " di ko nalang pinansin yung sinabi ni angeline hinila ko na sya patayo ..

pero napatingin naman ako sa kamay ko na hawak parin yung kalahating burger kasi parang may humihila ...

kaya naman pala eh .. kagat kagat yung burger ko ng aso na hindi ko alam kung saan nanggaling ..

" akin yan .. burger ko yan!!" nakipaghilahan talaga ako dun sa aso .. eh paborito ko to eh .. sakin to .. ni hindi ko pa nga nalalasahan eh .. pero kahit anung hila ko nakuha parin nung aso yung burger ..

" arrrgggg walanghiya kang aso ka "

gigil na gigil talaga ako dun sa aso .. malason sana sya sa burger na yun nalawayan ko na yun eh ... hahahaha ..

paalis na sana kami nung makita kong humiga yung aso .. parang nananamlay ..

hala joke lang naman yung kanina .. wala namang lason yung laway ko nuh .. nagtoothbrush kaya ako bago umalis ng bahay kanina .. grabe to

inamoy ko naman yung hininga ko para sigurado ..

" mabango naman " bulong ko

" bakit mo inaamoy hininga mo ??" tanong naman ni angeline ng nagtataka ..

" ah wala naman tara na pakinggan natin ang pinag uusapan nila jeremy"

" hay naku grabe ka .. pagkatapos mong makipag agawan ng burger sa aso , may energy ka pang mangstalk .. aba matindi"

nginitian ko nalang sya at naglakad na papunta sa mas malapit kala jeremy .. yung sakto lang para marinig yung pinag uusapan nila .. nakaupo kasi sila sa may bench sa ilalim ng puno kaya nag upo kami dun sa kabilang bench pero nakatalikod sa kanila ..

" hindi pa pala regular class ngayon" sigurado akong si jeremy yung nagsalita

"uo nga eh .. hindi naman nasayang yung pagpunta ko dito .. naalala mo ba yung sinabi ko sayong babaeng nakita kong sumusunod sayo nung enrollment ?"

napatayo naman ako dun sa bench na inuupuan ko .. natataranta na ko ..

" angeline .. sinabi nya kay jeremy "
di mapakaling sabi ko kay angeline

" eh di ba hindi ka naman kilala ni kuyang nakakita sayo ? so hindi rin naman malalaman ni jeremy na ikaw yun " may point sya .. kaya naupo ako ulit at nakinig sa pag uusap nung dalawa

" ah uo .. baka naman kakilala ko .. anu bang itsura ?" jeremy

napatayo ulit ako sa inuupuan ko
" angeline ... tinatanung yung itsura ko .. malalaman nyang ako yun"
natataranta nanamang sabi ko

" ano kaya kung lumapit kana sa kanila .." wow naman sa suggestion

" anu namang gagawin ko dun ??"

"kung ayaw mo talagang malaman ng crush mo na iniistalk mo sya eh di kausapin mo nalang si kuya na wag sabihin kay jeremy" ngek para namang makikinig sakin yun

" pano ko naman gagawin yun ??" tanong ko naman

" aba nagbigay na nga ako ng idea tapos ako parin ang iisip kung panu gagawin .. abuso ka na .. ikaw naman.."
-_- grabe sya

" eh kung dumaan kaya ako sa harap nila at umarteng natisod tapos kunwari aksidente kung masusuntok ang mukha nya para hindi na sya makapagsalita " tama siguradong hindi na nya masasabi kay crush ang tungkol sakin ..

" eh panu kung sa ibang araw nya sabihin ? tsaka ganu mo naman kasigurado na hindi sya makakahalatang hindi mo nga sinadya .. baka mag away lang kayo .. at sa harap pa ng crush mo .. gusto mo ba yun ?" .. naku naman di ko naisip yun ah ..

" eh anu kaya kung tuluyan ko na lang yang damuho na yan para hindi na makadaldal pa" tama gigilitan ko na lang sa leeg para wala nang problema ..

waaaahhhhh pero ayoko namang maging criminal nuh ..

" asus para namang kaya mo .. eh kung hilahin mu na lang sya ngayon at ilayo sa crush mo bago pa sya may masabi .. dalhin mo kahit saan .. para makapag usap kayo .. makiusap ka nalang .. ikaw naman may kailangan eh" .. pwede naman sana yung idea pero kasi ang yabang nyang lalaking yan eh .. tapos magkaaway pa kami .. panu kung hindi pumayag ..

" eh panu kung hindi nga pumayag ??" alanganin kong tanong

" aba gumawa ka ng paraan para pumayag sya ... kung talagang ayaw mong mabuking jan sa kabaliwan mo eh kausapin mo sya"

" hay sige na nga .. bahala na" humarap na ko kala jeremy at narinig kong sasagot na sana si kuya kay jeremy kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kanila

kasu ... oh no not again ..

stalking my crushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon